Introduction
Lubos na mayaman ang ating wika, kaya naman marapat lamang na ito ay ating tuklasin at linangin sa ating sarili.
Sa WebQuest na ito ay tatalakayin ang kahulugan at kayarian ng pang-uri.
Bago basahin at pag-aralan, kinakailangang may kaalaman na ang mag-aaral tungkol sa pang-uri at sa mga uri nito. Ito ay makatutulong upang mas maunawaan ang nilalaman ng WebQuest na ito na maaring makatulong sa pagpapalawak ng sariling kaalaman.
Marapat lang din na taglayin ng mg-aaral ang bilis ng pag-iisip upang sagutan ang mga inihandang katanungan
Task
Pagkatapos mabasa at mapag-aralan ang kahulugan at iba't ibang kayarian ng pang-uri, ikaw ay inaasahang:
- Natutukoy ang kahulugahan ng pang-uri at ang uri nito.
- Naihahambing ang uri nito sa isa’t isa
- Nagagamit ang pang-uri sa paggawa ng pangunusap.
Process
Basahin at unawain ang inihandang talakayan tungkol sa pang-uri na nasa ibaba.
PANG-URI
Ang pang-uri ay mga salitang ginagamit upang magbigay-turing sa pangngalan at panghalip. Ito ay may tatlong kayarian.
- Panlarawan
- Pamilang
- Pantangi
1. Pang-uring panlarawan
Ito ay nagsasaad ng anyo,hugis at katangian
Halimbawa: Masipag maag-aral si Abegail ng kanyang aralin.
Antas ng Pang-uring Panlarawan
- Lantay – Walang tinutukoy kundi ang katangian ng pangngalan/panghalip na inaabayan. Ang pang-uri ay nasa payak na anyo lamang.
Halimbawa: Sariwang gulay ang nabili ni Dennis sa palengke.
- Pahambing – Ginagamitan ito ng panlapi upang ipakita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng tinutukoy na pangngalan/panghalip.
- Magkatulad/patas na paghahambing
- Dito natutukoy ang pagkakatulad ng dalawang paksa.
- Ito ay ginagamitan ng mga panlaping sing, kasing, magsing, magkasing, tulad, gaya/ga, kahawig, kawangis at kamukha.
- Magkatulad/patas na paghahambing
Halimbawa: Ang kambal ni Leila ay magkasingbait.
-
- Di-magkatulad
- Nagpapahayag ng pagtanggi/pagsalungat o pagkakaiba.
- Ginagamitan ng salitang lalo, higit, kaysa, di-gaano, di-gasino, di lubha, di-totoo, di-tulad, di-gaya at mas.
- Di-magkatulad
Halimbawa: Higit na maasim ang sampalok kaysa kamyas.
- Pasukdol – ginagamit dito ang mga panlaping ka, pinaka, pagka, napaka, at mga salitang lubha, ulo at hari.
Halimbawa: Lubhang mainit ang panahon kahapon.
Kailanan ng Pang-uring Panlarawan
- Isahan – makikilala ito sa pantukoy na si, ang at siya.
Halimbawa: Siya ang pinakamabait sa klase.
- Dalawahan – ginagamitan ito ng panghalip panaong pandalawahan at mga panlaping ka, mag, magka, magsing, magkasing.
Halimbawa: Magkasintapangsina Jose at Andres.
- Maramihan – ito ay ginagamitan ng pangmaramihang pantukoy, pamilang at panghalip.
- Sa pamamagitan ng pantukoy na mga pamilang at panghalip.
Halibawa: Angmga mabuting mamamayan ay nagbabayad ng buwis sa pamahalaan.
-
- Sa pamamagitan ng pag-uulit ng unang pantig sa salitang-ugat, pag-uulit ng isang pantig ng unlapi, at ang paggamit ng mga pang-uri tulad ng lahat, tanan, panay, iba-iba, sari-sari atbp.
Halimbawa: Lahat ng dumalo sa pagpupulong ay masaya.
Kaanyuan ng Pang-uring Panlarawan
- Payak – hindi ginagamitan ng panlapi.
Halimbawa: Dakila, banal, tahimik, bughaw
- Maylapi – ginagamitan na ito ng palapi.
Halimbawa: Kadakilaan, mapagpatawad,
- Inuulit – maaaring payak at may panlaping ka, ma, o may.
Halimbawa: Maganda-ganda, malakas-lakas, kaawa-awa
- Tambalan – maaaring pinagtambal na dalawang payak o may pang-angkop ang isa.
Halimbawa: taos-puso, kapus-palad, sawing-palad
2. Pang-uring Pamilang
Ang pang-uring pamilang ay ang mga pang-uring ginagamit sa pagbilang ng tiyak at di-tiyak na bilang.
- Patakaran – nagsasaad ito ng bilang ng isang bagay. Pagkalampas ng sapu sa bawat bilang, ito ay nilalapian ng salitang labing.
Halimbawa: isa, sandaan, sanlibo, labing-apat
- Panunuran – sinasaad nito ang pagkakasunod-sunod. Ginagamitan ng panlaping una, pang, ika-,
Halimbawa: Pangatlo ako sa aming magkakapatid.
- Pamahagi – ginagamit sa pagbabahagi o pagbubukod ng ilang hati ng isang kabuuan
Halimbawa: kalahati, tiglilima, tigsampu
- Palansak – tinatawag na maramihan o langkay-langkay ang kahulugan at hinuhulapian ng an/han.
Halimbawa: isahan, dala-dalawahan, sampuan
- Patakda – nagsasaad ng tiyak na bilang.
Halimbawa: pipiso, lilimahin, dadala-dadalawa
3. Pang-uring Pantangi
Ang pangngalan ay nagiging pang-uri kapag sumusunod sa isa pang pangngalan at binibigyan ito ng pagtatangi.
Halimbawa: Pancit-Malabon,
Evaluation
Sagutin ang inihandang pagsusulit ng buong katapatan.
UNANG PAGSUSULIT
Panuto:Piliin mula sa kahon ang kasing kahulugan ng mga salitang nasa bilang.Isulat sa patlang ang sagot.
|
hamak daing talino ligalig talsik Anyaya kayakap anyaya husto talino Kasuyo alam hinagpis himok palagay |
- aba = _________________
- himutok = _________________
- abala = _________________
- dunong = _________________
- ganyak = _________________
- ganap = _________________
- bihasa = _________________
- katipan = _________________
- hinala = _________________
- 10.yaya = _________________
IKALAWANG PAGSUSULIT
Panuto: salungguhitan ang pang-uring ginamit at tukuyin kung anong uri ito ng pang-uri. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
_____________1. Pinakamatangkad si Macario sa buong klase.
_____________2. Mamiso ang bili ko sa kamatis.
_____________3. Lila ang kulay ng sout na damit ni abigail.
_____________4. Ang pinagawang hikaw ay binalimbing.
_____________5. Ako ang ikatlo sa aming magkakapatid.
_____________6. Makapal ang nahiram kong aklat.
_____________7. Ang batang mabuti ay kinalulugdan.
_____________8. Sunod-sunod ang tawag ng ina sa anak.
_____________9. Bumili siya ng Pancit-Malabon para sa atin.
_____________10. Hilig niya ang Lomi-batangas na pang-almusal.
_____________11. Binigyan niya ang mga anak ng tigsasampung
pisong baon.
_____________12. Siya ay kasalungat sa lahat ng aming layunin.
_____________13. Dalawampu’t limang bahagdan ng mga mag-aaral ang
lumipat ng paaralan.
_____________14. Ang taong matapat ay pinagkakatiwalaan.
_____________15. Kamakatlo dumating si Luise mula sa Canada.
IKATLONG PAGSUSULIT
Panuto: Pag-iisa isa. Ibigay ang hinihingi sa bawat bilang.
- Tatlong uri ng Pang-uri
- Antas ng Pang-uring Panlarawan
- Kailanan ng Pang-uring panlarawan
- Anyo ng Pang-uring Panlarwan
- Uri ng Pang-uring Pamilang
Conclusion
Sa tulong nito ay maaaring natutunan mo ang kahulugan ng pang-uri at ang kayarian nito.
Narito ang mga sagot upang iyong malaman kung wasto ang iyong sagot sa inihandang pagsusulit.
MGA SAGOT
UNANG PAGSUSULIT
- hamak 6. husto
- daing 7. alam
- ligalig 8. kasuyo
- talino 9. palagay
- anyaya 10. Himok
IKALAWANG PAGSUSULIT
1. panlarawan, Pinakamatangkad
2. Pamilang, Mamiso
3. Panlarawan, Lila
4. Panlarawan, Binalimbing
5. Pamilang, ikatlo
6. Panlarawan, makapal
7. Panlarawan, mabuti
8. Panlarawan, sunod-sunod
9. Pantangi, Malabon
10. pantangi, Batangas
11. Pamilang, tiglilimang
12. Panlarawan, kasalungat
13. Pamilang, dalawampu’t limang bahagdan
14. Panlarawan, matapat
15. Pamilang, kamakatlo
IKATLONG PAGSUSULIT
- Tatlong uri ng Pang-uri
- Panlarawan
- Pamilang
- Pantangi
- Antas ng Pang-uring Panlarawan
- Lantay
- Pahambing
- Pasukdol
- Kailanan ng Pang-uring panlarawan
- Isahan
- Dalawahan
- Maramihan
- Anyo ng Pang-uring Panlarwan
- Payak
- Maylapi
- Inuulit
- Tambala
- Uri ng Pang-uring Pamilang
- Patakaran
- Panunuran
- Pamahagi
- Palansak
- Patakda
Credits
Ang WebQuest na ito ay binuo ni G. Jerry Donald B. Quianzon na nasa ikatlong taon sa kolehiyo.
Kasalukuyang tinatapos ang kursong pagtuturo ng Sekundaryang Edukasyon na nagpapakadalubhasa sa asignaturang Filipino sa Pamantasa ng Lungsod ng Pasig.