Tagalog, Filipino, at Pilipino

Introduction

Malimit na nagkakamali ang mga kabataang Pilipino hinggil sa pagtukoy at paggamit ng mga terminong Tagalog, Filipino at Pilipino sa mga pangungusap. Madalas na isinasawalang-bahala ang kaibahan ng mga ito sa isa't isa dahil sa pagiging magkaugnay ng mga ito sa ilang aspekto. Ang Wikang Tagalog ang lingua franca ng malaking porsyento ng mga Pilipino sa iba't ibang bahagi ng bansa. Ginagamit na pamalit na salita para sa terminong ito ang Wikang Filipino o 'di kaya'y Pilipino, na malayo ang mga kahulugan mula rito.

Task

Inaasahan na magiging kasangkapan ng mga mag-aaral ang mga sulatin na makikita sa ibaba upang higit na maunawaan ang  mga terminong Tagalog, Filipino, at Pilipino gayundin ang politikal at kultural na pwersang nagdulot ng paglikha at pagbabago sa kahulugan ng mga salitang ito. Sa pagsulat ng isang sanaysay, nararapat na maipaliwanag ng mga mag-aaral mula sa kanilang sariling pag-unawa ang pagkakaiba ng mga salitang ito; kanilang mga napagtanto; at tindig sa mga konseptong ito bilang isang mag-aaral at bilang Pilipino.

Process

1. Basahin ang mga sumusunod na artikulo at sanaysay.

Pamagat Link
Paglingon sa Ugat ng Komisyon sa Wikang Filipino https://kwf.gov.ph/tungkol-sa-kwf/
Mga Linggwistik ng Ilusyon sa Pilipinas https://www.studocu.com/ph/n/26665615?sid=01662648840
Tagalog, Pilipino, Filipino: Do they differ? https://dila.ph/FilipinoisnotTagalog.pdf
Tagalog Language https://en.wikipedia.org/wiki/Tagalog_language

 

2. Aralin ang mga mahahalagang impormasyon na maaaring ilakip bilang pagpapatibay sa mga punto ng sanaysay.

3. Pagbatayan ang mga sumusunod na tanong sa pagbuo ng mga punto ng bawat talata.

  • Ano ang pagkakaiba ng Tagalog, Filipino, at Pilipino?
  • Ano ang historikal na pinagmulan ng mga salitang ito?
  • Bakit mahalagang malaman mo ang kahulugan ng mga salitang ito, bilang isang mag-aaral at  bilang Pilipino?
  • Paano mo magagamit ang iyong natutuhan sa pang araw-araw na gawain at pagdedesisyon?

4. Magbigay ng buod at konklusyon sa huling bahagi ng sanaysay.

Evaluation

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

Kategorya

Higit sa Inaasahan (5) Nakamit ang Inaasahan (4) Bahagyang Nakamit ang Inaasahan (3) Hindi Nakamit ang Inaasahan (2) Walang Napatunayan (1) Iskor
Introduksyon

Nakapanghihikayat ang introduksyon. Malinaw na nakalahad ang pangunahing paksa gayundin ang panlahat na pagtanaw ukol dito.

Nakalahad sa introduksyon angpangunahing paksa gayundin ang panlahat na pagtanaw ukol dito.

Nakalahad sa introduksyon ang pangunahing paksa subalit hindi sapat ang pagpapaliwanag ukol dito.

Hindi malinaw ang introduksyon at ang pangunahing paksa. Hindi rin nakalahad ang panlahat na pagpapaliwanag ukol dito.

Hindi nakita sa ginawang sanaysay.

 
Diskusyon

Makabuluhan ang bawat talata dahil sa husay na pagpapaliwanag at pagtalakay tungkol sa paksa.

Bawat talata ay may sapat na detalye.

May kakulangan sa detalye.

Hindi nadebelop ang mga pangunahing ideya.

Hindi nakita sa ginawang sanaysay.

 
Organisasyon ng mga Ideya

Lohikal at  mahusay ang pagkakasunud-sunod ng mga ideya; gumamit din ng mga transisyunal na pantulong tungo sa kalinawan ng mga ideya.

Naipakita ang debelopment ng mga talata subalit hindi makinis ang pagkakalahad

Lohikal ang pagkakaayos ng mga talata subalit ang mga ideya ay hindi ganap na nadebelop.

Walang patunay na organisado ang pagkakalahad ng sanaysay.

Hindi nakita sa ginawang sanaysay.  
Konklusyon

Nakapanghahamon ang konklusyon at naipapakita ang pangkalahatang palagay o paksa batay sa katibayan at mga katwirang inisa-isa sa bahaging gitna.

Naipakikita ang pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga katibayan at mga katwirang inisa-isa sa bahaging gitna.

Hindi ganap na naipakita ang pangkalahatang palagay o pasya tungkol s apaksa batay sa mga katibayan at mga katwirang inisa-isa sa bahaging gitna.

May kakulangan at walang pokus ang konklusyon.

Hindi nakita sa ginawang sanaysay.  
Mekaniks

Walang pagkakamali sa mga bantas, kapitalisasyon at pagbabaybay.

Halos walang pagkakamali sa mga bantas, kapitalisasyon at pagbabaybay.

Maraming pagkakamali sa mga bantas, kapitalisasyon at pagbabaybay.

Napakarami at nakagugulo ang mga pagkakamali sa mga bantas, kapitalisasyon at pagbabaybay. Hindi nakita sa ginawang sanaysay.  
Gamit

Walang pagkakamali sa istruktura ng mga pangungusap at gamit ng mga salita.

Halos walang pagkakamali sa istruktura ng mga pangungusap at gamit ng mga salita.

Maraming pagkakamali sa istruktura ng mga pangungusap at gamit ng mga salita.

Napakarami at nakagugulo ang pagkakamali sa istruktura ng mga pangungusap at gamit ng mga salita.

Hindi nakita sa ginawang sanaysay.  
Kabuuan            

 

Conclusion

Sa pagtatapos ng aktibidad na ito, inaasahan na may sapat na pag-unawa na ang mag-aaral hinggil sa pagkakaiba ng Tagalog, Filipino, at Pilipino. Gayundin, may kakayahan na ipaliwanag ang kasaysayan ng pagkakabuo ng mga konseptong ito at matukoy ang kabuluhan ng pag-aaral ng nasabing paksa. Sa pamamagitan ng sanaysay, nailalahad kung paano naunawaan ng mag-aaral ang mga binasang sulatin at nahasa ang kanilang kasanayan sa pagsulat sa Filipino.

Credits

AƱonuevo, R. (w.p.). "Paglingon sa Ugat ng Komisyon sa Wikang Filipino" Nakuha mula sa https://kwf.gov.ph/tungkol-sa-kwf/

Constantino, E. (1996) "Mga Linggwistik na Ilusyon sa Pilipinas" Nakuha mula sa https://www.studocu.com/ph/n/26665615?sid=01662648840

Constantino, P. (1997). "Tagalog, Pilipino, Filipino: Do they differ?" Nakuha mula sa https://dila.ph/FilipinoisnotTagalog.pdf

Wikipedia. (w.p.). "Tagalog Language" Nakuha mula sa https://en.wikipedia.org/wiki/Tagalog_language

 

Teacher Page
  • Bilang bahagi ng kahingian para sa kursong Technology for Teaching and Learning ng Teacher Certificate Program ng Iqra Development Academy.
  • Kung may mga tanong, magpadala lamang ng mensahe sa aking email: trishaimaretubaceslunar@gmail.com