Ang pagsulat ng sanaysay- jovy aluyen

Introduction

          Ang pagsulat ng sanaysay ay hindi ganoon kadali. May mga dapat isaalang-alang upang ang gagawing sanaysay ay maging kaiga-igaya sa mga mambabasa.Sanaysay man itong naglalarawan, nagsasalaysay, nangangatwiran o nanunuri.  Una, tema- dapat ang gagamiting tema ay napapanahon. Pangalawa, pamagat- ang gagamiting pamagat ay madaling makakapukaw ng atensiyon ng isang mambabasa. Pangatlo, talata- maaaring tatlo hanggang apat na talata ang bubuo sa isang sanaysay upang hindi mabagot ang mga mambabasa. Pang-apat, punto. Panglima, balangkas.

          Ang mga mag-aaral ay inaasahang masagot ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang kahalagahan ng pagsulat ng sanaysay?

2. Bakit mahalagang isaalang-alang ang mga dapat tandaaan sa pagsulat ng sanaysay?

Task

          Magsulat ng sariling  halimbawa ng sanaysay na isinasaalang-alang ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng sanaysay. Maaaring ang gagawing sanaysayay nagsasalaysay, naglalarawan, nangangatwiran o nanunuri at iba pa. 

Process

          Sa pagsulat ng sanaysay ay dapat isaalang-alang ang mga dapat tandaan kung ikaw ay magsusulat ng sanaysay. Sanaysay man itong naglalarawan, nangangatwiran at iba pa.

          1. Ang sanaysay na gagawin ay isusulat sa buong papel.

          2. Sa gagawing sanaysay ay binubuo ng tatlo o apat na talata. Dapat maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga ideyang nais iparating sa mga mambabasa.

          3. Pagkatapos makabuo ng sariling sanaysay, tatanungin ang mga mag-aaral kung anong kagandahan ang naidulot ng pagsunod sa mga dapat tandaan sa pagsulat ng sanaysay(sariling repleksy0n). 

Evaluation

Ang  mga sumusunod ay mga basihan kung paano tatayahin ang  ang ginawang sanaysay.

  • Nasunod ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng sanaysay- 25(puntos)
  • Tamang pagkakasunod-sunod ng ideya                               - 15(puntos)
  • Nakakapukaw damdamin                                                      - 10(puntos                                                                                                                     Kabuuan:  50(puntos)                                                     

Conclusion

          Upang ang isang sanaysay ay maging kaiga-igaya, may kabuluhan at madaling makapukaw ng damdamin ng mambabasa ay dapat isaalang-alang ang mga nasabing dapat tandaan sa pagsulat ng sanaysay. Sa pagpili ng pamagat, dapat alamin kung ano nga ba ang napapanahong isyu upang siyang gamitin. Ang isang sanaysay ay binubuo  ng tatlong o hgit pang talata basta nakapaloob dito ang gustong iparating sa mga mambabasa.

Credits

Belvez. Paz (et al.) Sanaysay, Talumpati, Debate

https://merynmoya.wordpress.com

https://alstutor.wordpress.com