UGNAYAN NG KITA, PAG-IIMPOK AT PAGKONSUMO

Task

Pamprosesong Tanong:

1. Kahalagahan ng paksa.

2. Magbigay ng halimbawa tungkol sa paksa. 

 

Ang mag-aaral ay hahatiin sa apat na grupo para ipaliwanag ang mga sumusunod na paksa;

Unang pangkat- Kita

Pangalawang grupo - Pag-iimpok at Financial Intermediaries

Pangatlo Grupo - Pagkonsumo

Process

                                                     

Ang pera katulad ng ating mga pinagkukunang yaman ay maaaring maubos. Ang pera ay ginagamit sa pagbili ng mga bagay na kinakailangan upang mapunan ang panganagilangan at kagustuhan ng mga tao. Ang pagkonsumo gamit ang salapi ay kinakailangan din ng matalinong pag-iisip at pagdedesisyon upang mapakinabangan nang husto at walang nasasayang.

Madalas na ang pangangailangan ng pera ng maraming tao ay ang kaniyang kita. Ang kita ay halagang natatanggap ng tao kapalit ng produkto o serbisyong kanilang ibinibigay. Sa mga nagtatrabaho, ito ay suweldo na kanilang natatanggap. Ang kita ay maaaring gastusin at iba pang bagay na kinukonsumo. Subalit bukod sa pagggastos ng pera, mayroon pang ibang bagay na maaaring gawin dito. Maaari itong itabi o itago bilang savings o ipon.

Sa “Macroeconomics” ni Roger E.A. Farmer (2002, sinabi niya na ang savings ay paraan ng pagpapaliban ng paggastos. Ayon naman kina Meek, Morton, at Schug (2008)., ang ipon o savings ay kitang hindi ginagamit sas pagkonsumo o Hindi ginagastos sa pangangailangan. Ang ipon na ginagamit upang kumite ay tintawag na investment. Ang economic investment ay paglalagak ng pera sa Negosyo. Ang isang indibidwal ay maaari ring maglagay ng kanyang ipon sa mga financial assesst katulad ng stocks, bonds, o mutual funds.

pera na iyong naipon bilang savings ay maaaringilagak sa mga Financial Intermediaries tulad ng mga bangko. Ang mga bangko at iba pang financial intermediaries ay nagsisislbing tagapamagitan sa sa nag-iipon ng pera at sa nais umutang o magloan. Ang umuutang o borrower ay maaring gamitin ang nahiram  na pera sa pagbili ng asset ( pagmamay-ari) na may ekonomikong halaga o gamitin ito bilang karagdangang puhunan. Ang pera na iyong inilagak sa mga insitusyong ito ay maaaring kumite ng interes o dibidendo.

 

Kung itatago mo nang matagal na panahon sa alkansiya ang iyong pera, hindi ito kikita at maaari pang lumiit ang halaga dahil sa implasyon. Bukod dito, dahil sa pagtatago mo at nang maraming tao ng pera sa alkansya, maaring magdulot ng kakulangan sa supply ng salapi sa pamilihan. Makabubuti kung ilalagak ang salapi sa matatag ng bangko o iba pang financial intermediaries upang muling bmalik sa pamilihan ang salaping inimpok.

 

FINANCIAL INTERMEDIARIES

 

Evaluation

RUBRICS

Teacher Page

Ang webquest na ito ay nilika ni Lean May Herrera Rocha, mag-aaral sa College of Sciences Technology and Communication Inc, (CSTC) Sariaya Quezon.