Tekstong Ekspositori – Sanhi at Bunga

Introduction

https://youtu.be/dFD7Q16vUB8?si=t-AhpumI2d8xIPpMAng mga pangyayaring nagaganap sa lipunan ay may malinaw na pinagmumulan at nagbubunga ng iba’t ibang epekto sa tao at sa kapaligiran. Halimbawa, ang madalas na pagbaha sa ilang komunidad ay nagdudulot ng pagkasira ng mga tahanan, panganib sa kalusugan, at pagkaantala sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Mahalagang maunawaan ang ugnayan ng sanhi at bunga upang magkaroon ng mas malalim na pag-unawa sa mga isyung kinahaharap ng lipunan.

Sa pamamagitan ng WebQuest na ito, malilinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsusuri ng tekstong ekspositori batay sa estruktura nitong sanhi at bunga. Hinihikayat din ang mga mag-aaral na gamitin ang kanilang kritikal na pag-iisip sa pangangalap, pagsusuri, at pag-oorganisa ng impormasyon mula sa mapagkakatiwalaang sanggunian.

Task

Inaasahang makapagsusuri ang mga mag-aaral ng isang napapanahong isyu na may kaugnayan sa komunidad o kapaligiran. Sa gawaing ito, bubuo sila ng isang Cause-and-Effect Graphic Organizer na magpapakita ng malinaw na ugnayan ng mga sanhi at bunga ng napiling paksa.

Sa pagtatapos ng gawain, ang bawat pangkat ay inaasahang:

  • matukoy ang pangunahing sanhi ng isang isyu;

  • mailahad ang mga epekto nito sa tao at kapaligiran;

  • maipaliwanag ang ugnayan ng sanhi at bunga;

  • maipresenta nang malinaw, maayos, at organisado ang kanilang mga natuklasan.

Process

Pagbuo ng Pangkat

Hahatiin ang klase sa mga pangkat na binubuo ng apat hanggang limang kasapi upang mapalakas ang kolaborasyon at pagpapalitan ng mga ideya.

Pagpili ng Paksa

Pipili ang bawat pangkat ng isang napapanahong isyu na maaaring maiugnay sa sumusunod:

  • pagbaha

  • polusyon

  • hindi wastong pamamahala ng basura

  • pagputol ng mga puno

  • climate change

Maaari ring pumili ng ibang isyu basta’t ito ay may malinaw na ugnayan ng sanhi at bunga.

Pananaliksik

Mangalap ng impormasyon mula sa mapagkakatiwalaang sanggunian tulad ng mga aklat, learning modules, educational websites, at mga balita.

Hanapin ang sumusunod na impormasyon:

  • pangunahing sanhi ng isyu;

  • mga karagdagang dahilan;

  • agarang epekto;

  • pangmatagalang bunga.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na unawain at suriin ang impormasyon sa halip na direktang kopyahin ito.

Kritikal na Pagsusuri

Matapos makalikom ng datos, susuriin ng bawat pangkat ang kanilang mga natuklasan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gabay na tanong:

  • Alin sa mga sanhi ang dulot ng gawain ng tao?

  • Maiiwasan ba ang mga ito? Paano?

  • Ano ang maaaring mangyari kung magpapatuloy ang ganitong suliranin?

Layunin ng bahaging ito na malinang ang mas mataas na antas ng pag-iisip ng mga mag-aaral.

Pagbuo ng Graphic Organizer

Gagawa ang bawat pangkat ng cause-and-effect chart na magpapakita ng organisadong daloy ng mga ideya.

Halimbawa:

SANHI BUNGA
Pagtatapon ng basura kung saan-saan Pagbabara ng kanal at pagbaha
Pagkakalbo ng kagubatan Pagguho ng lupa

Magbibigay din ang pangkat ng maikling paliwanag kung paano nagkaugnay ang bawat sanhi at bunga.

Presentasyon

Ilalahad ng bawat pangkat sa klase ang kanilang output. Inaasahan ang malinaw na pagpapaliwanag ng ugnayan ng sanhi at bunga, gayundin ang maayos at organisadong presentasyon ng kanilang graphic organizer.

Credits

sanggunian

Teacher Page

about sa akoa