MGA ISYU SA KARAPATANG PANTAO

Introduction

Alam mo ba kung bakit may mga isyu sa karapatang pantao? 

Ito ay sakadahilanang may mga taong walang alam o kulang ang kanilang kaalaman patungkol sa kanilang mga karapatan? Sila ang mga taong madalas na nilalamangan at minsan hindi nila namamalayan na inaapakan na pala ang kanilang mga karapatan. Sa kabilang banda, kung wala kang alam patungkol sa karapatang pantao maari ring ikaw mismo ang magkamali, makagawa ng mali sa iyong kapwa na hindi mo alam at wala sa iyong intensnyon. Kaya mahalaga na may alam ka.

Ano ang Karapatang Pantao?

Ang batayang karapatan at kalayaan na “inalienable” at “inherent” sa bawat tao, mula kapanganakan hanggang kamatayan. Nangangahulugan ang “inalienable” na karapatan at kalayaang hindi maaaring mapawalang bisa o mapigilan ng ano mang batas na gawa ng tao samantalang ang “inherent” ay likas at awtomatiko niya itong nakukuha bilang pribilehiyo o entitlement dahil sa kanyang pagiging tao mula sa kanyang kapanganakan hanggang kamatayan.

Kahalagahan ng Karapatang Pantao 

  • Ang karapatang pantao ay bahagi na ng pagiging tao. Hindi na kinakailangan pang ito ay kilalanin ng pamahalaan o ng batas.

  • Mahalagang mulat tayo sa karapatang pantao upang tamasahin natin ito. Ang pag-agaw at pagkait ay paglabag din rito. Maaari itong idulog sa kinauukulan.

  • Ang pagkilala sa karapatang pantao ay pagkilala at paggalang din sa karapatan ng iba.

  • Kung lahat ng mamamayan ay kumikilala sa karapatan ng bawat isa, malaki ang posibilidad ng kapayapaan sa lahat ng aspekto ng ating buhay sa lipunan.

Task

Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan ng guro na ang mga mag-aaral ay magsasagawa ng posterlogan. Sila ay gagawa ng tema tungkol sa mga isyu sa karapatang pantao at epekto nito sa mga mamamayan, pamayanan, bansa at daigdig. 

Process

URI NG KARAPATANG PANTAO

1. Indibidwal o personal na karapatan – ito ay mga karapatan na pag-aari ng isang indibidwal na tao para sa pag-unlad ng sariling pagkatao at kapakanan.

a.Karapatang Sibil – karapatan ng tao upang mabuhay na malaya at mapayapa.

b.Karapatang Pulitikal – karapatan ng tao na makisali sa mga proseso ng pagdedesisyon ng pamayanan.

c.Karapatang Panlipunan – karapatan mabuhay ang tao sa isang lipunan at upang isulong ang kanyang kapakanan

d.Karapatang Pangkabuhayan – karapatang ukol sa pagsusulong ng kabuhayan at disenteng pamumuhay.

e.Karapatang Kultural – karapatan ng tao na lumahok sa buhay kultural ng pamayanan at magtamasa ng siyentipikong pag-unlad ng pamayanan.

2.Panggrupo o kolektibong karapatan – ito ay mga karapatan ng tao na bumuo ng pamayanan upang isulong ang panlipunan, pangkabuhayan at pangkultural na pag-unlad sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang likas na kayamanan at pagsusulong ng malusog na kapaligiran.

KONSEPTO NG PAGLABAG SA KARAPATAN

Anumang karapatan na hindi natatamasa o naisusulong ng tao ay isang uri ng paglabag sa karapatang pantao. Pangunahin sa karapatan ng tao ay ang karapatang mabuhay ng may dignidad.

MGA ANYO NG PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO

1.Pisikal na paglabag sa Karapatang Pantao - Pisikal na paglabag ang turing kapag ang nasaktan ay ang pisikal na pangangatawan ng tao.

2.Sikolohikal o emosyonal na paglabag sa Karapatang Pantao - Ang pisikal na pananakit ay nagdudulot ng trauma sa isang tao. Ito ang nagiging dahilan kaya nawawalan ng kapayapaan ng loob ang isang tao at bumababa ang pagtingin niya sa kanyang sarili.

3.Istruktural - Ito ay makikita kung ang tao ay walang kabuhayan, mababa ang kalayaan sa lipunan at wala siyangkapangyarihang magdesisyon para sa sarili, pamilya, sa pamayanan, sa bansa at sa daigdig.

Upang lubos ninyong maunawaan ang araling ito, narito ang isang maikling presentasyon tungkol sa anyo ng paglabag sa karapatang pantao.

https://www.youtube.com/watch?v=VLnHVGZbW64

MGA HAKBANG UPANG MABIGYAN NG PROTEKSYON LABAN SA PAGLABAG NG KARAPATANG PANTAO

1.Pagdulog sa mga lokal na hukuman.

2.Pagdulog sa Pandaigdigang Korteng Pangkatarungan (International Court of Justice)

3.Edukasyon para sa karapatang pantao.

4.Pagsasabuhay ng karapatang pantao.

Evaluation

Ngayun atin namang sukatin ang iyong kaalaman patungkol sa ating pinag-aralan natin. Gumawa ng isang malikhaing  sanaysay patungkol sa karapatang pantao, kahalagahan nito at paano kung walang karapatang pantao, ano ang mangyayari sa atin at sa ating lipunan? 

 

Krayterya

4

3

2

1

Puntos

Diskusyon

 Makabuluhan ang bawat talata dahil sa husay na pagpapaliwanag at pagtalakay tungkol sa paksa.

Bawat talata ay may sapat na detalye

May kakulangan sa detalye

Hindi nadebelop ang mga pangunahing ideya

 

Organisas-yon ng mga Ideya

Lohikal at mahusay ang pagkakasunud-sunod ng mga ideya; gumamit din ng mga transisyunal na pantulong tungo sa kalinawan ng mga ideya.

Naipakita ang debelopment ng mga talata subalit hindi makinis ang pagkakalahad

Lohikal ang pagkakaayos ng mga talata subalit ang mga ideya ay hindi ganap na nadebelop.

Walang patunay na organisado ang pagkakalahad ng sanaysay.

 

Tema

(Kaisahan)

Ang kabuuan ng sanyasay ay may kaisahan at kaugnayan.

Karamihan sa nilalaman ay kaugnay sa tema.

Ilan sa nilalaman ay hindi kaugnay sa tema.

Walang kaisahan at kaugnayan sa tema ang nilalaman.

 

Kabuuang puntos

 

 

 

 

 

Conclusion

Ngayun na alam mo na kung ano ang karapatan mo bilang isang tao,  mga ibat-ibang isyu sa karapatang pantao, anyo ng mga paglabag sa karapatang pantao, mga hakbang upang mabigyan ngproteksyon laban sa paglabag ng karapatang pantao. Naway mabigyan mo ito nang halaga at hindi mo ito makakalimutan at gamitin mo ang iyong natutunan sa pagsusulong ng pagkapantay-pantay at respeto sa tao bilang kasapi ng pamayanan, bansa, at daidig.

Credits

PDFCOFFEE . (2021). Mga Isyu sa Karapatang Pantao. Mula sa https://pdfcoffee.com/mga-isyu-sa-karapatang-pantao-pdf-free.html

Raymond (2021).  Karapatang Pantao. Mula sa https://youtube.com/watch?v=VLnHVGZbW64&t=1s 

 

 

Teacher Page

Ang webquest na ito ay nilika ni Rachelle Anne A. Pica, mag-aaral sa College of Sciences Technology and Communication Inc. para sa asignaturang Technology for Teaching and Learning 2.