Introduction
Pamantayang Pangnilalaman:
- naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagan ng pakikilahok at bolunterismo sa pag-unlad ng mamamayan at lipunan.
Pamantayan sa Pag-ganap:
- nakakalahok ang mag-aaral ng isang proyekto o gawain para sa barangay o mga sektor na may partikular na pangangailangan (hal. mga batang may kapansanan o mga matatandang walang kumakalinga).
Mga Kasanayang Pampagkatuto:
- naiuugnay ang kahalagahan ng pakikilahok at bolunterismo sa pag-unlad ng mamamayan at lipunan.
- nakapagsusuri ng kwentong buhay ng mga taong inilaan ang malaking bahagi ng kanilang buhay para sa pagboboluntaryo.
- napatutunayan na ang pakikilahok at bolunterismo ng bawat mamamayan sa mga gawaing pampayanan, panlipunan o pambansa, batay sa kanyang talento at kakayahan.
Layunin:
Sa pamamagitan ng mga inihandang gawain, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
- naipaliliwanag ang batayang konsepto ng aralin;
- naipababatid ang importansya ng pakikilahok at bolunterismo sa lipunan o sa kapwa.
- nalalaman ang kahalagahan ng pakikilahok at bolunterismo sa kapwa.
Kabutihang panlahat ay nangangahulugan na paggawa ng isang bagay o desisyon para sa ikakabuti hindi lamang sa iyong sarili para na rin sa nakakarami.
Task
Hahanapin ng mga mag-aaral ang mga larawan na nakatago sa silid-aralan.
May mag katanungang itatanong sa mga mag-aaral:
- Ano ang napansin sa larawan?
Mga taong nagtutulungan para sa ikakabuti ng lahat. May mga taong tumutulong sa kapawa at sa mga nangangailangan ng tulong.
- Ano ang iyong naramdaman habang pinagmamasdan ang nasabing larawan? Ipaliwanag.
Natutuwa dahil nakakagawa ng mabuti sa kapwa at sa kabutihang panlahat.
- Alam mo ba kung anong tawag sa ganitong gawain? Patunayan.
Pakikilahok at bolunterismo.
- Sa iyong palagay bakit mahalaga ang mga ito?
Mahalaga ito sapagkat alam mo ang nangyayari sa paligid at kung ano ang maitutulong sa kapwa.
Process
- Panahon- mahalaga sapagkat kapag ito ay lumipas hindi na ito maibabalik. Sabi nga sa isang awit: "Minsan lamang ajko daraan sa daigdig na ito kaya ano man ang mabuting maaring gawin ko ngayon o anumang kabutihan ang maari kong ipamahagi o idulot itulot ninyong magawa ko ngayon ang mga bagay na ito. Nawa'y wag ko itong ipagliban o ipagwalang bahala sapagkat di na ko muling daraan sa ganitong landas.
- Talento- ang bawat isa ay binigyan ng Diyos ng talrnto at ito ay iyong magagamit upang maipamahagi sa iba.
- Kayamanan- maaring ang unang sasabihin ng iba ay wala akong pera, mahirap lang kami, wala akong maitutulong, ngunit sa pagbibigay hindi tinitingnan ang laki nito sapagkat gaano man ito kaliit ang mahalaga ay kusa mong ibinigay ito ng buong puso para sa nangangailangan.
Ito ang maging kasangkapan ng isang inbidibwal upang makatulong sa kapwa mamamayan.
Pagkatapos ng talakayan may mga katanungang itatanong sa mga estudyante:
- Naranasan mo na bang ilaan o ibigay ang iyong sa bayan o sa lipunan? Sa paanong paraan?
Opo. Naranasan ko na po ito ng tumulong ako sa paglilinis ng mga kalat sa barangay at pagpapakain ng mga bata na nagugutom sa lansangan kagaya ng feeding program.
- Ano nga ba ang kahulugan para sayo ng pakikilahok?
Ito ay tungkulin na dapat isakatuparan ng lahat ng tao. Ang pakikilahok ay isang malayang pagpili. Hindi maaaring pilitin o pwersahin ang tao upang isagawa ito. Ang pakikilahok ay maaaring tawagin na bayanihan, damayan o kawanggawa.
- Paano mo ito isasagawa ng bukal sa kalooban na nagpapakita ng pananagutan sa kapwa?
Tumulong sa clean up drive sa barangay kahit na hindi sinasabihan.
May nakita akong matanda sa kalsada at tinulungan ko na tumawid. Binuhat ko ang mga dala-dala ng matanda at hinintay siya na makasakay ng jeep.
Evaluation
Para sa inyong asignatura o takdang aralin sagutan ang mga sumusunod na mga katanungan. Isulat ito sa isang buong papel at ipasa kinabukasan.
- Ano ang pinagkaiba ng pakikilahok at bolunterismo? Ipaliwanag.
- Paano mo gagamitin bilang isang indibidwal ang iyong talento, panahon at kayamanan sa pagsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo?
- Mahalaga ba ang pakikilahok at bolunterismo ng isang kabataan?
- Ano-ano ang maidudulot nito sa iyong kapwa? Sa pamayanan? Sa lipunan? Sa sarili?
Conclusion
Kung sisimulan mo sa iyong sarili at nagawa mo ito ng buong puso matitiyak mo na ikaw ay magkakaroon ng kaganapan sa iyong buhay, isang buhay na ganap na kasiya-siya. Sa konseptong ito mahalaga na bilang isang tao ikaw ay may personal na pananagutan para sa iyong kapwa at sa lipunan. Nararamdaman mo rin na may magagawa ka bilang isang indibidwal. Bilang isang mamamayan ng ating bansa tumulong tayo sa nangangailangan ng ating tulong at wag nating ipagkait ang ating panahon, talento at kayamanan sa nangangailangan. Kailangan natin itong ibahagi sa iba dahil tinutulong din natin ang ating sarili na umunlad.
Credits
Edukasyon sa Pagpapakatao. Modyul9, Pahina 1-20