Political Dynasties

Introduction

Political Dynasty 

 

Ano ang Political Dynasty?

                      Ang political dynasty ay isang pamilyang politico na namamahala sa isang lugar at naipapasa sa kanilang kapamilya ang katungkulang ginagampanan sa pamahalaan. Ayon sa mga eksperto, ang mga political dynasties ay isang pyudal na balangkas na naging uso nuong unang panahon sa Europa. Naglaho ito matapos lumaganap ang panahon ng malayang kamulatan o Age of Enlightenment. Ang pagkawala ng mga political dynasties ang nagbigay daan upang umunlad at maging makabago ang mga bansa sa kanluran kabilang na ang United States of America. Batay sa karanasan ng mga bansang ito, ang pagkontrol ng mga maimpluwensyang pamilya sa poder ay isang balakid sa tunay na pag unlad. Ito rin ay nagiging ugat ng pang aabuso at pagmamalabis  ng mga namumuno.

Task

Sa pagtatapos ng araling ito, ay inaasahang maipaliwanag mo ang konsepto ng Political Dynasties. Upang makamit ito, kinakailangan mong malaman ang mga dahilan, positibo at negatibong epekto nito sa pagpapanatili ng malinis at matatag na pamahalaan.

Process

Dahilan ng Political Dynasties

  1.       Kakulangan sa mapanuring pag iisip
  2.       Limitadong pagkakataon makakalap ng impormasyon
  3.       Patronage politics

 

Mga Epekto ng Political Dynasties

  1.       Paghina ng sistema ng check and balances
  2.       Pag abuso sa kapangyarihan
  3.     Pagsulong ng interes ng kanilang social class

Ano- ano pa nga ba ang mga negatibong epekto ng Political Dynasty?

Malaki ang epekto nga maaaring madulot ng dinastiyang pampulitika gaya ng sumusunod:

  1.       Maaaring isang pamilya lang ang patuloy na mamuno sa iisang lugar.
  2.       Hindi nabibigyan ng pagkakataon ang ibang tao na maglingkod sa bayan.
  3.       Pag-abuso sa kapangyarihan ng politika.
  4.       Pagbuo ng sariling interes mula sa kapangyarihan.
  5.       Napapanatili sa isang pangkat lamang ang impluwensiya at kapangyarihan.

 

Ano-ano naman ang mga Positibong Epekto ng Politikal Dynasty?

                        Sa kabila ng mga negatibong epekto na karaniwang inihahambing sa ‘politikal dynasty’mayroon din namang itong mga positibong dulot.

            Isang halimbawa ang mga proyekto at mga programa ng nakaraang namamahala sa political dynasty, masisigurado ang pagkumpleto ng mga proyektong ito, dahil karaniwang iisa o pareho lang ang layunin ng pumaliit na mamamahala.

Para mas lumalim ang inyong pang unawa tungkol sa Political Dynasty, panoorin ninyo ang bidyong ito:

 

 

https://www.youtube.com/watch?v=WIpWLL6zC5o

 

Conclusion

 

Ang political dynasty ay tumutukoy sa pamilya ng mga politico na namamahala sa isang lugar.  Noon pa man ay laganap na ito. Sa Pilipinas napakarami ng mga kilalang pamilyang politico maging lokal man o sa nasyonal. Sa araling ito, inilahad ang mga dahilan, mga positibo at negatibong epekto nito.

Karagdagang Impormasyon at Kaalaman

Ayon sa Artikulo II, Seksyon 26 ng konstitusyon ng Pilipinas, the state shall guarantee equal access to opportunities for public service and prohibit political dynasties as may be defined by law”

Malinaw na isinasaad sa probisyong ito na ipinagbabawal ang political dynasty sa Pilipinas sapagkat kailangan ng pantay na karapatan sa pagseserbisyo at kalayaan ng mga taong bumoto. Ngunit ang probisyong ito ay nangangailangan maisabatas bago umiral. Habang wala pang pinal na desisyon o batas ang Kongreso ayon dito, lahat ng tatakbong opisyal ay nililimitahan sa tatlong termino.

Credits

Ricaforte (2019). Political Dynasty. https://slideshare.net/OSEISAN1998/politikal-dynasty

Loyola (2018). https://www.youtube.com/watch?v=WIpWLL6zC5o

Teacher Page

Ang Webquest na ito ay ginawa ni May Anne O. Bolado para sa Performance No.3 sa Asignaturang TTL 2.