Introduction
Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay isang pandaigdigang labanan na nagsimula noong ika-1 ng Setyembre taong 1939. Natapos ito noong ika-2 ng Setyembre 1945, at nasangkot ang karamihan ng mga bansa sa daigdig at bawat kontinente na may naninirahang tao. Tinuturing ito na pinakamalawak, pinakamahal at pinakamadugong labanan sa kasaysayan ng sangkatauhan. Maaalalang ang mga bansang lumahok sa digmaan ay nagbuhos ng napakaraming puwersang militar upang lupigin ang bawat kalaban. Pumasok ang Asya sa digmaan noong Disyembre 7, 1941 nang binomba ng Japan ang Pearl Harbor sa Hawaii. Nagbigay-daan din ito sa pagpasok ng bansang United States sa digmaan. Habang nangyari ang pag-atake sa Pearl Harbor, ang walong barkong U.S. Navy ships ay binagsak ng mga Hapon. Inilarawan ito bilang, ''a date which will live in infamy'' dahil nangyari ang pag-atake ng walang anunsyo o deklarasyon. Noong Agosto 6 at 9, nagsimulang magbomba ang mga hukbong Amerikano sa mga lungsod ng Hiroshima at Nagasaki. Ang bombang Little Boy ay ginamit sa Hiroshima at ang bombang Fat Man sa Nagasaki. Maraming namatay sa mga Hapon hanggang sa sila'y sumuko noong Agosto 15, 1945. Upang mabigyang opisyal na katapusan ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang dokumentong pagsuko ay nilagdaan ng mga Hapon noong Setyembre 2, 1945. Sa pagtapos ng digmaang ito, 60 milyon tao ang nasawi.
Task
Gawain I: Gumawa ng 3-2-1 Chart na nagpapakita sa buod ng pangyayari sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
3 - Pangyayari na naging daan sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig
_______________________________________________________
2 - Alyansa sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
_______________________________________________________
1 - Kasunduan na nabuo sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
_______________________________________________________
Gawain II: Sagutan ng buong husay ang sumusunod na mga katanungan.
1. Paano nagkaiba ang salik na nagbunsod sa una at ikalawang pandaigdigang digmaan?
2. Anu-ano ang mga estratihiyang ginamit ng mga magkatunggaling alyansa sa pakikipaglaban?
3. Ano ang pangyayaring naganap sa ating bayan sa kasalukuyan na maituturing mong suliranin ng mga mamamayan?
4. Bilang isang kabataan, ano ang maipapayo mong gawain upang maiwasan ang suliraning kinakaharap ng ating bayan?
5. Paano mo ito sisimulan sa iyong pansariling kapakanan?
Process
Ang mga mag-aaral sa ika-walong baitang ay aatasang gumawa ng 321 Chart na nagpapakita sa buod ng mga pangyayari sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang kanilang mga sagot ay kanilang ihahalintulad sa suliraning kinakaharap ng ating bayan sa kasalukuyang panahon. Sila ay bibigyan din ng pagkakataon na makaisip ng natatanging solusyon na magbubukas sa isip ng mga kabataan sa kasalukuyang panahon.
Evaluation
Ang mga mag-aaral ay mamarkahan gamit ang Rubrik sa ibaba;
Rubrik:
Nilalaman - 20
Kalinawan - 10
Husay at Kabuuan - 20
____________________________
50 puntos
Conclusion
Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay isang pandaigdigang labanan na itinuturing na pinakamalawak, pinakamahal at pinakamadugong labanan sa kasaysayan. Ang digmaang ito ay gumamit ng iba't ibang estratihiya sa pakikipaglaban. Sa digmaang ito nangyari ang isa sa pinakamalagim na pagpatay sa mga Hudyo na mas kilala sa tawag na "Holocaust". Maaalalang ang mga bansang lumahok sa digmaang ito ay nagbuhos ng napakaraming puwersang militar upang lupigin ang bawat kalaban. Hindi ito makakalimutan ng mga mamamayan sapagkat nagtanim ito ng masidhing pagkasira sa ari-arian, hanapbuhay at maging sa buhay ng milya-milyang mamamayan. Pagkatapos ng digmaang ito ay agad nagsimula ang "Cold War" sa pagitan ng US at USSR.