Bunga at Impact ng Unang Digmaang Pandaigdig

Introduction

BUNGA AT IMPACT NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG

        Matinding pinsala ang naidulot ng Unang Digmaang Pandaigdig sa buhay at ari arian. Ang namatay sa labanan ay tinatayang umabot sa 8,500,000 katao. Ang mga nasugatan ay tinatayang 22,000,000 at ang mga namatay na sibilyan sa gutom, sakit at paghihirap ay 18,000,000. Napakaraming ari-arian ang nawasak at naantala ang kalakalan, pagsasaka at iba pang gawaing pangkabuhayan. Ang nagastos sa digmaan ay tinatayang umabot sa 200 bilyong dolyar. Ang digmaang ito ay binansagang “Great War” dahil ito ang unang digmaang pandaigdig na may pinakamalaking pinsalang naidulot.

        Ang mapa ng Europa ay sadyang nabago. Ang kalagayang pampulitika sa buong daigdig ay nag-iba. Ang Austria at Hungaria ay nagkahiwalay. Ang mga bansang Latvia, Estonia, Lithuania, Finland, Czechoslovakia, Yukoslavia at Albanya ay naging malalayang bansa. Apat na imperyo sa Europa ang nagwakas, ang mga Hohenzollern ng Alemanya, mga Hapsburg ng Austri-Hungary, Romanov ng Rusya at Ottoman ng Turkey. Nabigo ang mga bansa sa pagkakaroon ng pangmatagalang kapayapaaan sa daigdig. Ang mga itinalaga ng kasunduan sa Versailles ay nagtanim ng hinanakit sa Alemanya. Lubhang marahas ang mga parusang iginawad sa Alemanya. Ang pagkapahiya ng Gernany ay naging dahilan kung bakit ang bansang ito ay naghanda na naman upang muling makipaglaban sa mga bansang alyado.

IMAGE

Mga Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig: Pinsala sa buhay at ari-arian

https://www.youtube.com/watch?v=kRa6twi8zQc

 

Epekto sa Ekonomiya Unang Digmaan

https://www.youtube.com/watch?v=-zMF7wibn84

 

Treaty of Versailles

https://www.youtube.com/watch?v=D-jJ-23YOUQ

 

Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig sa Larangan ng Politika

https://www.youtube.com/watch?v=2CF8sFQH5dM

 

Task
Credits