Ang pagsulat ng sanaysay- jovy aluyen

Introduction

          Ang pagsulat ng sanaysay ay hindi ganoon kadali. May mga dapat isaalang-alang upang ang gagawing sanaysay ay maging kaiga-igaya sa mga mambabasa.Sanaysay man itong naglalarawan, nagsasalaysay, nangangatwiran o nanunuri.  Una, tema- dapat ang gagamiting tema ay napapanahon. Pangalawa, pamagat- ang gagamiting pamagat ay madaling makakapukaw ng atensiyon ng isang mambabasa. Pangatlo, talata- maaaring tatlo hanggang apat na talata ang bubuo sa isang sanaysay upang hindi mabagot ang mga mambabasa. Pang-apat, punto. Panglima, balangkas.

          Ang mga mag-aaral ay inaasahang masagot ang mga sumusunod na katanungan habang nasa talakayan.

1. Ano ang kahalagahan ng pagsulat ng sanaysay?

2. Bakit mahalagang isaalang-alang ang mga dapat tandaaan sa sanaysay?

Task

          Magsulat ng sariling  halimbawa ng sanaysay na isinasaalang-alang ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng sanaysay. Pagkatapos makabuo ng sariling sanaysay, tatanungin ang mga mag-aaral kung anong kagandahan ang naidulot ng pagsunod sa mgadapat tandaan sa pagsulat ng sanaysay(sariling repleksy0n).