Panghalip na Panao at mga uri nito

Introduction

Ang panghalip ay ang salitang humahalili o pamalit sa ngalan o pangngalan na nagamit na sa parehong pangungusap o kasunod na pangungusap. Ang salitang panghalip ay nangangahulugang "panghalili" o "pamalit"

Maraming uri ang panghalip at isa na rito ang Panghalip na Panao na ating tatalakayin sa araw na ito maging ang mga uri nito. 

Panghalip na panao

Ang panghalip na panao (mula sa salitang "tao", kaya't nagpapahiwatig na "para sa tao" o "pangtao") ay nakikilala sa Ingles bilang personal pronoun. Ito ay panghalili sa ngalan ng tao. Halimbawa ng mga panghalip na panao ay ang mga salitang ako (me)koakin (mine)aminkami (we)kayoatin , inyokitakatamo (you)siya (he/she)kanila (theirs), at kanya (hers/his).

Task

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. natutukoy kung ang panghalip na ginamit ay palagyo o paari.

2. naipapakita ang kahalagahan ng mga panghalip na panaong palagyo at paari ayon sa gamit.

3. nakabubuo ng sariling pangungusap gamit ang mga panghalip na palagyo at paari.