Introduction
-
Ang kababaihan sa Pilipinas noon, maging sila man ay kabilang sa pinakamataas na uri o sa uring timawa sa kanilang lipunan, ay pagmamay-ari ng mga lalaki.
-
Nagkaroon ng mga binukot o prinsesa ang isang katutubong pangkat sa isla ng Panay at pagbibigay ng tinatawag na bigay-kaya. Ang binukot ay itinuturing na itinagong paborito at pinakamagandang anak ng datu. Hindi siya maaaring tumapak sa lupa at masilayan ng mga kalalakihan hanggang sa magdalaga.
-
Kapuwa ginampanan ng mga babae at lalaki ang mga tungkulin ng babaylan. Babaylán ang tawag sa mga nagsilbing manggagamot at tagapamahala ng katutubong kultura bago ang pananakop ng mga Español sa Filipinas
-
Ayon sa Boxer Codex ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa, subalit maaring patawan ng parusang kamatayan ang asawang babae sa sandaling makita niya itong may kasamang ibang lalaki.
-
Kung gustong hiwalayan ng lalaki ang kaniyang asawa, maaari niya itong gawin sa pamamagitan ng pagbawi sa ari-ariang ibinigay niya sa panahon ng kanilang pagsasama.
-
Kung ang babae ang magnanais na hiwalayan ang kaniyang asawa, wala siyang makukuhang ari-arian.
Credits
Abesamis, C. (2020). Araling Panlipunan Modyul sa Mag-aaral: Kasarian sa Iba't Ibang Lipunan. Department of Education- Region III.
Teacher Page
Ang WebQuest na ito ay nilikha ni Bb. Leah C. Labordo, pre-service teacher mula sa College of Sciences, Technology and Communications Inc.