Climate Change ( Aspektong Politikal, Pang-ekonomiya at Panlipunan)

Introduction

Climate Change



Ang Climate Change ay tumutukoy sa pagbabago ng klima sa buong mundo. Ang pagbabago ay nararamdaman noong kalagitnaan ng ika-20 siglo at nagpapatuloy. Iniuugnay ito sa pagtaas ng antas ng carbon dioxide sa atmospera mula sa paggamit ng fossil fuels. Ang mga pansarili,pangkapaligiran at panlipunang salik na nakakaimpluwensya sa kapakanan at kaligtasan ng mga tao. Isa sa mahahalagang gawain kaugnay ng aspetong pang-ekonomiya ay ang paglikha ng mga bagong metodo para sa pagbibigay-halaga sa mga benepisyong pangkapaligiran. Ang climate change ay isang napapanahong isyung politikal. Ilan sa mga hamong pilitikal ay ang peligro ng pangasiwaan ,pagrepaso sa plano,paglikha ng mga pampolitika at pambulikong concensus para sa aksiyon at mga implikasyon para sa hustisyang panlipunan.

https://www.slideshare.net/hanibal258/araling-panlipunan-grade-10-q1-76…

 

 

Task

Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Naipapaliwanag ang konsepto ng climate change

2. Naipaliliwanag ang aspektong politikal ,pang-ekonomiya, at panlipunan ng climate change.

3. Natatalakay ang iba’t-ibang programa, polisiya at patakaran ng pamahalaan at pandaigdigang samahan tungkol sa climate change.

Process

Climate Change:

Aspektong Panlipunan

- Sa kabila ng mga nakatatag na polisiya tungkol sa climate change, tila hindi rito matutugunan ang marami pang suliraning panlipunan. 

- Ang mga pansarili , pangkapaligiran at panlipunang salik ay nakaiimpluwensya kung paanong ang mga pangyayaring may kinalaman sa klima ay nakakaapekto sa kapakanan at kaligtasan ng tao.

- Ang polisya ng pakikibagay ( adaptation policy ay nakatuon sa mga personal na salik ( gaya ng kalusugan at edad ) sa mga katangiang pangkapaligiran ( gaya ng pag-iwas sa 

baha), at sa panlipunanag salik ( gaya ng hindi pagkakapantay-pantay ng kita, ang pagkakaroon ng social networks, at panlipunang katangian ng mga kapitbahay).

- Ang peligro ng mga tao sa climate change ay hindi lamang sa kung gaano kahantad sa mga pagbaha o heatwaves , gayundin ang potensyal na pagliit o pagkawala ng kanilang kaligtasan mula sa mga pangyayari o kalamidad. Ang panlipunang kahantaran ( social vurnerability ) ay ang kawalan ng abilidad ng mga tao, samahan at lipunan na malampasan ang negatibong epekto mula sa napakaraming suliranin kinahaharap.

Climate Change :

Aspektong Pang-ekonomiya

Maraming teoritikal at empirikal na tanong ang nanatiling masalimuot. Iminumungkahing magkaroon ng ibayo pang pag-aaralng integrasyon sa mga polisya upang mapagtuonang-pamsin ang mahahalagang gawain at mapanatili ang pangdaigdigang pagkakaisa. 

Mahalagang Gawain: 

A.) Lumilikha ng mga bagong metodo para sa:

Pagbibigay-halaga ( evaluate) sa mga benepisyong pangkapaligiran. 

Pag-alam at pagtataya sa mga gastusin sa kabila ng masalimuot na mga plano at proyekto.

Paggawa ng pagpipiliang polisiya kahit walang katiyakan 

Pagpayag sa pagiging flexible sa mga tugong pampolisiya.

B.) Lumilikha ng mahahalagang gabay para sa pagpili ng polisiyang nanatiling may bisa sa praktikal na kondisyon

C.) Tumututok sa mga praktikal na gawain sa pamamagitan ng paglikha ng kapaki-pakinabang , na kung saan ang mahusay na impormasyon ay pahahalagahan.

 

Climate Change :

Aspektong Pampulitika

Ag climate change ay isang napapanahong isyung politikal. Gayunman, wala pang makabuluhang balangkas para sa polisiya na nag-aalok nang buo at matibay kung paano dapat kayanin ng mga pamahalaan ang mahabang panahong hamong pulitikal ng climate change. 

1.) Mga hamong pulitikal:

Peligro ng pangasiwaan

Ang nananaig na siyentipikong pangkalahatang kasunduan ( scientific consensus) sa epekto ng climate change ay lagging pinagdududahan ang antas ng urgency at severity ng ginagawang pagtataya. 

2.) Pagrepaso sa plano: 

Ang epektibong aksiyon sa climate change ay nangangailangan sa pagrepaso sa ibang paraan tungo sa pangmatagalang plano ng mga pamahalaan. 

3.) Paglikha ng pampulitika at pampublikong  consensus para sa aksiyon:

Bumabangon ang tanong na ito: ano ang magagawa ng mga pamahalaan upang makahikayat ng suporta para sa climate change? 

4.) Implikasyon para sa hustisyang panlipunan:

Ang gastusing panlipunan at pang-ekonomiya ay magiging malaki. 

At upang lubos nyong maunawaan ang Araling ito, narito ang isang maikling presentasyon tungkol sa climate change na ma's makatutulong sa inyo upang maunawaan ang iba't- ibang aspektong nakaapekto sa pagkakaroon ng isyung pangkapaligiran at pang-ekonomiya

https://youtube.com/watch?v=jAa58N4Jlos&feature=share

 

Conclusion

Ang climate change ay tumutukoy sa pagbabago o pabago bagong klima ng panahon na syang dahilan kung bakit tayo nakakaranas ng tag-init at tag-ulan. Nagdudulot din ang climate change ng sakuna kagaya ng pagbaha dulot ng malalakas na ulan o di kaya ng bagyo at tagtuyot na maari namang magdulot ng pagkakasakit o pagkamatay. Kapag tumaas din ang temperatura ng mundo dahil sa climate change maari makaranas ang mga tao ng pagkakasakit tulad ng dengue, malnutrisyon at iba pa. Ayon naman sa pag-aaral may dalawang sanhi ang climate change una ay dahil sa natural na pagbabago ng klima ng mundo dahil sa sama-samang epekto ng enerhiya mula sa araw , pag-ikot ng mundo at init na nagmumula sa ilalim ng lupa na nagpapataas ng temperatura o init ng hangin ng bumabalot sa mundo. Sa kabilang banda, ang climate change ay maari ding gawa ng tao dahil maaring ang mga gawain ng mga tao ang nagdudulot ng pagdami o pagtaas ng carbon dioxide mula sa mga sasakyang gumagamit ng gasolina na nagdudulot ng masamang hangin o di kaya pagputol ng mga puno na nagdudulot naman ng pagbaha. Ang aking mga nabanggit ay ilan lamang sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng climate change o pagbabago ng klima sa mundo. Bilang isa mamamayan, mahalagang pangalagaan naten ang ating kapaligiran at iwasan ang mga gawaing maaring magdulot saten ng masama dahil ang mundo kung saan tayo nilikha ng diyos ay ginawa para sa atin upang pakinabangan at alaagan hindi para sirain at pabayaan. 

 

Credits

Araling Panlipunan 10:

YUNIT I. Mga Isyung Pangkapaligiran at Pang-ekonomiya

Climate Change ( Aspektong Politikal, Pang-Ekonomiya at Panlipunan)

https://www.slideshare.net/hanibal258/araling-panlipunan-grade-10-q1-76…

 

Teacher Page

Ang webquest na ito ay nilikha ni Vanessa S. Quejada, mag-aaral sa College of Sciences Technology and Communications Inc. Sariaya Quezon, para sa assignaturang Technology for Teaching and Learning 2 (TTL 2)