MGA ORGANISASYON NG NEGOSYO

Introduction

Gamit ang Mentimeter, sagutin kung ano iyong ideya sa salitang "NEGOSYO"

Task

LAYUNIN

            Pagkatapos ng aralin, bilang isang mag-aaral ikaw ay inaasahang nakakapaglahad at nasusuri ang tungkulin ng ibat-ibang uri ng organisasyon sa negosyo, nasukat ang nalalaman patungkol sa ibat ibang uri ng organisasyon sa negosyo at napapahalagahan ang uri ng organisasyon ng negosyo sa lipunan. 

Process

AKTIBITI 

Panoorin natin ang video na nakahanda. 

https://www.youtube.com/watch?v=L2yz8C3IxA0

Aktibiti 1

Bawat grupo ay may naka atas na uri ng organisasyon ng negosyo na ipapaliwanag. Ipepresenta ang nakahandang sagot sa mga tanong sa ibaba. 

Unang Grupo - Sole Propertorship

Pangalawang Grupo - Partnership 

Pangatlong Grupo - Cooperation

Pang-apat na Grupo - Cooperative

Ito ang mga sumusunod na tanong:

1. Ipaliwanag ang uri ng organisasyon ng negosyo naka atas sa inyo?  

2.  Ano ang kahina at kalakasan nito bilang isang uri ng organisasyon ng negosyo?

 

     Pamantayan                   4                             3                   2                1
Pagtalakay sa Paksa
  • Ang pagtatalakay ay maayos at organisado.
  • Ang pagtatalakay ay nagtataglay ng pagiging lohikal, malinaw at organisado.
  • Ang mga nakikinig ay nakakasunod sa paksa ng nagsasalita. Nakakasagot sa mga tanong na binabato ng kaklase.
  • Ang pagtatalakay ay maayos at organisado.
  • Ang ibang punto sa pagtatalakay ay nakakalito. Hindi din naipaliwanag ng maaayos.
  • Ang mga nakikinig ay nakakasunod sa paksa ng pagsasalita.
  • Ang ibang punto ay hindi malinaw.
  • Ang kaayusan ng nilalaman ay hindi organisado.
Paulit ulit ang punto ng nagsasalita. Walang pagkakaisa ang mga punto na ginagamit.
Estilo ng Pagatatalakay
  • Ang ginamit na estilo ay kakaiba at natatangi.
  • Ang estilo ay pinaghandaan na kitang kita ang kumpyansa sa sarili sa paraaan ng pagsasalita
  • Ang  nagsasalita ay may angkop na laksa ng boses at nakikita na nabibigay ng pansain/ interes ang mga nakikinig.
  • Ang nagsasalita ay kinakakitaan ng maaayos kahit medyo kinakabahan.
  • Ang ginagamit na estilo ay hindi napukaw ang interes ng nakikinig.
  • Ang boses ng nagtatalakay ay hindi sapat upang marinig at maayos na maiparating ang nais puntuhin.
  • Kapansin pansin ang kakulangan sa kahandaan ng nagtatalakay. Kitang kita ito sa kumpyansa nya sa sarili.
  • Paulit ulit ng nagwa at hindi nabago sa mga nakikinig.
  • Kapuna-puna na malabis na kabado na siyang nagging balakid sa epektibong paghatid ng impormasyon
Kaangkupan ng Ideyang ginamit.
  • Sapat , wasto, konkreto at makabuluhan ang impormasyon.
  • Wasto ang mga salitang ginamit at angkop upang mai[paliwanag ng maayos.
  • Sapat at wasto ang ginamit na impormasyon. Maliban sa kaunting kalituhan upang maipaliwanag ng maayos.
  • Angkop ang salitang ginamit ngunit hindi sapat ang impormasyong itinuro.
Ang inihandang mga impormasyon ay hindi sapat kulang para sa pagka-unawa ng mga nakikinig
Ginamit na Biswal
  • Ang ginamit na Biswal ay akma at nagagamit ng maayos sa pagtatalakay.
  • Ang Biswal na ginagamit ay kaaaya-ayang tignan. Nababasa  ang mga letra at napalutang ang gusting ipunto at organisado ang nakalagay sa Biswal.
  • Ang ginamit na Biswal ay akma at nagagamit ng maayos sa pagtatalakay.
  • Ang ginamit na laki ng letera ay medyo maliit
  • Ang ginagamit na Biswal ay hindi akma sa paksa.
  • Ang mga letra o pangungusap ay hindi mabsa.
Walang kahandaan at hindi akma ang Biswal na ginamit.

 

Legend:        4.00- 95      

  2.00- 85

                      3.00- 90

1.00 - 80%

 

Evaluation

AKTIBITI

Aktibiti 1: "SOCRATES YARN " 

Gamit ang Wheel of Names, pipili ang website na ito ng magtatanong at sasagot na mag-aaral kung anong uri ng organisasyon ang nakapahayag sa kolumn.

                                                                                      Katangian
1. Isang organisasyon na binubuo ng dalawa o higit pang indibidwal na sumasang-ayon na paghahatian ang mga kita at pagkalugi ng negosyo.
2. Layunin nito na makapagbigay ng mga produkto at serbisyo sa mga kasapi sa pinakamababang halaga. 
3. Pag-aari at pinamamahalaan ng iisang tao.
4.Bahagi ng tubo ng organisasyong ito ay ipinamamahagi sa mga stockholder.
5. Binubuo ng hindi bababa sa 15 tao at pinagtitipon-tipon ang kanilang pondo upang makapagsimula ng negosyo.

 

Aktibiti 2: ESSAY

Sagutan ang mga sumusunod na tanong ng 5-10 na pangngusap. Ilagay sa Microsof Word/ WPS ang iyong mga kasagutan. 

1. Mahalaga ba sa ekonomiya ng isang lipunan ang ibat ibang uri ng organisasyon sa negosyo?

2. Kung ikaw ay magnenegosyo, saan gusto mong makabilang na uri ng organisasyon sa negosyo? Paano mo ito mapapahalagahan?

 

Aktibiti 3: TAKDANG ARALIN

Gumawa ng Business Plan. Gamitin ang kolumn bilang gabay sa mangalap ng tugon o impormasyon. 

Mga Nakapaloob sa Business Plan  Tugon/Impormasyon 
1. Hangarin o misyon ng negosyo.  
2. Ang pagkakaiba ng iyong negosyo sa ibang negosyo.  
3. Magiging kliyente (Target MArket)  
4. MAgiging mga karibal o kakompitasyon  
5. Uri ng produkto o serbisyo na ibenebenta.  
6. Mga pamamaraan o estratehiyang gagamitin sa pagbebenta.  
7. Panggagalingan ng puhunan at papaano ito gagamitin.  
8. Inaasahang kikitain sa loob ng 1 hanggang 3 taon.   

 

Conclusion

          Ang negosyo ay tumutukoy sa anumang gawaing pang-ekonomiya na may layuning kumita o tumubo. May apat na pangkalahatang uri ng organisasyon ng negosyo. Ang mga ito ay ang sole propertorship, partnership, corporation at cooperative na lubos na nakakatulong sa mamamayan at ekonomiya ng isang lipunan.

Dagdag na kaalaman patungkol sa aralin: 

Lazaro L.(2015). Mga Organisasyon ng Negosyo. Ekonomiks. Retrieved from https://apekonomiks.wordpress.com/2015/03/11/mga-organisasyon-sa-negosyo/

Credits

MGA SANGGUNIAN

Dr. Jose Camacho et.al (2015). Mga organisasyon ng negosyo. Ekonomiks, 87-90. 

Ervin J. (2015). Rubriks sa Pasalitang Pag-uulat. Scribd. Retrieved from https://www.slideshare.net/JohnErvin4/rubriks-sa-pasalitang-paguulat

Lazaro L.(2015). Mga Organisasyon ng Negosyo. Ekonomiks. Retrieved from https://apekonomiks.wordpress.com/2015/03/11/mga-organisasyon-sa-negosyo/

Tech Tech (2020). Mga Organisasyon ng Negosyo. Youtube. Retrieved from https://www.youtube.com/watch?v=L2yz8C3IxA0

Teacher Page

Ang webquest na ito ay nilika ni Lean May Herrera Rocha, mag-aaral sa College of Sciences Technology and Communication Inc, (CSTC) Sariaya Quezon, para sa asignaturang Technology for Teaching and Learning 2.