Introduction
Ang SOSLIT o Sosyedad at Literatura ay nakatuon sa pagtalakay, pagsusuri at paglikha ng literaturang F/Pilipino na naglalarawan ng sosyedad at pumapaksa sa mga isyung makabuluhan, upang higit na mapahalagahan ng mag-aaral ang kanilang pagkatao, ang kultura, at kasaysayan ng ating bansa. Bibigyang-pansin ang pag-aaral sa mga akdang may temang karapatang pantao, usaping pangkasarian, kalagayan ng manggagawa at magsasaka, sitwasyon ng mga katutubo, diaspora at globalisasyon.
Task
Pagsusuri ng mga pangunahing panitikan na malaganap sa social media at makabuo ng sariling perspektiba o pamantayan sa pagsusuri ng akda.
Process
- Basahin at suriin ang artikulong "Espasyong Bakla sa Rebolusyong Pilipino: Pagsipat sa Paglalahad ng Lihim na Katauhan sa Lihim na Kilusan" ni Dr. Rowie Madula. Ipaliwanag kung ano ang naging papel ng mga bakla sa rebolusyong F/Pilipino at kung ang artikulo ay bahagi ng pagdulog na Queer.
- Basahin at suriin ang artikulong "Pagsipat sa Aldub Mula sa Lente ng Pantayong Pananaw" ni Kristoffer Brugada. Ipaliwanag ang kahalagahan ng konsepto ng Pantayong Pananaw sa pagsusuri ng mga palabas sa telebisyon.
Bilang pangkatang gawain, ang bawat pangkat ay pipili ng teorya o elemento ng panitikan na may kaugnayan sa artikulo o babasahing napili ng pangkat. Mula sa mga ito, bubuo ang mag-aaral ng isang "podcast" upang talakayin ang akdang napili at teoryang may kaugnayan sa nabasang akda.
Evaluation
Magiging batayan ang sumusunod na rubriks:
|
KRAYTIRYA |
Napakahusay 4 |
Mahusay 3 |
Di-Gaanong Mahusay 2 |
Mapaghuhusay Pa 1 |
MARKA |
|
Kaayusan sa Paglalahad ng Nilalaman at katapatan sa detalye (30%) |
Kritikal at maayos na nailahad ang nilalaman ng podcast. |
Maayos na nailahad ang nilalaman ng podcast. |
Nagtataglay ng angkop na paglalahad ng nilalaman. |
Kailangan ng karagdagang ayos sa paglalahad ng nilalaman. |
|
|
Katapatan sa paksa at detalyeng nais ilahad
(20%) |
Lubos na naging matapat sa paksang napili ang detalyeng nakalap ng mga tagapahayag. |
Malinaw na naging tapat sa paksang napili ang detalyeng nakalap ng mga tagapahayag. |
Sapat ang katapatan sa paksa at mga detalyeng nakalap ng mga tagapahayag. |
Pahapyaw ang katapatan sa napiling paksa at nakalap na mga detalye. |
|
|
Daloy ng ideya at tamang pagkasunod- sunod ng talakayan (20%) |
Lubhang malinaw ang daloy ng ideya at tama ang pagkakasunod-sunod ng agos ng diskusyon. |
Malinaw ang daloy ng ideya at tama ang pagkakasunod-sunod ng agos ng diskusyon. |
Sapat ang linaw ang daloy ng ideya ngunit tama ang pagkakasunod-sunod ng mga eksena. |
Hindi malinaw ang daloy ng ideya at hindi tama ang pagkakasunod-sunod ng mga eksena. |
|
|
Panimula, gitna, konklusyon at pag- ayon sa tagal o haba ng podcast (10%) |
May lubhang malinaw na panimula/introduksyon (ng paksa at kalahok), gitna, at kongklusyon (pagbubuod at sintesis ng napag-usapan), at umayon sa wastong tagal. |
Malinaw na panimula/introduksyon (ng paksa at kalahok), gitna, at kongklusyon (pagbubuod at sintesis ng napag-usapan) at umayon sa wastong tagal. |
Pahapyaw na maayos ang panimula, gitna, at kongklusyon at bahagyang lumabis/kumulang sa wastong tagal. |
Kailangan ng mas maayos na panimula, gitna, at kongklusyon. Lubos na lumabis/kumulang sa wastong tagal. |
|
|
Lalim ng pagtalakay sa binasang akdang pampanitikan. (10%) |
Napakahusay at maayos na nailahad at nagpapakita ng lalim ng paksa na hayag sa pagsusuring pampanitikan. |
Maayos na nailahad at nagpapakita ng lalim ng paksa na hayag sa pagsusuring pampanitikan |
Umayon sa kinakailangang lalim ng paksa at may bare minimum na pananaliksik na isinagawa. |
Pahapyaw ang lalim ng paksa at hindi umayon sa tagal o haba ng video. |
|
|
Paggamit ng wikang Filipino (10%) |
Bihasang-bihasa sa paggamit ng wikang Filipino sa pagpapaliwanag. |
Bihasa sa paggamit ng wikang Filipino sa pagpapaliwanag. |
Hindi gaanong bihasa sa paggamit ng wikang Filipino sa pagpapaliwanag. |
Hindi bihasa sa paggamit ng wikang Filipino sa pagpapaliwanag. |
|
Conclusion
Ang sosyedad at literatura ay magkaugnay at nagtutulungan sa pagbuo ng isang malalim at makahulugang karanasan para sa mga tao. Ang sosyedad ay nagbibigay ng konteksto at salamin ng mga pangyayari, karanasan, at mga suliranin na kinakaharap ng mga tao sa isang partikular na panahon at lugar. Sa kabilang banda, ang literatura ay naglalayong maipakita ang mga aspeto ng lipunan sa pamamagitan ng pagsulat ng mga kuwento, tula, nobela, at iba pang anyo ng akda.
Sa pamamagitan ng literatura, nagagawang maipakita at maipahayag ng mga manunulat ang mga damdamin, kaisipan, at mga pananaw ng tao tungkol sa iba't ibang aspekto ng lipunan tulad ng pulitika, relihiyon, kasarian, kultura, at iba pa. Ang mga akdang pampanitikan ay nagbibigay-daan sa mga mambabasa na magkaroon ng mas malalim na pag-unawa sa mga isyung panlipunan at pagkakakilanlan, at magkaroon ng ugnayan sa iba't ibang uri ng tao at kanilang mga karanasan.
Credits
San Juan, David Michael & Wika, Tanggol. (2017). MGA BAGONG SILABUS SA FILIPINO SA KOLEHIYO. 10.13140/RG.2.2.31262.02884.