Introduction
Magbigay ng isang hugot tungkol sa PUSO.
Hal. "Mabuti pa ang puso mo pulang pula, ako ngay putlang putla ng ikat makita."
Ang tula ay isang akdang pampanitikan na naglalarawan ng buhay batay sa guni-guni, kaisa ng ating damdamin at ipinapahayag sa pananalitang may angking aliw-iw. Likha ito ng isang makata at hinasa sa kalikasan at sa buhay ng tao. Gumagamit ang tula ng tumpak na salita ay larawang diwa upang ipahayag ang tunay na damdamin. Nangangailangan ito ng masusing pagpipili ng mga salita upang maipadama ang isang damdamin o kaisipan na nais ipahayag ng manunulat.
May limang elemento ng tula:
1. Sukat- bilang ng pantig bawat taludtod
2. Tugma- pagkakatunog ng huling pantig ng salita sa bawat taludtod
3. Taludtod- (lines) bumubuo sa isang saknong
4. Saknong- (paragraph) binubuo ng taludtod
5. Kariktan- mga maririkit na salita
Bakit nga ba mahalaga ang pagsulat ng tula? Ipaliwanag.
Sa kasalukuyan, mahalaga pa ba ang pagsasaalang-alang ng mga nabanggit na elemento ng tula? Panindigan.
Task
Lumikha ng isang tula na pumapaksa sa lipunan. Isaalang-alang ang paggamit ng maririkit na salita, may indayog at tugma. Limang saknong o higit pa.
Process
Sa isang long bond paper, isulat ang nabuong tula at lagyan ito ng disenyo. Gamitin ang pagkamalikhain ngunit Iwasan ang paggamit ng glitters.
Evaluation
Pamantayan sa Pagmamarka
Nilalaman 15
Organisasyon ng ideya 15
Kakanyahan 10
Pagkamalikhain 10
KABUUAN 50pts
Conclusion
Ang tula ay isang akdang pampanitikan na dapat pahalagahan ng bawat isa. Hinahasa nito ang kabihasaan sa paggamit ng wika, pagkamalikhain sa pagsulat, pakikipagkumunikasyin at taktak nito ang ating kultura at paniniwala.
Credits
Badayos, P. B. Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika.
Abueg, E. R. (2012). Ang Sining at Kasaysayan ng Panitikan ng Pilipinas
http://www.scribd.com/doc.244191410/Ano-Tula-at-Ang-Patubay-Sa-Pagtututā¦
Teacher Page
AHAN, J. P. -TULA