KARAPATAN AT TUNGKULIN BILANG ISANG MAMIMILI

Introduction

Ang pagiging isang mamimili o konsyumer ay hindi lamang simpleng pagbili o pagkonsumo ng produkto at serbisyo. Ating pakatatandaan na ito ay palaging may kaakibat na gampanin o tungkulin. Hindi rin mawawala ang mga karapatang ipinagkaloob sa atin ng Konstitusyon ng Pilipinas na hanggang sa ngayon ay tinatamasa natin. At dahil mayroon tayong tinatamasang mga karapatan, nariyan ang mga ahensyang nangangalaga at pumuprotekta sa ating mga karapatan na tinatawag nating consumer protection agencies. Ang mga mag-aaral ay kabilang sa tinatawag na mga mamimili o konsyumer at nararapat lamang na mayroon kayong kaalaman pagdating sa inyong mga tungkuling dapat gampanan, mga karapatang tinatamasa, pati na rin ang mga ahensyang makatutulong sa inyo sa pagprotekta ng inyong mga karapatan.

Task

Tuklasin mo!

Ngayong alam na ninyo ang tatalakayin natin ngayong araw, bibigyan ko kayo ng pangkatang gawain. Kayo ay inaasahang matukoy ang mga natatanging karapatan at tungkulin ng isang mamimili, pati na rin ang mga consumer protection agencies gamit ang Google Jamboard at maipakita ito sa loob ng klase.

Process

Ang mga mag-aaral ay mahahati sa tatlong pangkat. Bawat pangkat ay may nakatalagang paksa na sasaliksikin. Upang malinaw ang tutunguhin ng pananaliksik ng bawat pangkat, bibigyan ko kayo ng mga pamprosesong tanong na kaugnay ng paksang nakatalaga sa inyo. Ito ay ang mga sumusunod:

 

UNANG PANGKAT

Paksa Karapatan ng Mamimili
 Pamprosesong tanong
  1. Anu-ano ang mga karapatang tinatamasa ng isang mamimili?
  2. Sa paanong paraan ito nagagamit sa pang-araw-araw na buhay?

 

IKALAWANG PANGKAT

Paksa Tungkulin ng Mamimili
 Pamprosesong tanong
  1. Anu-ano ang tungkuling ginagampanan ng isang mamimili?
  2. Sa paanong paraan nagagampanan ang mga tungkuling ito?

 

IKATLONG PANGKAT

Paksa Consumer Protection Agencies
 Pamprosesong tanong
  1. Anu-ano ang mga ahensyang nangangal

    aga  at pumuprotekta sa mga mamimili?
  2. Sa paanong paraan ito nakatutulong sa mga mamimili?

 

May kalayaan ang bawat pangkat na gumamit ng iba’t ibang sanggunian sa pananaliksik at pagsagot sa mga natatanging pamprosesong tanong. Sa ibaba makikita ang iba’t ibang sanggunian na maaari ninyong pagkuhaan ng mga datos o impormasyon. Tandaan na sa pagkuha ng impormasyon sa Internet o sa iba pang mga sanggunian ay dapat naaayon sa Intellectual Property Rights upang maiwasan ang tinatawag na plagiarism.

 

MGA POSIBLENG SANGGUNIAN

https://youtu.be/wHgDpZpjnHw

  • Yunit 1 Aralin 5 Pagkonsumo

https://youtu.be/bSN5cruLb_s

 

Matapos ang pananaliksik, pindutin ang link sa ibaba upang dalhin kayo sa Google Jamboard kung saan isasaad ninyo ang lahat ng nakalap ninyong impormasyon. Mayroong nakatalagang pahina ang bawat grupo. Unang pahina ang para sa unang grupo, ikalawang pahina para sa ikalawang grupo, at ikatlong pahina naman para sa ikatlong grupo. 

Kung may kalituhan sa paggamit ng Google Jamboard ay pindutin at panoorin ang video sa ibaba.

https://youtu.be/RfqKmjcSbJg

 

Pagkatapos ninyong pagsama-samahin ang mga nakalap ninyong imporasyon ay dadako na tayo sa presentasyon ng inyong mga output. May tatlo hanggang limang minuto lamang ang bawat pangkat para ipakita at ipaliwanag ang inyong natuklasan. Ang inyong pangkatang gawain ay mamarkahan sa tulong ng rubriks na nasa ibaba.

Pindutin ► Rubriks ng Paggawa

 

Evaluation

Upang alamin ang inyong natutuhan sa ating aralin, magkakaroon tayo ng isang gawain na pamamagatan kong IPASKIL MO! Sa gawaing ito ay magsasagawa tayo ng paglalahat kung saan bawat isa ay inaatasan kong magpaskil sa ating virtual bulletin board ng inyong mga natutuhan mula sa diskusyon natin patungkol sa ating aralin gamit ang educational tool na Padlet. Huwag kalimutang isaad ang inyong pangalan sa huling bahagi ng inyong kasagutan. Pindutin lamang ang link sa ibaba upang maging bahagi ng gawaing ito.

 

Pindutin  ►  https://bit.ly/3EteSzi

Credits

MGA SANGGUNIAN

Cunting, S., Breva, P. A., Musil, M., Fuentes, E., Santillan, N., Cortez, R., Adavan, R., Boladola, J., & Tornandizo, C. (2020). Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 6: Mga Karapatan at Tungkulin bilang Isang Mamimili. Retrieved from https://znnhs.zdnorte.net/wp-content/uploads/2020/11/ArP9_Q1_W8.pdf

Edwards, L. (2020, October). What is padlet and how does it work for teachers and students? Retrieved from https://www.techlearning.com/how-to/what-is-padlet-and-how-does-it-work-for-teachers-and-students

GovPH. (n.d). The intellectual property system: a brief history. Retrieved from https://www.ipophil.gov.ph/news/the-intellectual-property-system-a-brief-history/

Rochester Institute of Technology. (n.d). What is plagiarism? Retrieved from https://www.rit.edu/twc/academicintegrity/what-plagiarism

Union College. (2018). Google jamboard. Retrieved from https://union.teamdynamix.com/TDClient/1831/Portal/KB/ArticleDet?ID=114415

 

Teacher Page

 Ang WebQuest na ito ay linikha ni Cindy D. Labendia, isang mag-aaral ng College of Sciences, Technology, and Communications, Inc. na kasalukuyang nasa ikaapat na taon sa kinukuhang kurso na Bachelor of Secondary Education Major in Social Studies. Ito ay magsisilbing aktibidad sa kanilang asignatura na MJSS 402 o Teaching and Learning Social Studies.