Karapatang Pantao

Introduction

INTRODUCTION

 

Ano nga ba ang karapatang pantao? Bakit kailangan ng tao na magkaroon ng ganitong uri ng karapatan? Paano nga ba naabuso ang mga karapatang ito? Ilan lamang ito sa mga katanungan na madalas naiuugnay kapag naririnig amg katagang "karapatang pantao".

 

Ang mga karapatang pantao ay mga pamantayang moral o kaugalian na naglalarawan ng mga tiyak na pamantayan ng paggawi ng tao at palaging protektado bilang mga karapatang likas at legal sa batas-munisipyo at batas-pandaigdigan. Karaniwang nauunawaan sila bilang mga di-matututulan at pangunahing karapatan "na nararapat matanggap ng isang tao dahil lamang sa pagiging tao niya" at "na likas sa lahat ng mga tao", anuman ang kanilang edad, etnikong pinagmulan, lokasyon, wika, relihiyon, lahi, o anumang iba pang kalagayan. Angkop sila saanman at kailanman sa diwa ng pagiging pansansinukob, at sila ay pantay-pantay sa diwa ng pagiging kasingpantay ito sa lahat.Itinuturing ang mga ito bilang nangangailangan ng empatiya at pamamahala ng batas at nagpapataw ng obligasyon sa mga tao na respetuhin ang mga karapatang panto ng iba, at karaniwang itinuturing na hindi dapat bawiin ang mga ito maliban kung resulta ng nararapat na proseso batay sa mga tiyak na pangyayari; halimbawa, maaaring kabilang sa karapatang pantao ang pagiging malaya sa ilegal na pag-aresto, pagpapahirap, at pagbitay.

 

Bago natin talakayin ang iba't -ibang anyo sa paglabag sa karapatang pantao, ang kadalasang epekto nito sa buhay ng tao, mga halimbawa ng pang-aabuso sa pamayanan, bansa at daigdig, at paano nga ba mapapangalagaan ang mga ito karapatang ito, sagutan muna ang quiz na nasa ibaba.

Task

 

TASK

MAIKLING PAGSUSULIT

Sa puntong ito, kailangan mong sagutan ang maikling katanungan na nasa loob ng link na ito. Matutunan mo ring sumagot sa ilalim ng presyur ng oras. Pindutin lang ang link na nasa loob.

https://create.kahoot.it/share/kahoot-for-formative-assessment/b22edaef-b6ef-4352-9882-400839e2cde9

PANGKATANG GAWAIN

Ang apat na grupo sa loob ng klase ay inaasahang makakagawa ng mini documentary video patungkol sa iba't -ibang anyo sa paglabag sa karapatang pantao, kadalasang epekto nito sa buhay ng tao, mga halimbawa ng pang-aabuso sa pamayanan, bansa at daigdig, at paano nga ba mapapangalagaan ang mga ito karapatang ito.

Sa loob ng 5-7 minuto ay dapat maipahayag at maipaabot nila ang mensahe na nais nila ipakita.

Kanila itong ipopost sa Facebook accounts nila (isang miyembro bawat grupo) na may hashtag na #KarapatangPantaoParaSaLahat.

Sila ay maaring gumamit ng kahit anong app upang mag edit ng kanilang video.

Process

PROCESS

Mga paglabag sa karapatang pantao

https://www.scribd.com/presentation/388653118/Mga-Paglabag-Sa-Karapatan…

 

Mga epekto ng paglabag sa karapatang pantao

https://www.scribd.com/presentation/437784994/Epekto-Ng-Paglabag-Sa-Kar…

 

Mga halimbawa ng paglabag sa karapatang pantao sa bansa at daigdig

https://prezi.com/zptaj11wa_7h/mga-halimbawa-ng-paglabag-sa-karapatang-…

 

Batas sa Pilipinas na nagsusulong sa karapatang pantao

https://www.officialgazette.gov.ph/2013/02/25/batas-republika-blg-10368/

Evaluation

EVALUATION

MAIKLING PAGSUSULIT

Ngayon ay tapos kana sa iyong pagbabasa sa mga konteksto na nasa Process. Sa oras na ito ay alam mo na ang sagot sa maikling pagsusulit na nasa Task. Maari mo itong balikan upang mabigyang linaw ang ilang katanungan dito.

PANGKATANG GAWAIN

Pamantayan sa paggawa ng mini documentary

Kategorya

Porsyento

Kahanga-hanga (4)

Mahusay (3)

Katamtaman (2)

Nangangailangan ng gabay (1)

Nilalaman

40%

Lahat ng hinihinging impormasyon ay naibigay. Komprehensibo at tama ang mga naipresentang datos.

Ang ilan sa hinihinging impormasyon ay naibigay. Komprehensibo at tama ang mga naipresentang ibang datos.

Kaunti lang ang naibigay sa hinihinging impormasyon. Di gaanong komprehensibo at tama ang mga naipresentang datos.

Kulang ang naibigay sa hinihinging impormasyon. Hindi komprehensibo at tama ang mga naipresentang datos.

Organisasyon

30%

Malinis ang transisyon ng mga ideya. Lohikal at maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga ito.

Ilan sa mga transisyon ng mga ideya ay malinis. Lohikal at maayos ang pagkakasunod-sunod ang iba sa mga ito.

Hindi gaanong malinis ang transisyon ng mga ideya. Hindi gaanong lohikal at maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga ito.

Kulang at hindi malinis ang transisyon ng mga ideya. Hindi lohikal at maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga ito.

Sanggunian

15%

Lahat ng mga sanggunian ay binanggit bilang pagkilala. Malakas ang impact ang mga sagguniang napili.

Ilan sa mga sanggunian ay binanggit bilang pagkilala. May impact ang mga sagguniang napili.

Ilan sa mga sanggunian ay binanggit ngunit kulang. May impact ang ibangmga sagguniang napili.

Walang sanggunian ang  nabanggit bilang pagkilala. Walang impact ang mga saggnuniang napili.

Produksiyon

15%

Ang mga ginamit na shots, sound effects, larawan at ibang video ay kahanga-hanga. Mahusay ang transisyon ng bawat senaryo.

Ang ibang mga ginamit na shots, sound effects, larawan at ibang video ay kahanga-hanga. Mahusay ang ibang transisyon ng bawat senaryo.

Hindi gaanong maganda amga ginamit na shots, sound effects, larawan at ibang video. Hindi gaanong malinis ang transisyon ng bawat senaryo.

Ang mga ginamit na shots, sound effects, larawan at ibang video ay kulang at walang kabuhay-buhay. Hindi malinis ang transisyon ng bawat senaryo.

 

Conclusion

 

CONCLUSION

Karapatan ng tao na matugunan ang kanyang mga pangangailangan upang siya aymabuhay nang may dignidad bilang tao. Ang karapatang pantao ay ang mga karapatan na tinatamasa ng tao sa sandaling siyaay isilang. Ang pagkakamit ng tao ng mga pangangailangan niya tulad ng pagkain. Damit,bahay, edukasyon at iba pang pangangailangan ay nangangahulugan na nakakamit niya angkanyang karapatan. Mahalagang malaman natin ang ating karapatan upang matamasa natin ang mgapangunahing pangangailangan natin bilang tao. Sinumang umagaw sa ating mgapangangailangan o kumitil sa ating buhay ngang walang dahilan ay lumabag as ating karapatnbilang tao. Maari tayong dumulog sa hukuman kung sakaling nahahadlangan ang ating karapatan.

Credits

Teacher Page

TEACHER PAGE

NAME: HERMINIGILDO V. GENON JR

PROGRAM: BACHELOR IN SOCIAL STUDIES EDUCATION-III

SCHOOL: PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY-MINDANAO

Kung may katanungan at gustong sabihin, ipadala lamang ang inyong mensahe sa mga impormasyon na nasa ibaba.

EMAIL: genon.hvj@pnu.edu.ph

CONTACT NUMBER: 09565569240

FACEBOOK: https://www.facebook.com/shenmawee