Kontemporaryong Programang Panradyo

Introduction

Pagpapaunlad ng Kamalayan: Kontemporaryong Programang Panradyo

 

Layunin 

1. napag-iiba ang katotohanan (facts) sa hinuha (inferences), opinyon, at personal na interpretasyon ng kausap (F8PN-IIId-e-29);

2. naiisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag (F8PB-IIId-e-30); at

3. natutukoy ang mga hakbang sa pagsasagawa ng isang kawili-wiling radio broadcast batay sa nasaliksik na impormasyon tungkol dito. 

 

Task

Panimulang  Pagtataya/Drill

Huwag mag-alala kung hindi man lahat ay makukuha o masasagot nang wasto o tama. Ito ay mga paunang pagtataya lamang batay sa iyong alam na o dating alam na may kaugnayan sa ating paksang tatalakayin. 

Sa patuloy na talakayan natin unti-unting matutuklasan mo ang mga tamang kasagutan para sa panimulang pagtataya na ito. 

Halina't ating sagutin ang inihandang gawain.

Panuto: Tukuyin kung katotohanan, hinuha, opinyon o personal nainterpretasyon ang mga sumusunod na pahayag. Piliin lamang ang letrang tamang sagot at isulat ito sa hiwalay na papel.

 

Process

Kontemporaryong Panradyo

      Ang radyo ang itinuturing na una sa pinakapinagkakatiwalaang pinagkukunan ng pampolitikang impormasyon sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, pumapangalawa ang radyo at telebisyon bilang pinakaginagamit na media sa bansa.

   

 

 Ayon sa Philippine Statistics Authority noong 2013, tinatayang 2/3 bahagi ng

populasyon ng bansa ang nakikinig sa radyo, na may 41.4 porsiyento ng tagapakinig  

minsan sa isang linggo. Nananatili rin itong pinakalaganap na media na nakaaabot kahit

na sa pinakaliblib na mga lugar sa bansa. 

 Narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit nakikinig ng radyo ang mga tao.

     Una, ang makasagap ng balita lalo na sa mga taong nakatira sa liblib na lugar. Radyo ang pangunahing pinagkukunan nila ng impormasyon. Ilan sa mga programang panradyo ay ang DZMM, DZBB Super Radyo, DZRH, at marami pang iba. 

     Pangalawa, panawagan. Malaki  ang tulong ng mga programa sa radyo lalo na sa pananawagan ng mga nawawalang kapamilya.

     Pangatlo, musika. Hnaggang sa kasulukuyan ay patok pa rin ang iba't ibang FM Radio Station tulad ng Love Radio, Wish FM, at iba pang himpilan na nagpapatugtog ng mga paboritong awitin ng masa sa iba't ibang panahon sa tulong mga DJ. 

     Pang-apat, hindi lamang telebisyon ang may tinatampok na drama. May mga  drama rin sila sa radyo na sinusubaybayan ng mga tao.

      Panglima, ang mga talakayan ng mga radio anchors kung saan sila ay nagbibigay komentaryo o opinyon sa isang napapanahong isyu. Malaki ang impluwensiyang hatid nila sa mga tao sapagkat nakapanghihikayat sila at nakapagpapabago ng pananaw ng kanilang mga tagapakinig. 

 

 

 

 

 

Ano nga ba Radio Broadcasting?

 

     Ang Radio Broadcasting ay ang komunikasyon ng mga tunog sa pamamagitan ng mga alon o waves upang maghatid ng musika, balita, at iba pang uri ng programa ng isang istasyon sa maraming indibidwal na tagapakinig. (Skretvedt, R. and Sterling, Christopher H., 2018)

     May mga uri ng radio broadcasting, ang Public Radio o Radyong Pampubliko kung saan purong pagbabalita lamang at walang halong patalastas,. Karamihan sa mga pampublikong radyo na ito ay gobyerno ang nagmamay-ari. Kadalasan ito ang nagiging pamamaraan ng pamahalaan upang makapagpabatid ng impormasyon sa kanyang mga nasasakupan. 

     Commercial Radio o Radyong Pangkomersiyo na naglalayong ilahad ang mga impormasyon ukol sa mga ineendorsong produkto na pagmamay-ari ng mga pribadong sektor na naglalayong kumita. 

     Community Radio o Radyong Pangkomunidad na naglalahad ng kasalukuyang balita o mahahalagang pangyayari sa loob ng isang komunidad. 

     Campus Radio o Radyong Pangkampus kung saan ang istasyong ito ay eksklusibo lamang sa loob ng paaralan o pamantasan na nagpapahayag ng mag kasalukuyang pangyayari sa loob ng kampus gayundin ang mga mahahalagang anunsiyo mula sa mga namumuno ng eskwelahan.

 

Katotohanan, Hinuha, Opinyon o Personal na Interpretasyon

 

     Isa sa mga trabaho ng radio anchors ang magbigay ng kuro-kuro sa isang isyu base sa mga detalye ng isang balita o usapin. Paano nga ba malalaman ng tagapakinig kug Katotohanan, Hinuha, Opinyon o Personal na interpretasyon ang kanilang napakinggang pahayag?

     Ang Katotohanan, ay ang pagpapahayag ng isang ideya, o pangyayaring napatunayan at tanggap ng lahat na totoo at hindi mapapasubalian kahit sa ibang lugar. Hindi ito kailanman nagbabago. Mapapatunayan ang pagakamakatotohanan nito sa ibang sanggunian tulad ng mga babasahin at mga taong nakassaksi nito. 

    Ang Opinyon naman  ay ang   pananaw ng isang tao o pangkat na maaaring totoo pero pwedeng pasubalian ng iba. Ito rin ay isang paniniwala na mas malakas pa sa impresyon, mas mahina sa positibong kaalaman na batay sa obserbasyon at eksperimento. 

     Sa pagpapahayag ng katotohanan maaaring gumamit ng mga sumusunod na pananda: batay sa resulta , pinatutunayan ni/ng, mula kay, sang-ayon sa, tinutukoy ng, mababasa sa. 

halimbawa: 

1. Batay sa resulta ng botohan, si Anna Marie na ang bagong pangulo ng SSG Council.

2. Mababasa sa 1987 Constitution ang iba't ibang batas sa Pilipinas. 

 

Kung ikaw naman ay magpapahayag  ng sariling opinyon o pananaw, maaaring gumamit ng panandang gaya ng: sa aking palagay, sa tingin ko, sa nakikita ko, sa pakiwari ko, kung ako ang tatanungin, para sa akin, atbp. 

Halimbawa:

1. Sa aking palagay hindi matutuloy ang pagsusulit bukas. 

2. Sa pakiwari ko ay ayaw na niya akong makita. 

 

     Ang hinuha o inference ay isang kilos o proseso ng pagkaakaroon ng kongklusyon tungkol sa isang bagay mula sa mga kilalang katotohanan o ebidenysa. (Merriam-Webster, 2021). Ito  ay isang palagay, isang hula, sa salitang ingles ito ay guess, hypothesis o inference. Ang paghihinuha ay ang pagbibigay-kahulugan o paliwanag sa tulong ng mga pahiwatig at sariling kaalaman sa isang larawan, o pangyayari base sa iyong obserbasyon. 

Mga pananda: 

hinuha ko, sa hinuha niya, mahihinuha na, hula ko, marahil, baka, waring, tila, maaaring, atbp.

Halimbawa: Ang hinuha ko kung bakit siya nagagalit sa kaniyang ama ay dahil sa pag-iwan nito sa kanillang mag-ina..

 

    Ang Personal na Interpretasyon ay ang pagkakaunawa o pagkakaintindi sa isang bagay, lengguwahe, o iba pa, at ito ay ipinaliliwanag mo para sa mga ibang tao na hindi  maintindihan ito. Ito ay nakabatay ayon sa sarili mong pananaw. 

Halimbawa: 

1. Ang pagiging tahimik na tao ay hindi nangangahulugan na hindi sila marunong makipagkapwa. Hindi lang sila sanay sa ingay. 

2. Makikita mo sa kislap ng kanyang mata ang nais niyang iparating. 

 

Positibo at Negatibong Pahayag

 

     Ang mga pahayag ay pwedeng positibo o negatibo. Masasabi nating positibo ang pahayag kapag nagsasabi ng kaaya-aya o may kagandahan ang hatid sa mambabasa. Ang mga positibong pahayag ay ang karaniwang ginagamitan ng mga panandang totoo, tunay, talaga, sadya, atbp.

Halimbawa: 

1. Totoong mas maganda si Ana kaysa sa kaniyang kapatid.

2. Tunay na malakas ang kaniyang loob dahil hindi siya nagpapaapekto sa mga bumabatikos sa kaniya. 

     May mga pahayag na bagaamat ginagamitan ng negatibong salita ay nananatiling positibo pa  rin sa mga tagapakinig nito. 

halimbawa: Abg hindi niya pagsipot sa kasal ay nagdulot sa babae na makahanap ng bagong pag-ibig. 

 

     Ang negatibong pahayag ay kabaliktaran sa inihahatid ng positibo. Ito ay mga pahayag na may diwang neagtibo o salungat o hindi pagkiling sa diwa ng nakararami. Ginagamit sa negatibong pahayag ang mga hudyat o panandang wala, ayaw, ngunit, subalit, hindi, atbp

Halimbawa: 

Walang makikitang kagandahan sa kaniyang pag-uugali kahit ano pa ang kaniyang gawin.

May punto ang kaniyang iminungkahi ngunit ito'y hindi kapaki-pakinabang.

 

Sa kabilang banda may mga pahayag na negatibo kahit hindi ito ginagamitan ng hudyat o pananda dahil sa diwa nito na hindi ayon sa diwa ng iba.

Halimbawa: Depektibo ang nabili kong baggong cellphone.

     

     Ang pakikinig ng mga kontemporaryong programang panradyo ay isang kakayahan na dapat linangin ng isang tagapakinig lalo na tungkol sa pagsusuri ng mga pahayag na may katotohanan o facts para makabuo ng sariling opinyon, hinuha, o personal na inyerpretasyon tungkol sa isang usapin o pangyayari. Mahalagang napag-iiba ang mga pahayag ayon sa nais nitong iparating sa tagapakinig para sa mas malinaw na interpretasyon na mapapakinabangan sa pakikipagtalastasan o pagpapalit kuro sa atiing mga kausap. 

   Sa pamamagitan ng pagkilala ng mga pahayag na nagpapakita  ng katotohanan o facts, maiiwasan ang pagkalito ng isang indibidwal sa kung ano ang tunay na nangyayari na nakapagbibigay ng paliwanag sa isyu o usapin. Magagamit niya itong batayan para sa pagbibbigay pananaw o interpretasyon lalo na sa larangan ng pananaliksik.

 

     Sa pagsasagawa ng isang radio broadcast, kailangang isaalang--alang ang mga mahahalagang bagay gaya ng mga sumusunod.

1. Pag-aralan ang mga gamit radio brodcasting at maging pamilyar sa mga ito. Ihanda ang mga kagamitan tulad ng mikropono, spiker at iba pang mahalagang kagamitan; magtakda ng isang call sign at frequency ng istasyon.

2. Maging maingat sa pagsasalita at paggamit ng mga salita dahil iba-iba ang mga tagapakinig. Sa pagbroadcast, ang mga DJ ay kailangang maging malinaw at malumanay ang pagsasalita upang madaling maunawaan ng mga tagapakinig kailangang maging handa sa pagbasa sa mga sulat mula sa tagapakinig. Anng mga awiting patugtugin ay kailangang nababagay sa panahon at tagapakinig. Iwassang magsalita na parang galit. Sa pagbobroadcast, iwasang gumamit ng mga malalaswang pananalita. Magpatugtog ng musikang naaayon sa kagustuhan  ng mga tagapakinig. Maging masiyahin sa pagbobroadcast. Maging maingat sa paggbibigay ng balita at impormasyon.

 

MGA HAKBANG SA PAGSASAGAWA NG ISANG RADIO BROADCASTING

1. Pumili ng pangalan para sa inyong istasyon. 

2. Maghanda ng pakang tatalakayin kasama ang iyong co-anchor kung mayroon.

3. Ihanda ang radio script o gabay na gagamitin para maging maayos ang daloy ng programa at matiyak ang mga impormasyong ibabahagi. (Maaaring mag-ensayo muna upang masiguro ang kaayusan ng radio broadcast).

4. Maging maingat sa  mga salitang gagamitin mo sa pagbobroadcast dahil iba-iba ang iyong tagapakinig.

5. Ihanda ang mga kagamitang gagamitin sa pagbobroadcast tulad ng mikropono, musika o mga awiting patutugtugin atbp.

6. Maging magalang sa pagtatapos ng iyong broadcast.

 

Sa pagsasagawa ng isang radio broadcasting, napakahalagang malaman ang mga angkop na salitang gagamitin para rito upang magkaroon ng lubos na pagkakaunawaan sa mga taong magsasagawa nito. Narito ang ilang angkop na terminolohiya o salitang gagamitin sa radio broadcasting: 

  • Announcer - tinatawag na on air talent na nagbabasa ng iskrip, balita o anunsyo sa radyo.
  • DJ (Disk Jockey) - isang dalubhasa sa pagpaparami ng mga gawaing musikal maaaring nababago ang musika gamit  ang kaniyang teknikal na pamamaraan.
  • Voiceover - isang teknik pampproduksyon na pinagsasalita ang isang tao na live o nirekord.
  • Voice Track - ang inirekord na boses ng isang personalidad sa radyo o DJ na iparirinig sa isang tiyak na oras gaya ng umpia o sa dulo ng programa.
  • Ad Lib - mg salitang binibigkas, musikang ipinatugtog at aksyong isinasagawa na wala sa iskrip.
  • Bed - tumutukoy sa element ng produksyon gaya ng musikang instrumental, patuloy na sound effect at iba pa. 
  • Billboard - maririnig matapos ang balita. Ipinababatid sa mga tagapakinig kung anong produkto ng isponsor ang naghatid balita. Halimabawa: Ang programang ito ay inihahatid sa inyo ng Dunkin Donut, ang psalubong ng bayan.
  • Bumper - ginagamit sa pagitan ng balita at patalastas. Ipinababatid nito sa tagapakinig na may pagitan o break ngunit may mga balitang kasunod. Halimbawa, Magbabalik ang ating palatuntunan matapos ang ilang paalala.
  • Bumper Music - isang music clips na ipinaririnig kapag maglilipat ng programa gaya ng paglalagay ng komersyal ara maiwasan ang dead air.
  • Cue -  isang palatandaan sa  pagsisimula at patuloy na pagsasalita, o pagpaparinig ng nirekord atbp.
  • Dead Air- walang anumang naririnig sa radyo. Karaniwang dahil ito sa computer error, operator error atbp.
  • Delay Broadcast - programang inirekord o hindi live na iparinig sa ibang araw.
  • Jingle - kantang pangkomersyal o pang istasyon.
  • Open Mic - live ang broadcast. Nkabukas na mic sa partikular na oras.
  • PSA ( Public Service Announcement) - isang ad na tumatakbo para sa pampublikong interes sa halip na para sa isang proddukto.
  • On Air - tanda na kasaluyan na ang pagbobroadcast.
  • Radio Script - isang isinulat na materyal na naglalahad na kung ano ang gagawin at sasabihin. Ginagamit ito para masiguro na maayos ang daloy ng programa at matiyak ang tamang teknikal at impormasyon.

 

 

 

 

Credits