Introduction
Pilipinas
- ay isang bansang agrikultural bunga ng pagkakaroon ng masaganang likas na yaman
Agrikultura
- ay isang agham na may kinalaman sa paghahalaman at pagpaparami ng mga hayop
- gawaing may kaugnayan sa pangangalaga ng hayop at halaman
- pinanggalingan ng hilaw na materyales at tagabili ng yaring produkto
Subsectors ng Agrikultura
- Paghahalaman. Maraming mga pangunahing pananim ang bansa tulad ng palay, mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape, mangga, tabako, at abaka. Ang mga pananim na ito ay karaniwang kinokonsumo sa loob at labas ng bansa. Ayon sa National Statistical Coordination Board(NSCB), tinatayang umabot ang kabuuang kita ng sekondaryang sektor na ito sa Php797.731 bilyon noong 2012. Ito ay nagmula sa mga produktong palay, mais, at iba pang pangunahing pananim ng Pilipinas. Kasama rin dito ang produksiyon ng gulay, halamanggubat, at halamang mayaman sa hibla (fiber). Gayundin ang mani, kamoteng kahoy, kamote, bawang, sibuyas, kamatis, repolyo, talong, at kalamansi.
-
Paghahayupan. Ang paghahayupan naman ay binubuo ng pag-aalaga ng kalabaw, baka, kambing,baboy, manok, pato at iba pa. Ang paghahayupan ay nakatutulong sa pag-supply ng ating mga pangangailangan sakarne at iba pang pagkain. Ang paghahayupan ay gawaing pangkabuhayang kinabibilangan ng ating mga tagapag-alaga ng hayop. Mayroon ding mga pribadong korporasyon na nasa ganitong hanapbuhay.
-
Pangingisda. Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga pinakamalaking tagatustos ng isda sa buong mundo. Isa sa pinakamalalaking daungan ng mga huling isda ay matatagpuan sa ating bansa.
-
Tatlong uri ng pangingisda - komersiyal, munisipal at aquaculture.
-
komersyal na pangingisda ay tumutukoy sa uri ng pangingisdang gumagamit ng mga bangka na may kapasidad na hihigit sa tatlong tonelada para sa mga gawaing pangkalakalan o pagnenegosyo. Sakop ng operasyon ay 15 kilometro sa labas ng nasasakupan ng pamahalaang bayan.
-
munisipal na pangingisda ay nagaganap sa loob ng 15 kilometro sakop ng munisipyo at gumagamit ng bangka na may kapasidad na tatlong tonelada o mas mababa pa na hindi nangangailangan na gumamit ng mga fishing vessel.
-
Ang pangisdang aquaculture naman ay tumutukoy sa pag-aalaga at paglinang ng mga isda at iba pang uri nito mula sa iba’t ibang uri ng tubig pangisdaan - fresh (tabang), brackish (maalat-alat) at marine (maalat) (BOI, 2011).
- Paggugubat. Ang paggugubat ay isang pangunahing pang-ekonomikong gawain sa sektor ng agrikultura. Patuloy na nililinang ang ating mga kagubatan bagamat tayo ay nahaharap sa suliranin ng pagkaubos ng mga yaman nito. Mahalaga itong pinagkukunan ng plywood, tabla, troso, at veneer. Bukod sa mga nabanggit na produkto, pinagkakakitaan din ang rattan, nipa, anahaw, kawayan, pulot-pukyutan at dagta ng almaciga.
Process
Kahalagahan ng Agrikultura
- Nagpapasok ng dolyar sa bansa
- Isang mahalagang pinagkukunan ng dolyar ng Pilipinas ay mula sa mga produktong agrikultural na naibebenta sa pandaigdigang pamilihan.Kabilang sa mga iniluluwas ng bansa na pinagmumulan ng kitang dolyar ang kopra, hipon, prutas, abaka, at iba pang mga hilaw na sangkap na ginagamit sa pagbuo ng iba’t ibang produkto.
- Bumibili ng mga produkto ng industriya
- nagmumula sa sektor na ito ang mga hilaw na sangkap mula sa kagubatan, kabukiran, at karagatan na maaaring gamitin sa produksiyon. Halimbawa, ang puno na pinagmumulan ng goma ay gamit para sa paggawa ng gulong; bulak at halamang mayaman sa hibla para sa tela at sinulid; kahoy para sa mga muwebles; at dahon at ugat para sa pagkain, kemikal, o gamot.
- Nagbibigay ng hanapbuhay
- Ayon sa National Statistics Office (NSO) para sa taong 2012, 32% ng mga Pilipinong may trabaho ay nabibilang sa sektor ng agrikultura. Karaniwan silang nagtatrabaho bilang mga magsasaka, mangingisda, minero, o tagapagalaga sa paghahayupan.
Suliranin ng Agrikultura
- Mababang Presyo ng Produktong Agrikultura
-
bunga ng pagdagsa ng mga dayuhang produkto, ang mga ani ng mga magsasaka at mangingisda ay mabibili lamang sa murang halaga.
- Kakulangan ng Sapat na Impraestruktura at Puhunan
-
isa sa mga dahilan ng mabagal na pag-unlad ng agrikultura. Maraming produktong agrikultura ang hindi napapakinabangan dahil sa nasisira, nabubulok, at nalalanta tulad ng gulay at prutas dahil sa kawalan ng pag-iimbakan o storage at maayos na transportasyon.
- Kakulangan ng makabagong kagamitan at teknolohiya
-
ang mga magsasaka ay patuloy na gumagamit ng mga lumang kagamitan sa pagsasaka tulad ng araro at kalabaw na nagiging dahilan ng mabagal na produksyon.
- Paglaganap ng sakit at peste
-
maraming hayop ang namamatay at di-napapakinabangan bunga ng pagkakasakit at pagkapeste na dulot ng mga virus at bakterya na namiminsala sa mga hayop at halaman.
- Pagdagsa ng Dayuhang Produkto
- Isang malaking kompetisyon ang kasalukuyang hinaharap ng bansa dulot ng pagdagsa ng mga dayuhang kalakal. Maraming magsasaka ang nahihirapang makipaglaban sa presyo ng mga murang produkto mula sa ibang bansa. Bunga ito ng pagpasok ng pamahalaan sa World Trade Organization (WTO)kung saan madaling makapasok ang mga produktong mula sa mga miyembro nito. Dahil dito, maraming magsasaka ang naapektuhan, huminto, at sa kalaunan ay ipinagbili na lamang ang kanilang mga lupa upang maging bahagi ng mga subdibisyon.
- Implementasyon sa Tunay na reporma sa lupa
-
matagal nang pangarap ng mga magsasaka na magkaroon ng sariling lupa. Napakaraming batas na ang naaprobahan ngunit hindi pa din madama ng mga magsasaka ang pagpapatupad ng reporma sa lupa.