IMPORMAL NA SEKTOR

Introduction

Ano ang IMPORMAL NA SEKTOR?

Ang impormal na sektor o kilala rin sa tawag na Underground Economy ay ang sektor ng ekonomiya na salat o walang pormal na dokumentong kailangan sa pagsasagawa ng mga gawaing pang-ekonomiya. Ang impormal na sektor ay paraan ng mga mamamayan upang magkaroon ng kabuhayan o dagdag na kita sa panahon ng pangangailangan o kagipitan. Ang kawalan ng sapat na hanapbuhay at kahirapan ang nagtutulak sa tao upang pumasok sa ganitong uri ng sitwasyon. Ang paglaganap nito ay isang global phenomenon. Gayunpaman, hindi maikakaila ang kontribusyon nito sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa, partikular na sa pagbibigay ng empleyo o hanapbuhay sa mamamayan. Bukod dito, ang kita ng impormal na sektor ay hindi naisasama sa kabuuang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa.

Sa inilahad na economic development model ni W. Arthur Lewis sinasabing nagmula ang paggamit ng konsepto ng impormal na sektor at inilarawan niya ito bilang uri ng hanapbuhay na kabilang sa mga bansang papaunlad pa lamang (developing countries).

 

IBA’T IBANG ANYO NG IMPORMAL NA SEKTOR

  • Gawaing maaaring isakatuparan sa loob lamang ng tahanan.
  • Gawaing pansibiko, kawanggawa, at pangrelihiyon.
  • Mga sari-sari store, pagtitinda sa sidewalk, paglalako ng kalakal at serbisyo.
  • Iligal na gawain tulad ng pagnanakaw, piracy, at prostitusyon.

 

KAHALAGAHAN NG IMPORMAL NA SEKTOR

1. Sinasalo nito ang mga mamamayan na hindi makapasok bilang mga regular na empleyado sa isang kompanya.

2. Nagbibigay ng pagkakataon sa maraming Pilipino na makapaghanapbuhay.

3. Nagsisilbi itong tagasalo ng mga mamamayang may mahigpit na pangangailangan.

4. Malaki ang naitutulong sa mga konsyumer ng mga kalakal at serbisyong mula sa impormal na sektor dahil sa mura nitong halaga.

 

Task

Pangkatang Gawain

Panuto: Ang klase ay hahatiin sa dalawang grupo at bawat grupo ay gagawa ng isang presentasyon na nakabatay sa paksang ibibigay ng guro. Ang presentasyon ay maaaring gawin bilang graphic organizer, video presentation, powerpoint presentation, blog, vlog, at iba pang paraan na lilinang sa inyong pagkamalikhain.

Unang Pangkat

Paksa: Dahilan ng Impormal na Sektor

Gabay na tanong: Bakit pumapasok sa impormal na sektor ang karamihan ng mamamayan?

 

Pangalawang Pangkat

Paksa: Epekto ng Impormal na Sektor sa Ekonomiya.

Gabay na tanong: Anu-ano ang epekto ng impormal na sektor sa ekonomiya ng bansa?

 

Narito ang pamantayan sa paggawa ng nasabing gawain.

         Criteria

                             3

                                2

                              1

     Nilalaman

Maraming ideya ang makukuha at lahat ay may kaugnayan sa paksa.

May ilang ideya na makukuha at lahat ay may kaugnayan sa paksa.

May ilang ideya na makukuha ngunit hindi lahat ay may kaugnayan sa paksa.

   Presentasyon

Gumamit ng pagkamalikhain sa napakahusay na paraan.

Gumamit ng pagkamalikhain sa mahusay na paraan.

Katamtaman lamang ng pagiging malikhain ang ipinamalas.

   Organisasyon ng Ideya

Malinaw ang pagkakasunod-sunod at madaling maunawaan.

Mapapansin ang pagkakasunod-sunod ng ideya ngunit di madaling unawain.

Walang pagkakasunod-sunod at hindi nauunawaan.

Process

Narito ang isang maiksing video para mas maunawaan ang konsepto ng Impormal na Sektor. (Panuorin mula 0:00 hanggang 8:00)

https://www.youtube.com/watch?v=WiV6dJXaBE0

 

At para mas bigyang linaw ang ginawang aktibiti, narito ang ilan pang impormasyon tungkol sa dahilan at epekto ng impormal na sektor sa ekonomiya.

 

DAHILAN NG IMPORMAL NA SEKTOR

  • Makaligtas sa pagbabayad ng buwis sa pamahalaan.
  • Makaiwas sa masyadong mahaba at masalimuot na proseso ng pakikipagtransaksyon sa pamahalaan (bureaucratic red tape).
  • Kawalan ng regulasyon sa pamahalaan kung saan ang mga batas at programa ay hindi naipapatupad ng maayos.
  • Makapaghanapbuhay nang hindi nangangailangan ng malaking kapital o puhunan.
  • Malabanan ang matinding kahirapan.

 

EPEKTO NG IMPORMAL NA SEKTOR SA EKONOMIYA

  • Pagbaba ng halaga ng nalilikom na buwis – Ito ay nangangahulugan ng malaking pagbawas sa kabuuang koleksyon o maaaring kitain ng pamahalaan sa pangongolekta ng buwis.
  • Banta sa kapakanan ng mga mamimili – Ang mga mamimiling tumatangkilik ditto ay maaaring mapahamak, maabuso, o mapagsamantalahan.
  • Paglaganp ng mga iligal na gawain – Dahil sa kagustuhan na kumita nang mabilisan, ang mga tao ay nauudyok na pumasok sa mga iligal na gawain o labag sa batas. 

 

Evaluation

Pagtataya

Panuto. Ibigay ang hinihingi sa bawat pahayag.

  1. Ito ay bahagi ng ekonomiya na kilala sa tawag na underground economy.
  2. Ito ang tawag sa mahaba at masalimuot na proseso ng pakikipagtransaksyon sa pamahalaan.
  3. Ito ang pinagmumulan ng pondo ng pamahalaan upang makapagsagawa ng mga programa at proyektong panlipunan.
  4. Hindi naisasama ang kita ng impormal na sektor dito.
  5. Sa inilahad niyang economic development model sinasabing nagmula ang paggamit ng konsepto ng impormal na sektor.
Conclusion

Magsusulat ang mga mag-aaral ng kanilang nararamdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod na pahayag nang hindi bababa sa limang pangungusap.

 

Naunawaan ko na __________________.

 

Nabatid ko na _______________________.

Credits
Teacher Page

This webquest was created by Mr. Jaymar A. Reyes also known as "Mayor", a 4th year college student of College of Sciences, Technology and Communications, Inc. taking up Bachelor of Secondary Education Major in Social Studies.