webquest1

Introduction

Kayo ay manonood ng ilang video clip tungkol sa sanaysay "Ang Alegorya ng Yungib" para mas madaling maunawaan ito. I-click niyo ang mga link sa ibaba para sa panonoorin:

https://www.youtube.com/watch?v=3lJxCT-dDww

 

https://www.youtube.com/watch?v=i6jjUHBWegU

Ang ating aralin ay tungkol sa isang panitikang mediterranean, ito ang sanaysay ni Plato, Ang Alegorya ng Yungib. Ang sanaysay ay nagpapakita ng bisa ng edukasyon sa isang lipunan. Ang sanaysay na ito ay base sa sanhi ng kahirapan at bunga ng edukasyon at kung paano kinahaharap ito ng isang tao sa kanyang isipan at buhay.

Ito ang isinaling sanaysay ni Plato. Maaari ninyong basahin.

http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/05/ang-alegorya-ng-yungib.html

Mula sa nabanggit na sanaysay, ang mga mag-aaral ay gagawa ng powerpoint presentation tungkol sa mga mahahalagang kataga o pangungusap na nabanggit sa sanaysay at video clips mula sa nilalaman ng sanaysay at kaugnayan nito sa isyung pandaigdigan.

Ang tagumpay sa paggawa nito ay nakasalalay sa partisipasyon ng bawat mag-aaral. Isaisip na kailangang magtulung-tulungan para sa tagumpay ng gawaing ito.

Task

Ang inaasahang resulta ng pangkatang gawain ay makagagawa ng pang-edukasyon, makapagtuturo, epektibo at malikhaing powerpoint presentation at ang video clip na may kaugnayan sa isyung pandaigdigan.Inaasahang mamatnugot ng pananaliksik sa internet at sa library. Gayunman, hindi sapat ang makukuha sa  internet at sa library. Kailangan din ninyong makipanayam sa mga taong may alam na maaaring makapagbibigay sa iyo ng karagdagang impormasyon para mapabuti ang iyong gawain. Dito maaari kayong gumamit ng clip art, word art, scanned photos, fonts at type habang dinedisenyo para maganda at malinaw. Mapapangkat ang klase sa limang pangkat. Ang gawain ng bawat miyembro ay makikita sa pahina ng proseso.

Ang bawat grupo ay magtulung-tulungan para magpsiya kung alin sa mga materyales na tinipon ang isasama sa powerpoint presentation at sa video clip.Masasanay niyo ang iyong paghatol sa pagpili kung anong materyales ang gagamitin para maging edukasyunal, makapagtuturo at malikhain ang iyong gawain. Ang iyong natapos na produkto ay ipapahayag sa guro at kaklase.

Inaasahan ding may pagpaplano ang guro at mga mag-aaral sa paggawa ng pamantayan kung paano gagraduhan o susuriin ang produkto

Process

Ang mga mag-aaral ay papangkatin sa limang pangkat. Ang bawat pangkat ay may iba't ibang gawain. Nangangailangan ang gawain ng kolaborasyon sa pagitan ng bawat miyembro ng pangkat. Inaasahan ding magkakaroon ng tamang paghatol o pagpili sa mga tinipon at kinumpletong materyales base sa kani-kanilang pananaliksik.

Ang bawat miyembro ay sisiguraduhing makipagtulungang maigi sa pamamagitan ng paniniguro sa nakaatas na gawain. Ang pananaliksik ay hindi lamang magmumula sa internet o library. Sinuman sa pangkat ay makikipanayam para makakuha ng unang-kamay na impormasyon tungkol sa mga pangyayari mula sa sanaysay  at mga isyung pandaigdigan. Ang bawat pangkat ay ihahambing ang lahat ng mga kinakailangang materyales para makagawa at makabuo ng pang-edukasyon,malikhain at epektibong powerpoint presentation at video clip.

Ito ang iyong pangkat at gawain:Bawat pangkat ay bibigyan ng mga pangungusap mula sa sanaysay at susuriin ito gagawa ng isang powerpoint presentation tungkol dito. 

Unang Pangkat: "Kung ang tinutukoy na mga tao sa yungib ay ang sangkatauhan, bakit sila tinawag na mga bilanggo? Pangatuwrian.

                            " Nakakadena ang mga binti at leeg kaya't di sila makagalaw"

Pangalawang Pangkat: "Makikita niya ang kanyang repleksiyon sa tubig."

                                      " Kapag lumabas na ang tao sa yungib o mundo ng walang ala, makakaramdam siya ng matinding sakit."

Pangatlong Pangkat: "Sinuman ang may katuwiran sa publiko o pribadong buhay, kailangan ang kaniyang mga mata ay may matibay na tuon.

                                 " Magtiis kaysa aliwin ang mga huwad na akala"

Pang-apat na Pangkat:" Ano ang kahalagahan ng edukasyon at katotohanan sa buhay ng sangkatauhan? Ipaliwanag.

                                     "Mas mabuting maging alipin ng dukhang panginoon."

Panghuling Pangkat: " Masasalamin ba sa sanaysay ang kultura at kaugalian sa ating bansa? Sa anong paraan ito inilahad ng may-akda."

                                  "Sa anong kadahilanan at isinulat ito ni Plato? Pangatuwiran ang sagot."

Para naman sa video clip,pipili ng isang paksang ibinigay sa grupo at ito ay iuugnay sa partikular na isyung pandaigdig.

Evaluation

Ang output ninyo sa paggawa ng hand-out ay magagraduhan sa pamamagitan ng pamantayang nakasulat sa kaliwang bahagi, inaasahang mataas at malinis ang pagkakagawa.

Ang output naman ninyo sa ginawang video clip ay magagraduhan sa pamamagitan ng pamantayang nasa kanang bahagi, inaasahang sa output ninyo ay sumunod kayo sa ating pamantayan para sa mataas na grado.

 

Pamantayan: 50 pts.                                                                                                 Pamantayan:50pts.

Hand-out,                                                                                       Video  clip,

Nilalaman:                                   15                                                           Nilalaman:                               10

Malikhain:                                     5                                                            Pagkakabuo:                           10

Pang-edukasyunal:                       5                                                           Organisasyon:                           5

Aral:                                              10                                                       Teamwork at partisipasyon:           5

kabuuang presentasyon:              10                                                           Repleksyon:                             10

Kahandaan:                                    5

 

Conclusion

Inaasahan kong ang mga mag-aaral ay matutong gumawa ng produkto gamit ang makabagong teknolohiya sa pagkatuto maliban sa tradisyunal na ginagawang pagkatuto.  Maliban din rito ay napahahalagahan ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng  masinsinang pananaliksik at kahalagahan ng partisipasyon sa grupo. Mula sa gawain ay marami silang matutunang aral din na  dadalhin sa kanilang pagkatuto.

Credits