Introduction
Ang pang-uri ay mga salitang naglalarawan.Inilalarawan nito ang mga katangian ng mga pangngalan at panghalip.Maaring gawing payak na simuno o payak na panaguri ang pang-uri.Maari rin itong gawing bahaging naglalarawan ng simuno o panaguri.
Ano-ano ang mga uri ng pang-uri?
Ano ang kaanyuan ng pang-uring panlarawan?
Ano ang kailanan ng pang-uring panlarawan?
Task
Pagkatapos mabasa at mapag-aralan ang kahulugan at ibat-ibang kayarian ng pang-uri,inaasahang :
1.Natutukoy ang kahulugan ng pang-uri at uri nito.
2. Naihahambing ang uri nito sa isat-isa.
3. Nagagamit ang pang-uri sa paggawa ng pangungusap.
Process
Basahin at Unawain
PANG-URI
- ang pang-uri aymgsa salitangginagamit upang mabigyang-turing sa pangngalan at panghalip.
Ito ay may tatlong kayarian:
1. Panlarawan
2.Pamilang
3.Pantangi
1. Pang-uring Panlarawan- nagsasaad ng anyo hugis at katangian.
Antas ngpPang-uring Panlarawan
1. Lantay- walang tumutukoy kundi ang katangian ng pangngalan panghalip na anyo lamang.
2.Pahambing- ginagamitan ito ng panlapi upang ipakita ang pagkakatulad at pangngalan/panghalip
3.Pasukdol- ginagamit dito ang mga panlaping ka,pinaka,pagka,napaka,at mga salitang lubha at hari.
Kailanan ng Pang-uring Panlarawan
1.Isahan -nakikilala ito sa pantukoy na si, ang at siya
2.Dalawahan-ginagamitan ito ng panghalip panaong pandalawahan at mga panlaping ka mag,magka,magsing at magkasing
3.Maramihan-ginagamitan ng pangmaraming pantukoy pamilang at panghalip.
Kaanyuan ng Pang-uring Panlarawan
1.Payak- hindi ginagamitan ng panlapi
2.Maylapi-ginagamitan na ito ng palapi
3.Inuulit- maaring payak at may panlaping ka,ma,o may
4.Tambalan-maaring pinagtambal na dalawang payak o may pang-angkop ang isa.
2. Ang Pang-uring Pamilang
ang mga pang-uring ginagamit sa pagbilang ng tiyak na bagay.
a. patakaran
b. pamumuno
c.pamahagi
d. palansak
e.patakda
Pang-uring Pantangi
- ang panagalan ay nagiging bpang-uri kapag sumusunod sa isa pang pangngalan at binibigyan ito ng pagtatangi.
Evaluation
Panuto: Salungguhitan ang pang-uring ginamit at tukuyin kung anong uri ito ng pang-uri:
___________1. Pinakamatangkad si Macario sa buong klase.
___________2. Mamiso ang bili ko sa kamatis.
___________3.Lila ang kulay ng suot na damit ni abigail.
___________4.Ang pinagawang hikaw ay binalimbing.
___________5.Ako ang ikatlo sa aming magkakapatid.
___________6.Makapal ang nahioram kong aklat.
___________7.Ang batang mabuti ay kinalulugdan.
___________8. Sunod-sunod ang tawag ng inma sa anak.
___________9. Bumili siya ng Pancit-Malabon par sa atin.
___________10. Hilig niya ang Lomi Batangas na pang-almusal.
___________11.Binigyan niya ang mga anak ng tigsasampung pisong baon.
___________12.Siya ay kasalungat sa lahat ng aming layunin.
___________13. Dalawampu't limang bahagdan ng mga mag-aaral ang lumipat ng paaralan.
___________14.Ang taong matapat ay pinagkakatiwalaan.
___________15.Kamakatlo dumating si Luise mula sa Canada.
Conclusion
Sa tulong nito ay maaring natutunan mo ang kahulugan ng pang-uri at ang kayarian nito. Narito ang mga sagot upang iyong malaman kung wasto ang inyong sagot sa inihandang pagsusulit.
1. panlarawan-pinakamatangkad
2 .pamilang-mamiso
3 .panlarawan-Lila
4. panlarawa,binalimbing
5. pamilan-ikatlo
6.panlarawan-makapal
7.panlarawan-mabuti
8. panlarawan-sunod-sunod
9. pantangi-malabon
10.pantangi-malabon
10. pantangi-Batangas
11. pamilang-tiglimang
12. panlarawan-kasalungat
13. pamilang-salawampu't limang bahagdan
14.panlarawan-matapat
15. pamilang-kamakatlo