Konseptong Paghahati ng Heograpiko ng Asya

Introduction

ANG KONTINENTE NG ASYA

Ang Heograpiya ay nagmula sa dalawang salitang Griyego - ang geo (daigdig) at graphein (magsulat). Ito ay nangangahulugan ng paglalarawan ng ibabaw o balat ng lupa. Ang heograpiya ay maraming kinukuhang datos sa ibat ibang agham pisikal, bayolohikal, at sosyal. Ito ay nagbibigay liwanag sa pagkakaayos o distribusyon ng bawat pangyayari at kahulugan nito sa paninirahan ng tao sa isang pook. Sa pag-unawa sa simula ang mga yamang-lupa ay nakapagbigay sa historyador ng mga kabatiran kung paano ginagamit ang mga ito.

Ang Asya ay isa sa pitong kontinente ng daigdig. Kontinente ang tawag sa pinakamalaking dibisyon ng lupain sa daigdig. Isa sa mga paraan ng pagkuha ng lokasyon ng isang kontinente at bansa ay sa pamamagitan ng pagtukoy ng latitude (distansyang angular na natutukoy sa hilagao timog ng equator) at longitude (mga distansyang angular na natutukoy sa silangan at kanluran ng Prime Meridian) nito. Ang Equator ay ang zero-degree latitude at humahati sa globo sa hilaga at timog na hemisphere nito, at ang Prime Meridian naman ay ang zero-degree longitude. Ang nasasakop ng Asya ay mula sa 10 Timog hanggang 90 Hilagang latitude at mula sa 11' hanggang 175 Silangang longhitude.

Pinakamalaki ang Asya kung ihahambing sa ibang kontinente sa daigdig kabuuang sukat nitong humigit kumulang na 44,486, 104 kawadrado, halos katumbas ito ang pinagsama-samang lupain ng North America, South America, at Australia, at halos sangkapat (1/4) lamang nito ang Europe. Tinatayang sangkatlong (1 /3) bahagi ng lupain ng daigdig ang kabuuang sukat ng Asya. 

Ang Hilagang Asya ay binubuo ng mga bansang dating Soviet Central Asia (Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, Azerbaijan, Turkmenistan, Uzbekistan, Georgia, Armenia, Mongolia at Siberia). Kilala ang rehiyong ito sa katawagang Central Asia o inner Asia.

Sa Kanlurang Asya matatagpuan ang hangganan ng mga kontinenteng Africa, Asya, at Europe. Dito naka latag ang mga bansang arabo (Saudi Arabia, Lebanon, Jordan, Syria, Iraq, Israel, Cyprus, at Turkey.)

Bahagi naman ng Timog Asya ang India; Mga bansang Muslim ng Afghanistan, Pakistan, at Bangladesh; mga bansang Himalayan ng Nepal at Bhutan; at mga bansang pangkapuluan ng Sri Lanka at Maldives.

Ang Timog Silangang Asya ay minsang binansagang Father India at Little China dahil sa mga impluwensya ng mga nasabing kabihasnan sa kultura nito. Ang rehiyong ito ay nahahati sa dalawang sub regions; ang mainland Southeast Asia (Myanmar, Thailand, Vietnam, Laos, Cambodia) at insular Southeast Asia (Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Brunei, Singapore, East Timor).

Ang Silangang Asya ay binubuo ng China, Japan, North, Korea, at Taiwan.