Maikling Kuwento- MARCOS

Introduction

                                                          MAIKLING KWENTO       

            Ang maikling kwento ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalaman ng isang maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan. Ito ay nababasa sa isang tagpuan, nakapupukaw ng damdamin, mabisang nakapagkikintal ng diwa o damdaming may kaisahan at nagpapakita ng isang madulang bahagi ng buhay ng tao. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.

            Kahit ano ay maaring paksain ng kwentista o manunulat ng maikling kwento. Maaaring hango ito sa mga pangyayari sa totoong buhay at maari ding ito’y patungkol sa kababalaghan at mga bagay na hindi maipaliwanag ng kaalaman.

            May mga elemento ang maikling kwento tulad ng panimula, saglit na kasiglahan, suliranin, tunggalian, kasukdulan, kakalasan at wakas. Ang mga bahagi nito ay simula, gitna at wakas.

            Ang mga uri ng maikling kwento ay kwento ng tauhan, kwento ng katutubong kulay, kwentong bayan, kwento ng kababalaghan, kwento ng katatakutan, kwento ng madulang pangyayari, kwento ng sikolohiko, kwento ng pakikipagsapalaran, kwento ng katatawanan at kwento ng pag-ibig. 

            Ayon kay Edgar Allan Poe, “ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at salagimsim na salig sa buhay na aktuwal na naganap o maaaring maganap.”

Narito ang mga katanungang dapat tandaan kung paano gagawa ng maikling kwento:

Ano ang mga bahagi ng maikling kuwento?

Ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagawa ng maikling kuwento?

Ano ang mga uri ng kwento?

 

Task

  • Nakabubuo ng sariling kwentong pumapaksa sa kwentong bayan.
  • Ito ay kinapapalooban ng wastong paggamit ng mga elemto ng kwento at bahagi nito. 
  • Ito ay may tema at aral na mapupulot ang isang mambabasa. 

Process

  • Sa pagsulat ng maikling kwento, kailangang isaalang-alang ang mga elementong angkop, bahagi at kung anong uri ng kwento nito.

Ano ang kahalagahan ng maikling kwento?

Nailalahad mo ang iyong sariling kaisipan, kuro-kuro at ideya sa isang pangyayari. 

Ang mga uri ng maikling kwento ay kwento ng tauhan, kwento ng katutubong kulay, kwentong bayan, kwento ng kababalaghan, kwento ng katatakutan, kwento ng madulang pangyayari, kwento ng sikolohiko, kwento ng pakikipagsapalaran, kwento ng katatawanan at kwento ng pag-ibig. 

 

Evaluation

Pamantayan sa paggawa ng Maikling Kwento:

Paggamit ng tamang bantas----------15

Organisasyon ng kaisipan-------------25

Pagkamalikhain sa pagsulat----------25

Malinaw at maayos na nailahad

ang tema at aral sa kwento-----------35

Kabuuan----------------------------------100

Conclusion

      Ang maikling kwento ay nababasa sa isang upuan at sandaling panahon lamang ang ginugugol, agad itong matutunghayan, mababasa at kapupulutan ng aral, pananabik at aliw. Akma rin ito sa mga taong laging nagmamadali at halos walang panahon para sa pagbabasa ng matagalan. 

      Ito ay naglalarawan ng isang pangunahin at mahalagang tauhan, may kapayakan at kakaunti ang mga tauhan, nagpapamalas ng isang mahalagang tagpo at nagtataglay ng mabilis na pagtaas ng kawilihan tungo sa wakas.

Narito ang ibang sanggunian para sa karagdagang impormasyon. 

https://www.coursehero.com/file/26804786/Maikling-Kwento

Credits