Introduction
[video:https://www.createwebquest.com/index.php?q=image/view/30202 align:center autoplay:1]by Rheacell Galzote
INTRODUCTION

Nakakita ako nang bata sa labas. Nasa mababang taon. Umiiyak siya dahil pinapahiya siya ng mga kaklase niya. kinakantyawan siya dahil hindi daw siya magaling, walang alam. At dahil doon umiiyak siya at lumabas dahil pana'y ang kantiyaw ang inaabot niya araw-araw. Tinanung ko kung ano ang kanilang aralin sa susunod na araw. Ang sabi niya Maikling Kwento.
Ang mission ninyo ay turuan siya, dahil alam ko natapos na natin ang paksang iyon. Tulungan ninyo siya upang hindi na siya kinakantyawan ng mga kaklase niya.
Task
TASKS
_8.jpg)
1. Bumuo ng Grupo na may anim na miyembro. Ito ang gagawin ng Unang Grupo.
2. Mag isip ng paraan kung saan at paano ninyo siya matuturuan. Sa loob ng isang oras ay sapat na upang siya ay matuto na.
3. Gamitin ang mga sumusunod na mga links upang hindi kayo mahirapan sa paghanap ng mga kagamitan sa pagtuturo sa kanya.
a. https://www.youtube.com/watch?v=b3BECEIxNAg
b. https://tl.wikipedia.org/wiki/Maikling_kuwento
4. Gumawa kayo ng report at ipakita sa akin. Kailangan ang nilalaman ng report ay ang sumusunod:
a. Bakit siya umiiyak.
b. Bakit wala siyang maisip?
c. Ano ang ginagawa niya palagi bago pumapasok sa paaralan?
Process
PROCESS

Unang Hakbang: Ang inyong grupo ay maghahanda sa pagtuturo.
Ikalawang Hakbang: Gamitin ninyo ang mga sumusunod na links upang mas madali ang inyong pagtuturo.
a. Basahin: https://tl.wikipedia.org/wiki/Maikling_kuwento
b. Panoorin: https://www.youtube.com/watch?v=b3BECEIxNAg
Ikatlong Hakbang: Pagkatapos panoorin ang video at mabasa ang lahat na kailangan niyang malaman tungkol sa Maikling Kwento.
a. Ipaliwanag ang mga ito sa kanya.
Ikaapat na Hakbang: Gumawa ng ebalwasyon upang malaman ninyo kung natuto siya o hindi. Gamit ang sumusunod.
b. Mga katanungan na ginawa ninyo batay sa binigay na video.
Ikalimang Hakbang: Pagkatapos ng isang oras ay ibigay ninyo ang inyong obserbasyon sa kanya habang nagtuturo ang ka-grupo ninyo.
Evaluation
EVALUATION

Heto ang inyong mga pamantayan sa aking pagmamarka sa inyong output.
| 1 | 2 | 3 | ISKOR | |
| Nakakasunod sa panuto. | Nakasunod at laging tama. |
Nalilito ngunit may nasusundan parin. |
Walang Nagawa. | |
| Pagkakaisa ng grupo. | Lubos na nakakagawa ng maayos. | Magulo, Maingay. | Walang Kooperasyon. | |
| Paraan ng Pagturo. | Maayos at kaaya-aya | Hindi masyadong Malinaw | Magulo. |
Conclusion
CONCLUSION
_5.jpg)
Pagkatapos ng pagtuturo sa kapwa mag-aaral. Matututo kayo kung pano ang maging isang guro. Kung anung Paraan. Kung ano ang Kailangan at ang Kahalagahan ng pagtuturo. Titignan ko ito sa inyong report na iyong ibibigay sa akin. Sabihin ninyo kung ano ang inyong nararamdaman sa pagtatalakay ng leksyon. At mga dapat gawin habang nasa talakayan. Mga dapat gawin sa ebalwasyon o ano pa. Ito ang Pinakamahalaga sa bilang nagpapakadalubhasa bilang isang guro.
Teacher Page
by Rheacell Galzote
[img_assist|nid=30209|title=teacher|desc=|link=none|align=center|width=398|height=231]
Sa Webquest na ito ang mga mag-aaral ay makakahimok ng mga ideya kung paano maging isang mahusay na guro. Bilang isang guro, gusto kong maramdaman nila kung gaano kahalaga ang kanilang magiging propesyon balang araw. Gusto kong makita nila kung ano ang kailangan ng lipunan na makakatulung sa mga bata. Sa mga nalikom nilang ideya, mas mapapabuti pa nila ang pagiging guro nila sa mga susunod pang hakbang nang kanilang pag-aaral bilang isang guro.