Tula-Padilla, EJ

Introduction

                                                                               Ang Tula

                Ang tula ay isang akdang pampanitikan na naglalarawan ng buhay, batay sa guniguni,kaisa ng ating damdamin at ipinahahayag sa pananalitang may angking aliw- iw. Likha ito ng isang makata at hinasa sa kalikasan at sa buhay ng tao. Ang isang tula ay gumagamit ng tumpak na salita at larawang diwa upang maipahayag ang tunay na damdamin.

               Ang tula ay nangangailangan ng masusing pagpili ng mga salita, bilang ng mga pantig at tugma ng salita upang maipadama ang isang damdamin o kaisipang nais ipahayag ng isang manunulat. Bagamat sa kasalukuyan ay unti- unti nang nawawala ang sukat at tugma ng isang tula, dahil ang mga makabagong manunulat ay naniniwala sa kaisipang malayang taludturan.

              Ito ay pagpapahayag ng mayayamang kaisipan sa maririkit na pananalita sa pamamagitan ng taludtod. Ang kalipunan ng mga taludtod ay tinatawag na taludturan o saknong.

              May apat na sangkap ang tula ang sukat, tugma, makabuluhang diwa at kariktan.

 

Ano ang kahalagahan ng pagsulat ng tula?

Bakit kailangang taglay ang mga sangkat ng tula sa pagsulat ng tula?

Bakit kailangang gumamit ng tumpak na salita sa paggawa ng tula?

Task

Image result for image of tula

Inaasahang ang mga mga-aaral ay makalikha ng apat na saknong na tula na napapatungkol sa sarili na taglay ang mga sangkap ng tula.

Process

             Sa isang buong papel magsusulat ang mga mag-aaral ng apat na saknong na tula tungkol sa kanilang sarili na dapat taglay ang mga sangkap ng tula. Kailangang gumamit ng mga pili at tumpak na salita.

Evaluation

Pamantayan sa paggawa ng tula:

  • Nilalaman at pamamaraan – 50%
  • Istilo – 25%
  • Organisasyon – 15%
  • Orihinalidad – 10%

         Kabuuan - 100%

Conclusion

               Ang tula ay isang akdang pampanitikan na naglalarawan ng buhay, batay sa guniguni,kaisa ng ating damdamin at ipinahahayag sa pananalitang may angking aliw- iw. Sa pagsulat ng tula kinakailangang taglay nito ang mga sangkap ng tula upang ito ay maging kaiga-igaya at maging mabisa sa pagpukaw ng damdamin ng mga mababasa. Kinakailangan din na gumamit ng pili at tumpak na salita upang ito ay maging kaakit-akit at maganda ang tunog. Mahalaga ang pagsulat ng tula dahil ito ang daan upang maipahayag ang nais sabihin at ang damdamin.

Credits