Politikal na Pakikilahok

Introduction

Sa araling ito mauunawaan ang mga paraan ng politikal na pakikilahok. Ang mga paraang ito ay nagbibigay ng kapangyarihan sa mamamayan para makamit ang tinatamasang mabuting pamamahala.Bilang pinakamahalagang elemento ng Estado, nasa kamay natin  bilang mamamayan  ang pagtugon sa mga isyu at hamomg panlipunan na ating kinakaharap.Dahil nasa ating mga kamay ang susi para sa pagbabago ng ating lipunan.Ito ay patunay lamang na ang kapangyarihan ng isang Estado ay wala sa pamahalaan at sa mga taong bumubuo nito, sa halip ito ay nagmumula sa mga mamayan.Ang mamamayan ang pinakamahalagang elemento ng Estado. Sa araling ito dito tinatalakay ang mga paraan kung paano maging aktibong makikilahok ang mamamayan.Ang Pilipinas ay isang Estadong republikano at demokratiko. Ang ganap na kapangyarihan ay angkin ng sambahayan at nagmula sa kanila ang lahat ng mga awtoridad na pampamahalaan. Sa pakikilahok mapapabuti ang pamamalakad ng pamahalaan.

 

 

 

I. Layunin

Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag aaral ay inaasahang:

• Nasusuri ang mga kwalipikado at diskwalipikadong bumoto na nakapaloob sa pulitikal na pakikilahok.

• Naipahahayag ang kahalagahan ng eleksyon at pagboto bilang isang mamayan na aktibong nakikilahok sa pulitikal na gawain ng bansang Pilipinas.

• Nakapagpapamalas ng mga ideya ukol sa mabuti at masamang epekto ng eleksyon sa pamamagitan ng maikling dula-dulaan.

II. Paksang Aralin

A. Paksa: Politikal na Pakikilahok

B. Sanggunian: K-12 Curriculum Guide

C. Mga Kagamitan: TV, laptop, pantulong biswal, panulat

III. Pamamaraan

A. Paunang Gawain

1. Panalangin/Dasal

2. Pagbati

3. Pagtatala ng Liban sa Klase

4. Balik-Aral

Batay sa nakaraang talakayan, ano ang masasabi ukol sa mga karapatang pantao?

5. Pagganyak Magkakaroon ng gawain.

Suriin mabuti kung ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng “music-video´ na may pamagat na “DAPAT TAMA” na papakinggan at papanuodin. Kumuha ng sulatang papel upang itala ang magiging obserbasyon. (Ipapakita ng guro ang video)

B. Pag-unlad na Gawain

1. Aktibiti Magkakaroon ng kasunod na gawain. Ipapangkat sa dalawa. Ang gawain ay tatawagin nating “CATHY CATERPILLAR with a Twist”.

Sa gawaing ito may mga paunang letra na inihanda ang gagawin ay tingnan at suriin kung ano ang katapat sa itaas o sa ibaba ng mga paunang letra na nakasulat sa katawan ni Cathy, at hindi pa natatapos ang gawain, kinakailangan muna na magpaunahan sa pagpapashoot ng pimpong ball sa baso. Ang unang grupo na makagawa nito ay syang magkakaroon ng chance na sumagot at magkaroon ng karagdagang puntos.

1. Pagtatalakay

3. Abstraksyon

Ano-ano ang tinalakay?

4. Aplikasyon

Muli pupunta sa kanilang pangkat. Ang gawain ay tatawagin na“SINE MO ITO, ISHOW Mo!” Mayroon dalawang piraso ng papel na naglalaman ng mga paksa na isasadula. Bawat grupo ay kinakailangan na may kinatawan upang pumili sa dalawang papel. Mayroon lamang 3 minuto para tapusin ang gawain at 2 minuto para isadula ito.

Pamantayan ng gagawin.

PAMANTAYAN

Ebalwasyon

Task

 

 

Layunin

Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag aaral ay inaasahang:

      Nasusuri ang mga kwalipikado at diskwalipikadong bumoto na nakapaloob sa pulitikal na pakikilahok.

      Naipahahayag ang kahalagahan ng eleksyon at pagboto bilang isang mamayan na aktibong nakikilahok sa pulitikal na gawain ng bansang Pilipinas.

      Nakapagpapamalas ng mga ideya ukol sa mabuti at masamang epekto ng eleksyon sa pamamagitan ng maikling dula-dulaan.

 
Process

Magkakaroon ng gawain.

 

Suriin mabuti kung ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng “music-video´ na may pamagat na “DAPAT TAMA” na papakinggan at papanuodin. Kumuha ng sulatang papel upang itala ang magiging obserbasyon.

 

 

Ang gawain ay tatawagin nating “CATHY CATERPILLAR with a Twist”. Sa gawaing ito may mga paunang letra na inihanda ang gagawin ay tingnan at suriin kung ano ang katapat sa itaas o sa ibaba ng mga paunang letra na nakasulat sa katawan ni Cathy, at hindi pa natatapos  ang gawain, kinakailangan muna na magpaunahan sa pagpapashoot ng pimpong ball sa baso. Ang unang grupo na makagawa nito ay syang magkakaroon ng chance na sumagot at magkaroon ng karagdagang puntos.

Evaluation
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Sa Artikulo na ito ay nakasaad na ang Pilipinas ay isang Estadong republikano at demokratiko
a.  Artikulo I                                c. Artikulo III
b.      Artikulo II                               d. Artikulo IV
2.  Edad na kung saan ang isang indibidwal ay pinapayagang bomoto.
a.       16                                            c. 18
b.      17                                            d. 19
3. Ang mga sumusunod ay kwalipikadong bomoto maliban sa isa. Ano ito?
a.       Mamamayan ng Pilipinas        c. Hindi diskwalipikado ayon sa batas
b.      Labingwalong taong gulang   d. Mga taong nasentinsyehan ng hukuman sa kasong rebelyon.
4. Ang mga sumusunod ay diskwalipikadong bomoto maliban sa isa. Ano ito?
a.       Mga taong nasentensyahan na makulong
b.      Mga taong nasentinsyehan ng hukuman sa kasong rebelyon.
c.       Idineklarang baliw.
d.      Hindi diskwalipikado ayon sa batas
5. Isang constitutionalist na nagpahayag na ang layunin ng pagboto ay hindi na ang pagbibigay ng mandato sa mga opisyal para mamuno.
a.       Fr. Joaquin Bernas                              c. Gregorio Lardizabal
Fr. Joaquin Buenas                             d. Gregorio Narzabal
Conclusion

Ang mamamayan ang pinakamahalagang elemento ng Estado. Sa araling ito dito tinatalakay ang mga paraan kung paano maging aktibong makikilahok ang mamamayan.Ang Pilipinas ay isang Estadong republikano at demokratiko. Ang ganap na kapangyarihan ay angkin ng sambahayan at nagmula sa kanila ang lahat ng mga awtoridad na pampamahalaan. Sa pakikilahok mapapabuti ang pamamalakad ng pamahalaan. Pantay-pantay ang mgat tao pagdating sa boto. Bawat isang Pilipino ay mayroon lamang isang boto, mayaman o mahirap. Ngunit ang iisang boto ito ay lubhang makapangyarihan sapagkat maaari nitong baguhin  ang takbo ng buhay ng mga Pilipino.

Credits
Araling Panlipunan 10
Ikaapat na Markahan – Modyul 5
Politikal na Pakikilahok
https://grade10.modyul.online/araling-panlipunan-ikaapat-na-markahan-modyul-5-politikal-na-pakikilahok/
Teacher Page
Ang webquest na ito ay nilikha ni Louis Micah Rae L.Regalado, mag-aaral sa Collage of Sciences Technology and Communication Inc, Sariaya, Quezon, para sa asignaturang Technology for Teaching and Learning 2 (TTL 2).