Maikling Kuwento : "Ang Reynang Matapat"

Introduction

Paunang Gawain : 

Basahing mabuti ang mga pahayag na nasa ibaba. Tukuyin kung ano ang tamang pagkasunod sunod ng mga pangyayari at itala ito sa iyong notepad. Gamitin ang mga titik A-E sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari. 

 

1. Naipagamot ni Oscar ang anak na walang inisip na bayarin.

2. Kalahating oras na siyang naiipit sa traffic na walang pasahero.

3. Mayroon mang agam-agam, lakas loob siyang magsabi sa kanyang amo tungkol sa kalagayan ng anak.

4. Mabigat man ang katawan pinilit ni Oscar na tumayo upang pumasada upang may pambili ng gamot sa may lagnat na anak.

5. Sa halip na pautangin binigyan siya ng amo ng perang pambayad sa gamot at ospital.

Task

Sa araling ito, inaasahan na naisasalaysay ng mag-aaral nang maayos at wasto ang buod, pagkakasunod- sunod ng pangyayari sa maikling kuwento.

Process

Basahin at unawaing mabuti ang mga nakatala sa ibaba. 

Ano ang maikling kuwento?

  Ito ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. 

   Bilang isang masining na panitikan, ang maikling kuwento ay naglalahad ng isang pangyayari. Hindi katulad ng nobela, hindi kahabaan ang pagsasalaysay sa maikling kwento, higit na kakaunti ang mga tauhan nito, mas mabilis ang paglalahad, at higit na matipid sa paggamit ng mga pananalita.

 

Mga Elemento ng Maikling Kuwento

Tauhan - Likha ng manunulat ang kaniyang mga tauhan, May pangunahing tauhan na sa kaniya nakasentro ang mga pangyayari. May pantulong din na tauhan.

Tagpuan/Panahon - Dinadala ng may akda ang mambabasa sa ibat ibang lugar, sa iba't ibang panahon kung saan at kailan nagaganap ang mga pangyayari.

• Banghay

   a. Saglit na Kasiglahan - Inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa pagkilala sa mga pagsubok na darating sa buhay ng mga tauhan.

   b. Suliranin o Tunggalian - Tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing tauhan at sumasalungat kaniya. Ang uri ng tunggalian ay tao laban sa kalikasan, tao laban sa sarili, tao laban sa tao at fac laban sa lipunan.

   c. Kasukdulan - Ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan. Dito nahihiwatigan ng bumabasa ang mangyayari sa pangunahing tauhan, kung siya'y mabibigo o magtatagumpay sa paglutas ng suliranin.

   d. Kakalasan - Ito ang kinalabasan ng paglalaban. Sumusunod ito agad sa kasukdulan.

   e. Wakas - Dito nalalaman ang kinahinatnan ng mga pangyayari kung malungkot o masaya ang nangyari sa tauhan.

 

Pagpapalalim ng Kaalaman! 

Basahin at unawaing mabuti ang maikling kuwento mula sa Cotabato. 

 

                             "Ang Reynang Matapat"

    Bago pa man dumating ang mga Espanyol sa ating kapuluan ay dinarayo na ng mga mangangalakal na Arabe, Tsino at Hindu ang kaharian ng Kutang-bato na pinamumunuan ni Reyna Sima. Si Reyna Sima ay isa sa mga reynang namuno ng Isang kaharian sa kapuluan ng Mindanao. Nakilala siya dahil sa kaniyang katalinuhan, katapatan at sa mahigpit at maayos na pamamalakad sa panunungkulan. Ang Kutang- bato ang Cotabato ngayon na isa pinakamalaking lalawigan sa Mindanao. Sa pamumuno ni Reyna Sima, umunlad at namuhay nang tahimik at sagana ang mga taga Kulang-bato Mahigpit niyang niyang ipinasunod ipinasunod ang ang mga mga batas, t at ang ang sinumang lumabag sa ipinag-uutos niya ay pinarurusahan. Kabilang sa patakaran na mahigpit na ipinatutupad ng reyna ay ang paggalang, paggawa at kalapatan ng kaniyang mga tauhan. Patuloy na dumarating at umaalis ang mga negosyanteng Tsino sa Kaharian ng Kutang-bato. Napabalita ito dahil sa maunlad na kalakalan sa kaharian ni Reyna Sima, at sa katapatan ng kaniyang mga tauhan. Walang kaguluhan at walang nawawalang bagay sa sinumang mangangalakal habang sila ay nasa kaharian ng Kutang-bato. Minsan, Isang negosyanteng Tsinong nakipagkalakalan sa kaharian ni Reyna Sima ang nakaiwan ng supot ng ginto sa isang mesa sa palasyo. Hindi ipinagalaw ni Reyna Sima ang supot ng ginto sa mesa. Ipinagbiling mahigpit ni Reyna Sima sa kaniyang nasasakupan na walang gagalaw ng nasabing supot ng ginto. Ganito kahigpit ang utos ni Reyna Sima sa kaniyang nasasakupan nang sa gayon ay muling datnan ng may-ari sa lugar na kaniyang pinag-iwanan ang supot ng ginto. Mula noon, lalong nakilala ang kaharian ni Reyna Sima dahil sa kahigpitan nito sa pagpapatupad ng kautusan tungkol sa katapatan.

https://youtu.be/-APNqJUae1k?si=oyz8i-RxaUE-iCzd

Evaluation

Ikuwento Mo!

Muli sa kuwentong "Ang Reynang Matapat", punan ang timeline ng mga pangyayari mula sa pagdating ng mga Espanyol hanggang sa muling pagkakita ng Tsino sa kaniyang supot ng ginto. Gamitin ang kasunod na pormat na nakalagay sa ibaba sa pagsasagot at itala ito sa iyong kwaderno. 

 

Pagdating ng mga Espanyol                    (Itala dito ang iyong kasagutan)
Pagpapairal ng batas ni Reyna Sima.   (Itala rito ang iyong kasagutan)
Pakikipagkalakalan ng mga Tsino.   (Itala rito  ang iyong kasagutan
Pagpapakita ng katapatan sa Kaharian (Itala rito ang iyong kasagutan

Pagtatagumpay                                                                                                      

(Itala rito ang iyong kasagutan

 

Conclusion

Mahalagang Aral : 

Tunay na mayaman ang panitikang Pilipino sa mga kuwentong may hatid na aral na siyang magsisilbing gabay sa buhay ng mga kabataan. Natitiyak kong ang maikling kuwento na aking ipinabasa at pinanood sa inyo ngayong araw ay inyong nagustuhan! Isa lamang itong patunay na mahalaga ang mga maikling kuwento para sa mga mag-aaral sapagkat ito ay kinapupulutan ng mga aral at may mga mensaheng nais iparating sa mga mambabasa. 

Credits
Teacher Page

Inocencio, Laila R.

BSED-IV Filipino

Gurong Nagsasanay