Introduction
ANO BA ANG DULA ?
ANG DULA…
-
ay isang akdang pampanitikan na ang layunin ay itanghal sa pamamagitan ng pananalita, kilos at galaw ang kaisipan ng may-akda.
-
ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Sinasabing ito ay paglalarawan sa madudulang bahaging buhay.
-
Taglay nito ang katangiang umiiral sabuhay ng tao gaya ng pagkakaroon ng mga suliranin o mga pagsubok na kanyang pinagtagumpayan o kinasawian.
-
Ayon kay ARISTOTLE, ang dula ay isang sining ng panggagaya o pag-iimita sa kalikasan ng buhay. Ipinapakita nito ang realidad sa buhay ng tao gayundin ang kanyang mga iniisip, ikinikilos, at isinasaad.
Task
Dahil sa nakikita ko na ang lahat naman ay naunawaan ang talakayan inaatasan ko ang bawat isa;
- na pumili ng mga kagrupo, bubuuin ng tigatlong miyembro at;
- bumuo ng mga sari-sarili ninyong "dula" upang ibahagi sa loob ng klase.
Laging isaisip na ang mga paraan sa pagsulat ng iskrip ng dula ay nararapat na akma sa isang partikular na bagay at inyong naiisip na magandang idula na maaring makatotohanan o kathang-isip lamang. Kung gusto niyo ay maari kayong maglagay ng mga props at mga aral na mapupulot dito upang magkaroon ng kakintalan sa mga manonood nito.
Process
Sa loob ng klase, isa-isang ibabahagi ng bawat pangkat ang kani-kanilang nalikhang dula ang nilalaman, kung ano ang tungkol dito, at mga aral o maaring pwedeng angkatin upang isabuhay;
pagkatapos basahin at/o magbahagi ng bawat pangkat ay pipili tayo ng isang dula na inyong nais na isadula bilang inyong partisipasyong aktibidad para sa nalalapit na ikalawang markahan;
pagkatapos nating mapag-usapan ang nais niyong isadula para sa nalalapit na markahan ay nararapat na mayroong 3 pangkat upang magtagisan ng galing sa pagsasadula.
Evaluation
Ang mga sumusunod ang gagamitin nating pamantayan sa dula
1) May kahandaan sa kasuotan, props at musika 10%
2)Maganda ang ekspresyon ng mukha 30%
3) Malakas ang dating sa mga manonood (Audience Impact) 15%
4) Mahusay ang pagpili ng mga salitang ginamit 20%
5) Makitaan ng pagiging malikhain sa presentasyon 25%
Kabuuan 100%
Conclusion
Magaling! napakahusay ng pagpresenta ng bawat isa sa kanilang mga dula, at bilang pagwawakas sa ating talakayan tungkol sa dula, masasabi natin na ang dula ay ang pagbibigay interpretasyon at paglalarawan ng buhay na ginaganap sa isang entablado o tanghalan na may iba’t ibang yugto, at tagpo na bumubuo sa buong storya at kwento.