Introduction
Gawain 1
Sa pamamagitan ng link na nasa ibaba, sagutin ang tanong na "Para sa'yo, ano ang heograpiya?".
Panggrupong Gawain 1
Araling mabuti ang mga larawang nasa ibaba. Mula sa mga larawang ito, magbigay ng labing-limang (25) salita o pariralang tutugma sa mga larawan. Gamitin ang Google Jamboard upang maibigay ang inyong mga kasagutan. Kung ikaw ay gumagamit ng cellphone ay maari mag-install ng Google Jamboard sa Playstore. Buksan ang link na ito para sa panggrupong gawain: https://jamboard.google.com/d/15rjJD2EjBPFDBZpwfpBi6K2jaf3Wd2rgBUPzG-uTiFw/edit?usp=sharing




Task
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
- Nabibigyang-kahulugan at nakikila ang heograpiya at ang limang tema ng heograpiya.
- Nakakapagbigay ng mainam na halimbawa ng limang tema ng heograpiya,
- Nakalilikha ng sariling halimbawa ng limang tema ng heograpiya sa pamamagitan ng Infographics.
Process
Ano nga ba ang HEOGRAPIYA?
![]()
Kahulugan ng Heograpiya
Ang ang heograpiya ay ang pag-aaral sa mga pisikal na katangian ng daigdig, ang iba’t ibang lugar sa mundo at ang relasyon ng tao sa kanyang kapaligiran. Sinusuri din ng isang geographer kung paano nakaaapekto ang kultura ng tao sa kapaligiran, at kung paano nakaaapekto ang lokasyon at lugar sa pamumuhay ng mga tao.
Ang salita ng heograpiya ay ginamit ng mga sinaunang tao upang bigyan ng tawag ang kanilang pag-aaral, pagsulat at paggawa ng mapa na nakakatulong sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman kaugnay ng kanilang mundong ginagalawan.
Ang mga sinaunang Griyego ay mga masugid na tagalikha ng mga mapa. Sila ay nakalikha ng mga mapa ng iba’t ibang lugar sa Asya, Europa, at Africa. Sa kanilang paggawa ng mapa napansin nila ang iba’t ibang pagkakaiba ng mga lugar na kanilang pinupuntahan. Ang mga pagkakaiba sa klima pamumuhay ng tao sa iba’t ibang lugar ay naging isang malaking katanungan sa kanila. Hindi nagtagal ay nalamang ng mga sinaunang Griyego na bilog ang daigdig.
![]()
Larawan 1. Daigdig ayon kay Anaximenes ng Miletus ika-anim na siglo BCE.
Makalipas ang ilang daang taon pa ay nagsimula ang Ginintuang panahon ng mga Muslim ng Arabian Peninsula at Hilagang Africa. Ang mga iskolar ng Islam ay ang lumikha ng unang rektangolong mapa na may mga grid at coordinate na masasabing kahawagin ng kasalukuyang sistema ng longhitude at latitude. Ang mga mapa na ito ay naging malaking tulong sa paglalakbay at paglalayag.
![]()
Larawan 2. Tabula Rogeriana, iginuhit ni Muhammad al-Idrisi, 1154 CE
Kasabay ng mga tagumpay ng mga Arabong Muslim sa Middle East ay nagkaroon din ng malaking kontribusyon ang mga Tsino sa heograpiya. Sa pagitan ng 1500 BCE at 1000 BCE, pinatunayan ng mga Tsino ang husay nila sa Astronomiya at nilkha din nila ang unang compass para sa paglalayag.
![]()
Larawan 3. Chinese Compass
Sa pagpasok ng ika-15 at ika-17 siglo, nagsimula ang Panahon ng Pagtuklas. Ginamit ng mga Europeo ang mga natutunan nila mula sa mga Tsino upang maglayag sa iba’t ibang panig ng daigdig. Ang panahon na ito ay nagdala ng malaking interes sa heograpiya at naging masigla ang sangay ng pag-aaral na ito dahil na din sa pagka-imbento ng movable press. Nakatulong din ang pag-unlad ng mga teknolohiya sa paglalayag sa dagat at ang malaking bilang ng impormasyon na hawak na maaaring gamitin ng isang manlalayag.
Ano ang mga Saklaw ng Heograpiya?
Saklaw ng pag-aaral ng heograpiya ay nahahati sa dalawang kategorya: Pisikal na Heograpiya (Physical Geography) at Heograpiyang Pantao (Human Geography).
Pisikal na Heograpiya
Ito ay mas nakatuon sa pag-aaral ng iba’t ibang pisikal na katangian ng daigdig. Pinag-aaralan din dito ang mga pagbabago sa kapaligiran na dulot ng tao.
Ang ilan sa mga saklaw nito ay ang sumusunod:
- Anyong lupa at anyong tubig
- Klima at Panahon
- Likas na yaman
- Fauna(Animal life) at flora(plant life)
Heograpiyang Pantao
Ito ay mas nakatuon sa pagsuri sa distribusyon at sa ugnayan ng mga tao at kultura sa daigdig. Pinag-aaralan dito mga epektong dulot ng tao sa kapaligiran kung saan siya nakatira. Pinag-aaralan din ng isang human geographer ang mga politikal, panlipunan at pang-ekonomiyang sistema ng iba’t ibang bahagi ng mundo. Kamasa kanilang inaaral ang relihiyon, uri ng gobyerno at mga kasunduang pangkalakalan sa pagitna ng mga bansa.
Upang lubos mo pang maunawaan, maari mong panuorin ang bidyo sa ibaba.
Limang Tema Ng Heograpiya
Panuorin ang bidyo sa ibaba at unawaing mabuti.
1. Lokasyon
Ang lokasyon ay ukol sa mga kinaroroonan ng mga lugar sa Daigdig. May dalawang paraan para matukoy ang lokasyon:
Lokasyong Tiyak o Absolute – Ito ay isang paraan na nagagamit ang mga linyang latitude at longitude na bumubuo sa grid.
Lokasyong Kaukulan o Relatibo – Isang paraan na kung saan ang batayan ay ang mga lugar na nakapaligid nito.
2. Lugar
Tumutukoy ito sa mga katangiang natatangi sa pook. Katulad ng lokasyon, may dalawang paraan para matukoy ang lugar:
Katangiang Kinaroroonan – kabilang nito ang klima, anyong lupa, anyong tubig, at likas na yaman.
Katangiang Naninirahan na mga Tao – kabilang nito ang wika, relihiyon, populasyon, kultura at sistemang politikal.
3. Rehiyon
Bahagi ito ng Daigdig na pinagbubuklod ng mga magkakatulad na katangiang pisikal o kultural.
4. Interaksyon ng Tao sa Kapaligiran
Ito ay ang kaugnayan ng tao sa pisikal na katangiang taglay ng kanyang kinaroroonan.
5. Paggalaw
Tumutukoy ito sa paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar patungo sa iba pang lugar. May tatlong uri ng distansya ng isang lugar patungo sa ibang lugar:
Distansya o Layo – Kung gaano kalayo ang lugar.
Oras o Panahon – kung gaano katagal papunta sa lugar na iyon.
Sikolohial – Kung paano tiningnan ang layo ng lugar.
Evaluation
Maikling Pagsusulit
Buksan ang link sa ibaba at sagutan ang maikling pagsusulit.
Panggrupong Gawain 2
Sa pamamagitan ng Infographics and bawat grupo ay gagawa ng sariling mga halimbawa na ipinakikita ang Limang Tema ng Heograpiya. Kailangang makapagbigay ng limang mga halimbawa sa nakatokang tema.
Pangkat 1-Lokasyon
Pangkat 2-Lugar
Pangkat 3-Rehiyon
Pangkat 4-Interaksyon ng Tao sa Kapaligiran
Pangkat 5-Paggalaw
Pagkatapos magawa ang gawain, magkakaroon ng maikling presentasyon ng grupo sa Google Meet.
Credits
Aralipunan Writers. (2020). Ano ang Heograpiya? Retrieved from https://aralipunan.com/heograpiya/
Rey. (2020). Limang Tema Ng Heograpiya – Ang Mga Tema At Kahulugan. Retrieved from https://philnews.ph/2020/02/18/limang-tema-ng-heograpiya-ang-mga-tema-at-kahulugan/
Teacher Page
This Webquest material was prepared for Geography 1 Students of CSTC, Sariaya Quezon by Prof. John Jernon F. Salazar.