Political Dynasty sa Pilipinas

Introduction

Isyung pulitika: Political Dynasty

 

editorial

-ano ang politikal dynasty?.

        Ang Dinastiyang Politikal ay isang pamilya ng mga Politiko na namamahala sa isang lugar at naipapasa sa kanilang kapamilya ang katungkulang ginagampanan sa pamahalaan. Ayon kay Josefa L. Quirante Radford ang mga bansang Tsina, Hapon, Inglatera at Espanya ay ang ilan sa mga bansang nagsimula ng ideya ng political dynasty.

       Unti – unting sinasakop ng mga dominanteng pamilya ang bawat lugar upang pagharian. Nagsimula ang kontrobirsiyal tungkol sa madilim na gawi ng Dinastiyang Politikal ng naitayo ng mga Amopatuan sa Maguindanao ang ariling Dinastiya. Ang kanilang dinastiyang pampolitika ay naibunyag sa media noong nangyari ang Ampatuan Massacre.

 

 

Task

Pagkatapos ng aralin ang mga mag aaral ay inaasahang :

  • naihahambing ang mga positibo at negatibong epekto ng political dynasty  sa pilipinas sa pamamagitan ng critic paper.
  • nakagagawa ng isang "1 minute essay" tungkol sa katayuan ng mga mag aaral sa konsepto ng political dynasty sa Pilipinas.

Process

Materials: 1 whole yellow pad paper

Sa Pamamagitan ng critic paper  paghambingin ang positibo at negatibong epekto ng political dynasty sa tulong ng tanong na "Sa inyong palagay, nakinabang ba ang Pilipinas sa magkakaroon ng political dynast"? 

Evaluation

Sa pamamagitanng 1 minute essay sasagutin ng mga mag aaral Ang tanong na 

"Sa iyong palagay ano ang iyong katayuan sa usaping political Dynasty? Sumasang ayon ka ba dto? Oo o Hindi? Bakit?.

 

Conclusion

Sa kasalukuyan, hati ang pagtingin ng mga Pilipino ukol sa political Dynasty. Subalit mapapansin na ang mga pulitikong bahagi ng isang political Dynasty ay may makabuluhang kalamangan kumpara sa mga taong nagsisimula pa lamang sa pulitika sa kadahilanang Ang kanilang pamilya ay may katanyagan at impluwensya. May mga makabuluhang katibayan din na iminungkahi na ginagamit ng mga political dynasties Ang kanilang posisyon at pagiging dominante upang sila ay magpakatatag. Isa pang maaaring kahantungan ng political Dynasty ay ang posibilidad ng pagkakabuo ng status at Manaig ang kanilang personal na interes at ihiwalay Ang kanilang mga sarili sa mga taong dapat na kanilang pinaglilingkuran. Lahat ng tao ay may karapatang lumahok ngunit iilan lamang ang may kakayahang mamuno.

Credits