Task
Ang bawat grupo ay magkakaroon ng talakayan tungkol sa salik na napunta sa kanila. Ang buod ng tinalakay ng grupo ay ipo-post sa pamamagitan ng padlet. Kailangan din makapagbigay ng isang halimbawa ang bawat grupo tungkol sa salik na naatas sa kanilang grupo.
Group 1-Edad
Group 2-Hanapbuhay
Group 3- Panlasa
Group 4-Edukasyon
Group 5-Kita
Padlet Link
https://padlet.com/yehosalazar/x2cezssskig071gz
Process
Mga Salik na Nakaiimpluwensiya samga Pangangailangan ng Tao

1. Edad .
Ang pangangailangan natin noong tayo ay sanggol pa ay nagbabago habang tayo ay nagkakaedad. Ang mga produkto at serbisyo ng tao na binibili at ginagamit ay nagkakaiba ayon sa edad ng tao. Ang mga produkto na gustong bilhin ng mga tinedyer ay iyong nauuso tulad sa mga damit, samantalang ang mga may edad na iyong simple at tradisyonal na pananamit.Ang mgalibangannagusto 3. ng mga bata, tinedyer, at matanda ay nagkakaiba rin.
2. Hanapbuhay
Ang uri ng hanapbuhay ng tao ay nagtatakda ng kanyang pangangailangan. Naiimpluwensiyahan ng hanapbuhay ang pagkain, pananamit, bahay, at pamumuhay ng isang tao. Ang paghahangad na magkaroon ng sariling sasakyan ay masasabing di-gaanong mahalaga sa isang sidewalk vendor, laborer, at janitor, ngunit ito ay lubhang mahalaga sa negosyante, presidente ng kompanya, manedyer, at superbisor. Ang. kalagayan sa lipunan ay nakapagpapabago rin ng pangangailangan ng tao. Ang uri ng pagkain at lugar ng kainan ay nagkakaiba rin ayon sa hanapbuhay ng tao, maging ang uri ng libangan ay nagkakaiba rin ayon sa estado sa buhay.

3. Panlasa
Ang bawat tao ay bumibili ng mga produkto ayon sa _ kanyang paniasa. Ang pagkain ng isang bata ay hindi pareho ng pagkaing gusto ng taong nagkakaedad. Ang food trip ng mga tinedyer ay hindi gusto ng mga matatanda. Maging ang mga mamamayan ng iba't ibang bansa ay nagkakaiba rin ang pangangailangan sa pagkain dahil sa panlasa. Bahagi ng pagkain ng mga Tsino ay chili sauce, ang mga Japanese ay wasabi, ang mga Korean ay kimchi, ang mga Bombay ay spices, at ang mga Pilipino ay sa patis at bagoong. Maging tayong mga Pilipino ay may pagkakaiba rin ng panlasa ayon sa ating kinagisnang pagkain tulad ng mga Bikolano na mahilig sa sili, ang mga Kapampangan sa burong isda, mga Ilokano sa bagoong isda, at ang mga Batangueno ay mahilig sa gata.

4. Edukasyon
Ang antas ng edukasyon ay nakaiimpluwensiya sa mga pangangailangan ng tao. Ang mga pangangailangan ng mga estudyante ay malaki ang kaibahan sa pangangailangan ng mga nakatapos na, tulad ng guro, doktor, inhinyero, at iba pa. Maging ang pangangailangan ng nakatapos Ng pag-aaral ay may pagkakaiba sa pangangailangan ng mga_taong hindi nakatapos ng pag-aaral o hindi nakapag-aral. Ang pagbabago Sa pangangailangan ng mga tao bunga ng edukasyon ay patuloy na magaganap sapagkat lahat ng tao ay patuloy na naghahangad na matuto sa buhay.

5. Kita
Ang kita ay salaping tinatanggap ng tao kapalit ng ginawang produkto at serbisyo. Ito ay isang salik na nakaiimpluwensiya sa pagbabago ng mga pangangailangan ng tao. Kung dati ay kontento na ang tao sa simpleng pagkain, damit, bahay, kagamitan, ngunit kapag lumaki ang kanyang kita, ang mga ito ay nadaragdagan at nagbabago. Kung minsan pa, ang mga produktong ito ay nagsisilbing bahagi ng kagustuhan ng tao. Sa paglaki ng kita ng tao, mas gusto na niya ng mas masasarap na pagkain, magagarbong damit, makabagong kagamitan tulad ng cell phone, tablet, personal computer, at iba pa. Mas dumarami ang kagustuhan ng tao habang lfumalaki ang kita nito.