Introduction
Task
GAWAIN PARA SA PAKSA (indibidwal na gawain)
1. Mapapailawanag ang kahulugan ng Tula
2. Magsaliksik tungkol elemento at Bahagi ng Tula.
3.Gumawa / Makakasulat isang ng tula na may paksa gamit ang bahagi at uri nito.
Process
TULA
-
Isang akdang pampanitikan na may kondensa, pinaikling, at maindayog na wika na may magkakaugnay na tunog at mapanlikhang pagpili ng mga salita.
-
Isa sa pinakatanyag na anyo ng panitikan dahil ito ay inilalahad sa magandang wika at likas na imahinasyon. Maging ang tula ay itinuturing din bilang isang serye ng mga salita na naglalarawan sa damdamin ng may-akda.
-
Isang uri ng akdang pampanitikan na ang istilo ng wika ay higit na tinutukoy ng ritmo, tula, at ayos ng mga linya at saknong. Ang pagsulat ng tula ay ginagawa nang may , na pananalita at pagpili ng mga salita upang mapataas ang kamalayan ng mga tao sa karanasan at magbigay ng mga espesyal na tugon sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga tunog, ritmo, at mga espesyal kahulugan maingat.
MGA ELEMENTO NG TULA
Saknong - isang grupo ng mga salita sa loob ng isang tula na may dalawa o higit pang taludtod.
Sukat - bilang ng pantig ng tula.
Tugma - pinag-isang tunog sa hulihan ng mga taludtod.
Talinghaga - tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay.
Tulang Liriko o Pandamdamin
-
Sa uring ito itinatampok ng makata ang kanyang sariling damdamin. Ito ang itinuturing pinakamatandang uri ng tulang isinusulat ng mga makata sa buong daigdig. Ito ay puno ng damdamin at madalas ding gamiting titik ng mga awitin. Ang pagkakaugnayan ng tulang liriko at musikang sinasaliwan ng instrumentong tinatawag na lira ang siyang dahilan kung bakit ito nakilala sa taguring tulang liriko. Ito rin ang dahilan kung bakit ngayon malimit pumapasok sa ating isipan na ang liriko ay alinman sa dalawa: tulang talagang kakantahin o kaya'y tulang may katangiang awit. Narito ang ilang uri ng tulang ito:
-
Awit (Dalitsuyo) - tungkol sa pag-ibig
-
Pastoral (Dalitbuki)
-
Oda(Dalitpuri) - matayog na damdamin o kaisipan (paghanga o pagbibigay parangal)
-
Himno (Dalitsamba) - tungkol sa pagpapala sa Diyos, sa pagawit na pamamaraan.
-
Soneto(Dalitwari) - binubuo ng 14 taludtod o linya; nangangailangan ng mabigat o matinding pagkukuro-kuro
-
Elehiya (Dalitlumbay) - mapanglaw; tungkol sa kamatayan o kalungkutan
Tulang Pasalaysay
-
Ito ay naglalahad ng mga tagpo o pangyayari sa pamamagitan ng mga taludtod. Narito ang apat na uri ng tulang ito:
-
Epiko(Tulabuyani)
-
Tulasinta (Metrical Romance)
-
Tulakanta (Rhymed o Metrical Tale)
-
Tulagunam (Ballad)
Tulang Dula
Ito ay mga tulang isinasadula sa mga entablado o iba pang tanghalan. Narito ang mga uri ng tulang dula:
-
Tulang Mag-isang Salaysay (Dramatic Monologue)
-
Tulang Dulang Liriko-Dramatiko
-
Tulang Dulang Katatawanan (Dramatic Comedy)
-
Tulang Dulang Kalunos-lunos (Dramatic Tragedy in Poetry)
-
Tulang Dulang Madamdamin (Melodrama in Poetry)
-
Tulang Dulang Katawa-tawang-Kalunos-lunos (Dramatic Tragi-comedy in Poetry)
-
Tulang Dulang Pauroy (Farce in Poetry)
Tulang Patnigan (Justice Poetry)
Ito ay tulang sagutan na itinatanghal ng mga magkakatunggaling makata ngunit hindi sa paraang padula. Ito ay paligsahan ng mga katwiran at tagisan ng mga talino at tulain. Ang sumusunod ang mga uri ng tulang patnigan:
-
Karagatan
-
Duplo - kadalasang isinasagawa tuwing may lamay. Ito ay sa anyo ng labanan, at bilyako o bilyaka ang tawag sa mga manlalahok nito.
-
Balagtasan
-
Batutian
Evaluation
PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG TULA
KAUGNAYAN SA PAKSA-30%
ORIHINALIDAD-30%
DALOY NG KAISIPAN-20%
PAGKAMALIKHAIN SA PAGSULAT-20%
KABUUAN-100%
Conclusion
PARA SA HULING GAWAIN
-
Isalaysay ang naisulat na tula sa pamamagitan ng video at ipost ito sa social media accounts or facebook accounts.