SANAYSAY

Introduction

Ano ang Sanaysay?

Sanaysay ang tawag sa isang sulatin na naglalayong magpahayag, magpaliwanag, at magsalaysay ng mga pananaw o kaalaman. Ang isang sanaysay ay naiiba sa ibang uri ng sulatin dahil nakatuon ito sa iisang paksa at diwa lamang.

Ang kabuuan ng sulatin, gaano man kahaba, ay iisa lamang ang paksa nito. Tinatawag itong ‘essay’ sa English na mayroon ding sistematikong paraan ng pagpapahayag ng mga pananaw o kalaaman. Karaniwang mayroon itong simula, katawan, at wakas na nagiging dahilan upang maging mabisa ang pagpapahayag ng damdamin ng sumusulat.

Nahahati sa dalawang uri ang mga sanaysay—ang pormal at di pormal. Ang isang pormal na sulatin o sanaysay ay gumagamit ng mga salitang matatalino pakinggan, katulad ng mga matatalinhagang salita at tayutay.

Sinusunod rin nito ang wastong anyo o ayos ng pagkakasulat ng sanaysay na mayroong simula, katawan, at wakas. Marami ring kaalaman ang mapupulot dito dahil nilalahukan ito ng mga mahahalaga at berepikadong impormasyon.

Ang di pormal na sanaysay naman ay mas maraming opinyon o kuro-kuro kaysa sa mga siguradong kaalaman. Tinataglay din nito ang mga sulating nakaayon lamang sa obserbasyon patungkol sa isyu.

Maaari ding gumamit ng mga balbal na salita sa pagpapahayag ng damdamin sa sanaysay. Nakatuon din ang di pormal na sanaysay sa karanasan ng may-akda sa iba’t ibang pangyayari.

 

https://youtu.be/_QCtRKO2XG4

 

Task

Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang makasusulat ng isang pormal na uri ng sanaysay. Malaya silang makakapamili ng nais nilang maging paksa ng kanilang sanaysay.

Process

Mga Elemento ng Sanaysay

  1. Tema at Nilalaman - Anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing na paksa dahil sa layunin sa pagkakasulat nito at kaisipang ibinahagi. 
  2. Wika at Istilo - Ang uri at antas ng wika at istilo ng pagkakagamit nito ay nakaaapekto rin sa pagkaunawa ng mambabasa, higit na mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na mga pahayag.
  3. Anyo at Konstruksyon - Ito ay isang mahalagang sangkap sapagkat nakaaapekto ito sa pag-unawa ng mga mambabasa, ang maayos na pagkakasunud-sunod ng ideya o pangyayari ay makatutulong sa mambabasa sa pagkaunawa sa sanaysay.

 

See the source image

 

Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sanaysay

  1. Tema - Basahing mabuti ang tema, pokus o topic ng sanaysay na hinihingi ng pagsusulit. Ito ba ay tungkol sa iyong sarili, opinyon o puna, isang paglalarawan, reaksyon sa isang nabasa atbp.
  2. Pamagat - Dapat ay may kinalaman ito sa tema ng isusulat: hindi dapat napakahaba, iwasan ang pamagat na patanong at kailangang nakakapukaw ng kalooban.
  3. Talata - Isang punto o diwa, isang talata. Huwag pagsama-samahin sa iisang talata o paragraph ang mga isusulat. Ang mga talata ay dapat magkakaugnay. Iwasan din ang masyadong mahabang talata na paulit-ulit naman ang laman.
  4. Punto - Dapat malinaw ang iyong punto o thesis sentence. Ano ba ang gusto mong palabasin? Iakma rito ang iyong mga sasabihin.
  5. Balangkas - Maihahalintulad ito sa plano ng isang bahay bago gawin ito ng mga inhenyero, sa kawayan o sticks na nagpapatibay sa isang sarangola, o sa isang mapa na ginagamit ng mga manlalayag.
  6. Nilalaman - Ang sanaysay ay karaniwang may panimulang talata, katawan at wakas o konklusyon. Sa body o  katawan ng sanaysay, ang maliliit na detalye ng punto at ag paglalarawan o masusing pagbusisi ng maliliit na detalye.
  7. Tono - Tiyakin ang tono ng iyong isusulat. Ito ba ay nasa unang katauhan (ako)? Ikaw ba ay isang magulang, pulitiko, guro? Ito ay mahalaga upang maipaliwanag mo ng mahusay ang inyong punto de vista (point of view).
  8. Tamang Gramatika at Mga Pananda - Mas malaki ang puntos kung tama ang grammmar o gramatika ng sanaysay. Dapat ay wasto ang mga pananda (tuldok, kuwit, pananong, atbp.).
  9. Tapusin ang Sanaysay - Huwag ibitin ang mga mambabasa. Dapat itong may konklusyon o wakas.

Mga Bahagi ng Sanaysay

  1. Simula / Panimula – Ito ang pinakamahalaga na bahagi dahil dito ang inaasahan kung ipagpatuloy ng mambabasa sa kanyang binabasang sulatin. Dapat makuha ng akda ang atensyon at damdamin ng mambabasa.
  2. Gitna / Katawan – Dito naman sa bahaging ito mababasa ang mga mahalagang puntos o idea ukol sa paksang pinili at sinulat ng may-akda. Dito rin natin malalaman ang buong puntos dahil ipinapaliwanag ng maayos at mabuti ang paksang pinag-uusapan o binibigyang pansin.
  3. Wakas – Sa bahaging ito isinasara ng akda ang paksang nagaganap sa gitna o katawan ng isinulat niya. Dito tin naghahamon ang akda sa mga isip ng mga mambabasa na maisakatuparan ang mga isyung tinatalakayan niya.

 

Ito ang halimbawa ng pormal at di-pormal na sanaysay.

 

Pormal 

https://imgv2-1-f.scribdassets.com/img/document/238528446/original/6827a76497/1464729239

Di-pormal

https://imgv2-2-f.scribdassets.com/img/document/390768378/original/c27a104cad/1577274873?v=1

 

Evaluation

Alamin Natin:

1. Ano ang kahalagahan ng sanaysay?

2. Ano ang mga bahagi ng sanaysay?

3. Sa iyong palagay, bakit mahalagang mapag-aralan at malinang ang kakayahan sa pagsulat ng sanaysay?

4. Isa-isahin ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng sanaysay.

Credits
Teacher Page

This WebQuest was created by Kaye Ann G. Hernandez for Technology for Teaching and Learning 2.