Introduction
TALUMPATI
Ang talumpati ay isang sining ng pagpapahayag ng kaisipan o opinyon ng isang tao tungkol sa isang paksa na ipinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado. Mananalumpati ang tawag sa taong gumagawa at nagtatalumpati sa harap ng publiko o grupo ng mga tao.
Layon nitong magbigay ng kaalaman o impormasyon, tumugon, humikayat, mangatwiran, at maglahad ng isang paniniwala. Isa rin itong uri ng komunikasyong pampubliko kung saan ang isang paksa ay ipinapaliwanag at binibigkas sa harapan ng mga tagapakinig.
May anim (6) na uri ng talumpati o pananalumpati. Ito ay ang talumpating pampalibang, nagpapakilala, pangkabatiran, nagbibigay-galang, nagpaparangal, at pampasigla.
Nahahati ito sa tatlong (3) bahagi; ang simula, katawan at katapusan.
Task

Makalikha ng isang talumpati na maaaring nakabatay sa iyong karanasan o obserbasyon sa lipunan.Dapat makita sa sulatin ang kaayusan at pagpapahalaga sa paksang tinatalakay.
Process
Alamin natin kung ano nga ba ang talumpati.
1.Ano ang kahulugan at kahalagahan ng talumpati?
2.Anu-ano ang mga pangunahing layunin sa paggawa ng talumpati?
3. Gawin ang sumusunod:
Mag- grupo ng anim na pangkat. Ang bawat miyembro ng isang pangkat ay gagawa ng isang talumpati na naayon sa uri na naiatas sa kanilang pangkat. Gawin ito sa isang buong papel.
- Unang Pangkat - Talumpating Pampalibang
- Ikalawang Pangkat- Talumpating Nagpapakilala
- Ikatlong Pangkat- Talumpating Pangkabatiran
- Ikaapat na Pangkat-Talumpating Nagbibigay-galang
- Ikalimang Pangkat-Talumpating Nagpaparangal
- Ikaanim na Pangkat-Talumpating Pampasigla
Evaluation
Pamantayan sa paggawa ng Talumpati
Nilalaman-------------------50%
Organisasyon--------------30%
Mekaniks--------------------20%
Kabuuan--------------------100%
Conclusion
Ang pagtatalumpati ay isang uri ng sining. Dito makikita ang katatasan at kahusayan ng tagapagsalita sa paghihikayat upang paniwalaan ang kanyang pangangatwiran sa paksang tinatalakay. Ito ay pinaghahandaan bago bigkasin sa madla. Mahalaga ang pagtatalumpati sapagkat sa pamamagitan nito ay nailalahad ng isang tao ang kaniyang paniniwala sa isang bagay at naibabahagi ang kaniyang isipan sa iba.Dahil dito ay nagagawa niyang palawakin ang kaalaman patungkol sa kanyang paksang tinatalakay at nakakalikom ng dagdag na supporta at tulong upang maibahagi ang kaalaman o ang mga aksyon na dapat magawa upang maisakatuparan ang pagbabago.