WEBQUEST

Introduction

Isang pagbati! Ikaw na nasa Ika-24 na modyul na.

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito ay upang  matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling Panlipunan Baitang 10. 

             Ang modyul na ito ay naglalayong masuri ang kahalagahan ng pagsusulong at pangangalaga sa karapatang pantao sa pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunan. Ipinapaalam ng modyul na ito ang mga karapatan mo upang may magamit kang pananggalang sa pang-araw-araw na pakikipagsapalaran mo sa buhay. Ang mga karapatang pantao ay may malaking maitutulong upang mabigyan ka ng proteksyon laban sa mga tao o grupo ng taong nais mang-api at magsamantala.