PAGKONSUMO

Introduction

Ano ang kahulugan ng Pagkonsumo?

Ayon nga kay Adam Smith sa kaniyang aklat na “An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations”, ang pangunahing layunin ng produksiyon ay ang pagkonsumo ng mga tao na kung saan ang pagbili ng produkto at serbisyo ay nangangahulugan ng pagtatamo sa kapakinabangan mula rito bilang tugon sa pangangailangan at kagustuhan ng tao at upang matamo ng tao ang kasiyahan. Ang lahat ng tao ay konsyumer. Mula pagkabata, hanggang sa pagtanda. Habang patuloy na nabubuhay ang tao ay patuloy pa rin siya sa pagkonsumo.

 

Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo

May iba’t ibang salik na nakaaapekto sa pagkonsumo ng isang tao. Ang pagkakaiba-iba ng kanilang katangian ang dahilan kung bakit nagkakaiba-iba ang paraan at dahilan ng kanilang pagkonsumo. Sa ibaba ay mababasa ang ilan sa mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo ng isang tao.

1. Pagbabago ng presyo – may pagkakataon na nagiging motibasyon ang presyo ng produkto o serbisyo sa pagkonsumo ng isang tao. Kalimitan, mas mataas ang pagkonsumo kung mababa ang presyo samantalang mababa ang pagkonsumo kapag mataas ang presyo. Kadalasan, mas tinatangkilik ng mga mamimili ang produkto o serbisyo kapag mura dahil mas marami silang mabibili. Samantala, kaunti naman ang kanilang binibili kung mataas ang presyo nito.

2. Kita - nagdidikta sa paraan ng pagkonsumo ng isang tao. Ayon kay John Maynard Keynes, isang ekonomistang British, sa kanyang aklat na The General Theory of Employment, Interest, and Money na inilathala noong 1936, malaki ang kaugnayan ng kita ng tao sa kanyang pagkonsumo. Ayon sa kaniya, habang lumalaki ang kita ng tao ay lumalaki rin ang kaniyang kakayahan na kumonsumo ng mga produkto at serbisyo. Sa kabilang banda, ang pagbaba ng kita ay nangangahulugan ng pagbaba ng kakayahang kumonsumo. Kaya naman, mapapansin na mas maraming pinamimili ang mga taong may malalaking kita kung ihahambing sa mga taong may mababang kita lamang.

3. Mga Inaasahan - ang mga inaasahang mangyayari sa hinaharap ay nakaaapekto sa pagkonsumo sa kasalukuyan. Halimbawa, kung inaasahan ng mga tao na magkakaroon ng kakulangan sa supply ng produkto dahil sa kalamidad, tataas ang pagkonsumo nito sa kasalukuyang panahon bilang paghahanda sa pangangailangan sa hinaharap. Gayundin naman kapag may banta ng kaguluhan sa isang lugar o may inaasahang pagkakagastusan sa hinaharap. Ang mga tao ay pinipilit na huwag munang gastusin ang salapi at binabawasan ang pagkonsumo upang mapaghandaan ang mangyayari sa mga susunod na araw o panahon. Kung positibo o maganda naman ang pananaw sa hinaharap, maaga pa sa inaasahan ay tumataas na ang pagkonsumo kahit hindi pa natatanggap ang inaasahang salapi tulad ng pagtanggap ng bonus at iba pang insentibo.

4. Pagkakautang – kapag maraming utang na dapat bayaran ang isang tao, maaaring maglaan siya ng bahagi ng kaniyang salapi upang ipambayad dito. Ito ay magdudulot ng pagbaba sa kaniyang pagkonsumo dahil nabawasan ang kaniyang kakayahan na makabili ng produkto o serbisyo. Tataas naman ang kakayahan niyang kumonsumo kapag kaunti na lamang ang binabayaran niyang utang.

5. Demonstration Effect – madaling maimpluwensiyahan ang tao ng mga anunsiyo sa radyo, telebisyon, pahayagan, at maging sa internet at iba pang social media. Ginagaya ng mga tao ang kanilang nakikita, naririnig, at napapanood sa iba’t ibang uri ng media kaya naman tumataas ang pagkonsumo dahil sa nasabing salik. Ang mga taong hindi naman naiimpluwensiyahan ng nabanggit ay may mababang pagkonsumo lalo na sa mga bagay na uso at napapanahon lamang.

Upang mas lalong maintindihan ang mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo, tingnan ang bidyo na nasa bababa at panuodin, kasama nito ay ang mga halimbawa na bawat salik:

 

https://www.youtube.com/watch?v=cXtRBC1SzBM

 

Mga Pamantayan sa Matalinong Pamimili

Nais ng lahat na maging matalinong mamimili dahil ibig sabihin nito ay nasusulit natin ang bawat sentimong ating ginagastos para sa bawat produkto.

1. Mapanuri

  • sinusuri ang produktong bibilhin
  • tinitingnan ang sangkap, presyo, timbang, pagkakagawa
  • inihahambing ang mga produkto sa isa't isa upang makita nang mas mabuti at mapili ang produktong sulit sa ibabayad

2. May Alternatibo o Pamalit

  • may mga panahon walang sapat na pera ang mamimili
  • maaari ding nagbago ang kalidad ng produkto dati nang binibili
  • ang matalinong pamimili marunong kang humanap ng pamalit o panghalili na makatutugon din sa pangangailangang tinutugunan ng produktong dating binibili

3. Hindi Nagpapadaya

  • may mga pagkakataon na ang mamimili ay mapapatapat sa isang tindero o tinderang may hindi magandang hangarin
  • ang matalinong mamimili ay laging handa, alerto, at mapagmasid sa mga maling gawain lalo na sa pagsusukli at paggamit ng timbangan

4. Makatwiran

  • lahat ng konsyumer ay nakararanas ng kakulangan sa salapi o limitadong badyet
  • kaya sa pagpili ng isang produkto ay isinasaalang-alang ang presyo at kalidad nito
  • makatwiran ang konsyumer kapag inuuna ang mga bagay na mahalaga kompara sa mga luho lamang

5. Sumusunod sa Badyet

  • tinitimbang niya ang mga bagay- bagay ayon sa kaniyang badyet
  • hindi nagpapadala sa popularidad ng produkto na may mataas na presyo upang matiyak na magiging sapat ang kaniyang salapi sa kaniyang mga pangangailangan

6. Hindi Nagpapanic-buying

  • ang artipisyal na kakulangan na bunga ng pagtatago ng mga produkto (hoarding) ng mga nagtitinda upang mapataas ang presyo ay hindi ikinababahala ng isang matalinong konsyumer dahil alam niyang ang pagpapanic- buying ay lalo lamang magpapalala ng sitwasyon

7. Hindi Nagpapadala sa Anunsiyo

  • ang pag-endorso ng produkto ng mga artista ay hindi nakapagbabago sa pagkonsumo ng isang matalinong konsyumer
  • ang kalidad ng produkto ang tinitingnan at hindi ang paraan

 

Para sa karagdagang kaalaman at halimbawa, maaari panuodin ang bidyo na nasa baba:

https://www.youtube.com/watch?v=7DDmCEVG8ww

 

Mga Karapatan ng mga Mamimili

1. Karapatan sa mga Pangunahing Pangangailangan

May karapatan sa sapat na pagkain, pananamit, masisilungan, pangangalagang pangkalusugan, edukasyon at kalinisan upang mabuhay.

2. Karapatan sa Kaligtasan

May karapatang bigyan ng katiyakang ligtas at mapapangalagaan ka laban sa pangangalakal ng mga panindang makakasama o mapanganib sa iyong kalusugan.

3. Karapatan sa Patalastasan

May karapatang mapangalagaan laban sa mapanlinlang, madaya, at mapanligaw na patalastas, mga etiketa at iba pang hindi wasto at hindi tapat na gawain. Ito ay kailangang malaman ng mga mamimili upang maiwasan ang pagsasamantala ng iba.

4. Karapatang Pumili

May karapatang pumili ng iba't ibang produkto at paglilingkod sa halagang kaya mo. Kung ito ay monopolisado ng pribadong kompanya man, dapat magkaroon ka ng katiyakan sa kasiya-siyang uri at halaga ng produkto nila.

5. Karapatang Dinggin

May karapatang makatiyak na ang kapakanan ng mamimili ay lubusang isaalang-alang sa paggawa at pagpapatupad ng anumang patakaran ng pamahalaan

6. Karapatang Bayaran at Tumbasan sa Ano Mang Kapinsalaan

May karapatang bayaran at tumbasan sa ano mang kapinsalaan na nagbuhat sa produkto na binili mo. May karapatan kang mabayaran sa ano mang kasinungalingan o mababang uri ng paninda o paglilingkod na ibibigay o ipinagbibili kahit na ito ay sa pagkakamali, kapabayaan o masamang hangarin. Dapat na magkaroon ka ng walang bayad na tulong sa pagtatanggol sa hukuman o nang pag-aayos sa paghahabol.

7. Karapatan sa Pagtuturo Tungkol sa Pagiging Matalinong Mamimili

May karapatan sa consumer education, nagtatanong at nagtatanggol sa iyong karapatan. Ito ay nagtataglay ng karapatan sa katalinuhan at kaalaman na kinakailangan upang makagawa ng hakbanging makatutulong sa mga desisyong pangmamimili.

8. Karapatan sa Isang Malinis na Kapaligiran

May karapatan sa kalayaan, pagkakapantay-pantay at sapat na mga kalagayan sa buhay na nagbibigay pahintulot sa isang marangal at maayos na pagkatao at ikaw ay may malaking pananagutan na pangalagaan at pagbutihin ang iyong kapaligiran para sa kalusugan at kinabukasan ng ating saling lahi.

 

Kung ikaw ay naguguluhan pa, maaari mong panuodin ang bidyo na nasa baba upang makapagpalinaw ng iyong isipan sa talakayan:

https://www.youtube.com/watch?v=x1LduP0bvEg

 

Task

Gawain I. Ano ang Kaalaman ko?

Ngayon bago magsimula ang ating talakayan, mayroon muna kayong gagawin na pangkatang gawain na kung saan ay maipapapahayag ninyo ang inyong nalalaman sa mamayang aralin. Pumunta sa Google Jamboard upang mailagay ang inyong nalalaman sa susunod na tatalakayin ngayon araw at ito ay ang pagkonsumo. Kung hindi pa nakakagamit ng Google Jumpboard, maaaring panoorin ang video na nasa baba:

https://www.youtube.com/watch?v=YtF1pBD6eio

 

Process

Ngayon alam ninyo na ang gagawin, igugrupo ko na kayo sa tatlo. Bibigyan ko din kayo, bawat grupo, ng mga gabay na tanong o frequently asked questions na kung saan ay dito nyo malalaman kung ano ba talaga ang dapat makita ng ating mga mata sa gagawin ninyong aktididad. Maaari ninyo itong sagutan sa Google Jamboard, bawat isang grupo ay mayroong isang page na sasagutan. Mayroon kayong 20 minuto para gawin ang inyong aktibidad na ito.

Pangkat 1

          Saklaw: Mga Salik na nakakaapekto sa pagkonsumo

          Frequently Asked Questions:

                    1. Ano-ano ang mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo?

                    2. Paano ito nakakaapekto sa pang-araw-araw na pagkonsumo?

 

Pangkat 2

          Saklaw: Mga Pamantayan ng Matatalinong Mamimili

          Frequently Asked Questions:

                    1. Ano-ano ang mga pamantayan ng matatalinong mamimili?

                    2. Magbigay ng tigdalawa na halimbawa sa bawat pamantayan na inyong nahanap.

 

Pangkat 3

          Saklaw: Mga Karapatan ng Mamimili

          Frequently Asked Questions:

                    1. Ano-ano ang mga karapatan ng mamimili sa pagkonsumo?

                    2. Paano ito nakakatulong sa pagkonsumo ng isang konsyumer?



 

Sa paggawa ng inyong aktibidad, may mga criterion na pwede nyong pagbatayan upang mas umayon ang inyong ginawa sa resulta ng aktibidad. Narito ang Rubrics na gagabay sa paggawa ng inyong aktibdad.

Mga Krayterya

5

4

3

2

Organisasyon

Mahusay ang pagkakasunod-sunod ng mga  ideya sa kabuuan ng talata. 

Maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya sa kabuuan ng talata.

Mayroong bahagi na maayos ang ideya at may ibang bahagi na hindi maayos.

Hindi maayos ang organisasyon ng mga ideya na nakalagay sa talata.

Estilo

Hindi maayos ang organisasyon ng mga ideya na nakalagay sa talata.

Nakasusulat ng isang maayos na saloobin ukol sa isyu.

Mayroong bahagi na maayos ang pagkakasulat ng mga saloobin ukol sa isyu at mayroon din na hindi.

Hindi nakasusulat ng saloobin ukol sa isyu.

Presentasyon

Malinis at maayos ang pagpapahayag ng talatang isinulat ukol sa isyu.

Malinis ngunit hindi maayos ang pagpapahayag ng talatang isinulat ukol sa isyu.

May kahirapang unawain ang pagpapahayag ng talatang isinulat ukol sa isyu.

Mahirap unawain ang talatang ipinahayag na isinulat ukol sa isyu.

Pamamahala ng Oras

Ginamit ang sapat na oras upang gawin ang aktibidad na ibinigay ng guro. Nakapag-sumite ng gawain kahit hindi pa pinapapasa.

Ginamit ang oras na itinakda sa paggawa at naibigay sa tamang oras.

Naisumite dahil binabantayan ng guro.

Hindi handa ang gawain at hindi natapos sa takdang oras na ibinigay.

 

 

MGA POSIBLENG SANGGUNIAN NA MAPAGKUKUNAN NG KAALAMAN:

 

Pangkat 1. 

Mga Salik na nakakaapekto sa pagkonsumo

https://www.youtube.com/watch?v=cXtRBC1SzBM

 

Pangkat 2. Mga Pamantayan ng Matatalinong Mamimili

https://www.youtube.com/watch?v=7DDmCEVG8ww

 

Pangkat 3. Mga Karapatan ng Mamimili

https://www.youtube.com/watch?v=x1LduP0bvEg

 

Maaaring humanap pa ng ibang sanggunian kung kayo ay nakukulangan pa sa mga ibinigay na impormasyon. Palagi lamang pong pakatatandaan na huwag tayo basta-basta kumuha ng impormasyon na hindi natin ikine-credit sa mismong may ari ng inyong pinagkunan.

 

Evaluation

Gawain II. Linangin ko Isip mo!

Sa paglilinang ng kaaalaman na natutunan, maaaring pindutin ang link na nasa ilalim upang hasain ang inyong mga kaalaman:

 

Link for quizzes

                       Unang Maikling Pagsusulit

                       Pangalawang Maikling Pagsusulit

                       Pangatlong Maikling Pagsusulit

 

 

Sa pagsasagot ng pangatlong malikling pagsusulit, kinakailangang gumamit ng cellphone. Basahin ang sampung terminolohiya na nakapaloob. Pagkatapos ay hanapin ang salitang Match upang masimulan na ang pagsusulit. Mayroon itong timer na kung saan ay mag ooras sa inyo habang kayo ay nagsusulit. Narito and legend upang malaman kung kayo ba ay pasado sa pagsusulit.

Sa gabay na puntos na ito, dito ninyo malalaman kung ilan ang nakuha ninyong puntos sa pagsusulit. Mag-upload ng imahe o screenshot na nagpapatunay na ito ang nakuha ninyong oras. I-click ang link na ito para mag-upload.

 

Gawain III. Ano SAY ko?

May natutunan ka nga ba sa tinalakay na aralin? Kung ganon, itoy ating hasain kung paano mo maaaring isabuhay ang iyong natuklasan ang realidad ng buhay. Sa huling bahagi ng aralin na ito, sagutan ang katanungan na binubuo ng apat hanggang anim na pangungusap. 

Pindutin ang Link

 

Narito ang criteria na maghuhusga ng inyong sagot sa sanaysay na inyong ginawa. Maaari kayong bumatay sa gaby na criteria na ito upang tumugma ang inyong gagawing sanaysay at criteria. Mayroon lamang kayong sampung minuto para magsagot.

 

Mga Krayterya

3

2

1

Nilalaman

Ang kalinisan ay nakikita sa sinulat na sanaysay gayundin ang nilalaman ay makabuluhan.

May kaunting bura ang sanaysay na ginawa na maaaring nagbago ang isip ngunit ang nilalaman naman ay makabuluhan.

Walang kabuluhan ang sanaysay na ginawa at hindi malinis.

Organisasyon

Mahusay ang pagkakasunod-sunod ng mga  ideya sa kabuuan ng talata. 

Maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya sa kabuuan ng talata.

Hindi maayos ang organisasyon ng mga ideya na nakalagay sa talata.

Estilo

Hindi maayos ang organisasyon ng mga ideya na nakalagay sa talata.

Mayroong bahagi na maayos ang pagkakasulat ng mga saloobin ukol sa isyu at mayroon din na hindi.

Hindi nakasusulat ng saloobin ukol sa isyu.

Pamamahala ng Oras

Ginamit ang sapat na oras upang gawin ang aktibidad na ibinigay ng guro. Nakapag-sumite ng gawain kahit hindi pa pinapapasa.

Hindi gumawa agad ng aktibidad ngunit nakapagsumite sa takdang oras.

Hindi natapos ang aktibidad na pinagawa kaya’t walang pinasang gawain.

Lalim ng Repleksyon

Napakalalim ng ugnayan ng kaalaman na natutuhan at sa totoong buhay na ipinahayag sa sanaysay

Malalim na nakikita ang ugnayan ng kaalaman na natutuhan at sa totoong buhay na ipinahayag sa sanaysay

Mababaw ang nakitang ugnayan ng kaalaman na natutuhan at sa totoong buhay na ipinahayag sa sanaysay.

 

 

Credits
Teacher Page

This webquest was created by Renz Danna O. Diasanta. 4th Year college students currently taking up Bachelor of Secondary Education Major in Social Studies in College of Sciences, Technology and Communications Inc. I created this webquest as an activity for Technology for Teaching and Learning 2.