Introduction
Panimula
Ang Pilipinas ay dating kolonya ng mga Kanluranin. Maraming mga impluwensyang nakuha ang mga Pilipino mula sa kanilang pulitika, ekonomiya at panlipunang pamumuhay. Pero mayroon pa ring kulturang Pilipino na nananatili na pwede nating maipagmalaki.
Sa kasalukuyan nakikita natin lalo na dito sa Mindanao ang iba’t ibang uri ng kultura. Tunghayan natin ngayon ang integrasyon ng kanilang kultura maliban sa relihiyon lalo na sa pagitan ng mga Maranao at Iliganon.
Task
Gawain
Ang kabuuan ng ating pag-aaral sa integrasyon ng kultura sa pagitan ng Maranao at Iliganon ay ang pagbuo ng isang “magazine” na naglalaman ng mga artikulo at nga litrato. Magkaroon ng isang artikulo tungkol sa bawat isa sa mga sumusunod na paksa:
Integrasyon sa wika ng mga Maranao at Iliganon
Integrasyon sa klase ng pagkain ng mga Maranao at Iliganon
Integrasyon sa arkitektura ng mga Maranao at Iliganon
Integrasyon sa sining ng mga Maranao at Iliganon
Tatalakayin ng bawat artikulo ang mga integrasyon ng kultura na nangyayari sa atin. Bigyang pansin ang mga kahulugan ng mga salita o gawa sa mga larangang nabanggit.
Basahin ang mga hakbang sa pagbuo ng magasin.
Process
Proseso
Unang Hakbang – Pagbubuo ng mga Pangkat
- Hahatiin ang klase sa apat na pangkat. Ang bawat pangkat ay binubuo ng labing-isang katao na magsasaliksik sa bawat mga paksa na ibibigay. Ang mga tungkulin ay ang sumusunod:
|
Papel |
Blg. ng Miyembro |
Mga Tungkulin |
|
Lingguwista |
2 |
Lilikom ng mga impormasyon tugkol sa mga integrasyon ng Maranao at Iliganon sa kanilang wika
Susulat ng isang artikulo o sanaysay tungkol sa impormasyong nakalap. Ang artikulo ay kinakailangang binubuo ng:
|
|
Eksperto sa Pagkain |
2 |
Lilikom ng mga impormasyon tugkol sa mga integrasyon ng Maranao at Iliganon sa kanilang pagkain
Susulat ng isang artikulo o sanaysay tungkol sa impormasyong nakalap. Ang artikulo ay kinakailangang binubuo ng:
|
|
Arkitekto |
2 |
Lilikom ng mga impormasyon tugkol sa mga integrasyon ng Maranao at Iliganon sa kanilang arkitekto
Susulat ng isang artikulo o sanaysay tungkol sa impormasyong nakalap. Ang artikulo ay kinakailangang binubuo ng:
|
|
Artist |
2 |
Lilikom ng mga impormasyon tugkol sa mga integrasyon ng Maranao at Iliganon sa kanilang sining
Susulat ng isang artikulo o sanaysay tungkol sa impormasyong nakalap. Ang artikulo ay kinakailangang binubuo ng:
|
|
Graphic Designer |
2 |
Kukuha ng mga larawanna may kaugnayan sa nilalaman ng artikulo tungkol sa pagkain, arkitektura, at sining na nagpapakita ng integrasyon ng kultura ng Maranao at Iliganon
Susulat ng caption para sa bawat larawan
Gagawa ng disenyo ng pabalat ng magasin |
|
Editor-in-chief |
1 |
Susulat ng isang editorial (4-5) talata ng magasin. Ang editorial ay isang paglalagom ng nilalaman ng magasin. Dito rin ipapaliwanag ang kabuuang tema ng magasin.
Mangangasiwa sa pagbubuo ng magasin at magsisilbi bilang lider ng pangkat |
b. Pansinin ninyo na hindi mabubuo ang magasin kung hindi gagawa ang bawat miyembro. Kinakailangan paghatian ninyo ang mga Gawain. Tiyaking tugma ang tungkuling gagampanan sa kakayahan at interes ng bawat miyembro.
c. Ang pagpili ng tungkulin ng bawat miyembro ay dapat gawin sa iang pulong ng pangkat. Gagawin ito sa loob ng silid-aralan sa araw ng pagpapaliwanag sa webquest at pagbubuo ng mga pangkat ng inyong guro.
Ikalawang Hakbang – Pananaliksik/Pangangalap ng Impormasyon
a. Simulan na ang background research o pagbabasa ng mga website, aklat at iba pang nakasulat na batis ng impormasyon tungkol sa integrasyon ng kultura ng mga Maranao at Iliganon. Nakasulat sa Sanggunian ang ilang websites na maaari ninyong basahin.
b. Tapusin ang background research sa loob ng isang linggo.
c. Gawin ang field research kung saan magmamasid at kakapanayamin ninyo ang ilang Maranao at Iliganon upang makakuha ng espesipikong impormasyong kailangang isama sa mga artikulo.
d. Tapusin ang field research sa loob ng isang linggo.
Pangatlong Hakbang – Paghahanda ng Ulat
a. Pagkatapos ng inyong field research, isulat ang inyong artikulo. Ang mga magkapares ay kinakailangang magtulungan sa pagsulat ng artikulo. Gamiting gabay sa pagsusulat ang rubric para sa pagmamarka ng inyong Gawain na matatagpuan sa Ebalwasyon.
b. Gawin ng mga graphic designer ang pagsasaayos ng mga litrato para sa ibang artikulo at gawan ng mga caption ito. Gagawin na rin nila ang desinyo ng pabalat.
c. Tapusin ito sa loob ng isang lingo.
d. Magpulong kayo upang pag-usapan ang mga burador (draft) ng mga artikulo at buuin ang magasin. Marahil magtatakda ang inyong guto ng isang araw para gawin ang hakbang na ito kasama ang iba pang pangkat. Ang pulong na ito ay matatapos sa loob ng 3 oras
e. Pagkatapos ng talakayan ay ayusin ng mga kinauukulan ang kanilang burador. Aayusin din ng mga graphic designer ang kanilang ginawa ayon sa suhestiyon ng kagrupo. Ang pag-aayos na ito ay matatapos sa loob ng 2 oras.
f. Pagkatapos ay buuin ninyo ang magasin ng grupo. Gawan ito ng talaan ng nilalaman, isulat ang mga pangalan ninyo, at pagkabitkabitin sa pamamagitan ng stapler o fastener ang iba’t ibang pahina. MAtapos ninyo ito sa loob ng 1 oras.
Ikaapat na Hakbang - Pagtatasa
a. Isumite sa inyong guro ang inyong magasin sa huling dako ng araw ng paggawa.
b. Sagutin ang self-assessment at peer evaluation forms (bawat miyembro ang gagawa nito) bilang gawaing pambahay (homework) at isumite ang mga ito sa inyong guro sa takdang araw.
Sanggunian
ü Maranao
http://en.wikipedia.org/wiki/Maranao_people
http://www.maranao.com/index.php?option=com_content&view=article&id=20&Itemid=65
http://www.everyculture.com/East-Southeast-Asia/Maranao.html
http://savemaranaoculture.blogspot.com/
http://www.thingsasian.com/stories-photos/40488
http://www.joshuaproject.net/people-profile.php?peo3=13531&rog3=RP
http://www.ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/e-books/e-book.php?id=79&t=2
ü Iliganon
http://www.iligan.ph/tourism-events/kasadya-streetdancing-and-merrymaking-2009/
http://www.pinaytravelista.com/2011/06/i-heart-iligan-city.html
http://www.iligan.gov.ph/index.php?option=com_content&task=view&id=2296&Itemid=738
http://202.91.162.22/web/migueldiyandi/
Evaluation
Ebalwasyon
Makikita sa rubric sa ibaba na ang bawat bahagi ng inyong magasin ay bibigyan ng karampatang iskor o marka.
5 = higit sa inaasahan 3 = katamtaman 1 = wala/hindi
4 = mahusay 2 = nagsisimula pa lamang
Editorial
___ Nagbibigay ng paglalagom ng nilalaman ng magasin
___ Maayos at lohikal ang organisasyon ng mga ideya
___ May wastong baybay, wastong bantas, at wastong gramatika
___ Nahihikayat ang mambabasa na basahin ang nilalaman ng magasin
Ulat Tungkol sa Integrasyon sa Wika
___ May glosari ng higit sa 10 na salitang hiram ng Maranao at Iliganon
___ Maayos ang paglalahad ng glosari at madaling basahin/ganitin
___ Nahihikayat ng panimula ang mambabasa na tunghayan ang glosari
___ Maikli ngunit kawili-wili at epektibo ang pagtatapos
___ Gumanit ng wastong baybay, wastong bantas, at wastong gramatika
___ Angkop ang teksto at kawili-wili ang artwork na kasama ng glosari
Sanaysay tungkol sa impluwensiya sa pagkain
___ May 2-3 recipe ng mga local na putahe na may integrasyon ng kulturang Maranao at Iliganon
___ Napapatunayan sa mga mambabasa na may impluwensiyang Maranao o Iliganon ang mga putahe na nabanggit
___ Ang maikling panimula ay nakakatawag pansin sa mga resipeng inilalahad
___ Angkop at epektibo ang pagtatapos ng ginamit
___ Gumamit ng wastong baybay, wastong bantas, at wastong gramatika
___ Malinaw at kakikitaan ng angkop na detalye ang larawan ng putahe
Sanaysay na naglalarawan ng integrasyon sa arkitektura
___ Dalawang bahay o gusali ang inilalarawan
___ Pinatutunayan ang integrasyon ng kulturang Maranao at Iliganon na makikita sa mga istrukturang inilalarawan sa pamamagitan ng pagtalakay ng ilang element o disenyo
___ Gumagamit ng konkreto at angkop na mga salita sa paglalarawan
___ Maayos at lohikal ang organisasyon ng mga ideya
Sanaysay na naglalarawan ng integrasyon ng sining
___ Buo ang pagtatalakay sa sining na napili
___ Gumamit ng konkreto at angkop na mga salita sa pagtatalakay sa sining na napili
___ Maayos at lohikal ang organisasyon ng mga ideya
___ May wastong baybay, wastong bantas at wastong bantas, at wastong gramatika
___ Malinaw at kakikitaan ng angkop na detalye ang larawan ng sining na tinalakay
Disenyo ng pabalat
___ Angkop ang disenyong napili sa tema ng magasin sa kabuuan
___ Angkop ang gamit ng kulay
___ Angkop ang napiling font size at style para sa pangalan ng magasin at iba pang teksto sa pabalat
___ Kaaya-ayang tingnan ang pabalat
Ang grado ng bawat mag-aaral ay kukunin sa marka para sa magasin ng buong pangkat (70%), grado sa pagtatasa sa sarili (15%), at grado sa pagtatasa ng mga kagrupo (15%).
Conclusion
Pagtatapos
Napakagandang tingnan sa integrasyon ng mayamang kultura sa pagitan ng mga Maranao at Iliganon. Nakikita natin na sa kabila ng maraming pagbabago sa kasalukuyan nanatili parin ang lokal na kultura dito sa atin at patuloy na umaangkop. Ito ang matatawag nating sariling atin na dapat nating maipagmalaki.