Denotatibo at Konotatibong Pagpapakahulugan

Introduction

"Ano Ba Ako Sa'yo"

Panuto: Bigyan ng sariling pagpapakahulugan ang larawan na nasa ibaba. Isulat ito sa sagutang papel.

 

 

Task

Bigyang kahulugan

Panuto: Basahin ang akda at ibigay denotatibong at konotatibong kahulugan na nasa ibaba. Isulat ito sa sagutang papel.

Sa simbahan, ikakasal na si Julia kay Miguel nang dumating si Tenyong na sugatan. Ipinatawag ng Heneral ng mga Katipunero ang pari para makapangumpisal si Tenyong. Kinumpisal ng kura si Tenyong. Ipinahayag ng kura ang huling hiling ng binatana sila ni Julia ay makasal. Galit man si Juana ay pumayag ito. Maging si Tadeo ay pumayag na rin sa huling kahilingan ng mamamatay. Gayundin si Miguel. Matapos ang kasal,bumangon si Tenyong.Napasigaw si Miguel ng “Walang Sugat!” Gayundin ang isinigaw ng lahat. Gawa-gawa lamang ng Heneral at ni Tenyong ang lahat.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Process

Ang bawat pagpapakahulugan sa isang salita ay may dalawang paraan ito ay ang Denotatibo at Konotatibo. Ngunit ano nga ba ang pagkakaiba ng dalawa?

  1. Denotatibo – ay literal na kahulugan ng salita o parirala o ito ang tawag sa kahulugang hinango sao makikita sa diksyunaro.
  2. Konotatibo – ay tumutukoy sa esktrang kahulugan na ikinakabit sa isang salita depende sa intension (agenda) ng nagsasalita o sumusulat. Ito ay mas mataas at mas malalim na lahulugan ng isang salita.

 

Halimbawa:

Pusang Itim

Denotasyon: uri ng hayop na nangangagat, kulay itim, at ngumingiyaw

Pangungusap: Ang natitira na lang sa pet shop ay pusang itim.

Konotasyon: nagbabadya ng kamalasan o kamatayan

Pangungusap: Nakakita ako ng sa aking panaginip ng isang pusang itim.

 

Kamay sa bakal

            Denotasyon: bakal na kamay

            Pangungusap: Naputol ang kamay ni Ana kaya minabuti ng doktor na gawan ito ng kamay na bakal

Konotasyon: paghihigpit

            Pangungusap: Kamay na bakal ang ginagamit ng ating pinuno upang mapasunod ang mga taong bayan.

 

Ahas

            Denotasyon: isang uri ng hayop na gumagapang

            Pangungusap: Maraming ahas sa masukal na kagubatan.

            Konotasyon: traydor, taksil, pekeng kaibigan

            Pangungusap: Ahas ka! Pinagkatiwalaan pa naman kita.

https://youtu.be/v3rCnBqOYXc?feature=shared

Gabay na Katanungan

  1. Ano ang pagkakaiba ng denotasyon at konotasyon? Ipaliwanag ito gamit ang sariling pangungusap.
  2. Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang paggamit ng dalawang paraan ng pagpapakahulugan?
  3. Sa paanong paraan mo mapapahalagahan ang paggamit ng konotasyon at denotasyon sa iyong pang-araw-araw na buhay?
Evaluation

Panuto: Isulat kung DN ang mga salita sa ibaba ay nagpapakita ng denotatibong pagpapakahulugan at KN kung ang mga salita sa ibaba ay nagpapakita ng konotasyong pagpapakahulugan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

_____1. Buwaya talaga ang mga naglilingkod sa gobyerno.

_____2. Maasikasos a tahanan ang ilaw ng tahanan.

_____3. Huwag mong itapon ang mga papel kahit saan.

_____4. Ang Pilipinas ay parang isang ibong malaya.

_____5. Kay liwanag ng bituin sa langit.

_____6. May malaking buwaya sa ilog.

_____7. Nagsusunog ng kilay si Ana dahil kukuha siya ng CPA board exam.

_____8. Butas ang bulsa ni Peter kaya nahulog ang kanyang pera.

_____9. Si Ama ang aming haligi ng tahanan.

_____10. Huwag kang magpadala sa bola lalo na sa mga kalalakihan.

Credits

Peralta Romulo N., Donabel C. Lajarca,Eric Cariño 2017. Panitikang Asyano 9

Miranda Lourdes L., Antoniettea D. Tapang,Pilipina A. Guerrero,2017. Punla 8 (

INTERNET:

https://www.slideshare.net/ilyhlnygvjkliunl/filipino-24082662

https://gabay.ph/sipag-o-talino/

https://philnews.ph/2020/08/13/denotatibo-at-konotatibo-halimbawa-atkah…