Integrasyon ng Kulturang Maranao at Iliganon Isang WebQuest para sa Unang Taon (Araling Panlipunan)

Introduction

Panimula

 

Ang Pilipinas ay dating kolonya ng mga Kanluranin. Maraming mga  impluwensyang nakuha ang mga Pilipino mula sa kanilang pulitika, ekonomiya at panlipunang pamumuhay. Pero mayroon pa ring kulturang Pilipino na nananatili na pwede nating maipagmalaki. 

 

Sa kasalukuyan nakikita natin lalo na dito sa Mindanao ang iba’t ibang uri ng kultura. Tunghayan natin ngayon ang integrasyon ng kanilang kultura maliban sa relihiyon lalo na sa pagitan ng mga Maranao at Iliganon. 

Task

Gawain

 

Ang  kabuuan ng ating pag-aaral sa integrasyon ng kultura sa pagitan ng Maranao at Iliganon ay ang pagbuo ng isang “magazine” na naglalaman ng mga artikulo at nga litrato. Magkaroon ng isang artikulo tungkol sa bawat isa sa mga sumusunod na paksa:

 

      Integrasyon sa wika ng mga Maranao at Iliganon

      Integrasyon sa klase ng pagkain ng mga Maranao at Iliganon

      Integrasyon sa arkitektura ng mga Maranao at Iliganon

      Integrasyon sa sining ng mga Maranao at Iliganon

 

Tatalakayin ng bawat artikulo ang mga integrasyon ng kultura na nangyayari sa atin. Bigyang pansin ang mga kahulugan ng mga salita o gawa sa mga larangang nabanggit.

 

Basahin ang mga hakbang sa pagbuo ng magasin.

 

 

 

Process

Proseso

 

Unang Hakbang – Pagbubuo ng mga Pangkat

 

  1. Hahatiin ang klase sa apat na pangkat.  Ang bawat pangkat ay binubuo ng labing-isang katao na magsasaliksik sa bawat mga paksa na ibibigay. Ang mga tungkulin ay ang sumusunod:

 

 

Papel

Blg. ng Miyembro

Mga Tungkulin

Lingguwista

2

Lilikom ng mga impormasyon tugkol sa mga integrasyon ng Maranao at Iliganon sa kanilang wika

 

Susulat ng isang artikulo o sanaysay tungkol sa impormasyong nakalap. Ang artikulo ay kinakailangang binubuo ng:

  • Maikli ngunit kaaya-ayang panimula
  • Isang glossary ng mga salitang Maranao at Iliganon
  • Maikling pagtatapos

Eksperto sa Pagkain

2

Lilikom ng mga impormasyon tugkol sa mga integrasyon ng Maranao at Iliganon sa kanilang pagkain

 

Susulat ng isang artikulo o sanaysay tungkol sa impormasyong nakalap. Ang artikulo ay kinakailangang binubuo ng:

  • Maikli ngunit kaaya-ayang panimula
  • 2-3 recipe ng mga putaheng Maranao at Iliganon na parehong nilang kinakain
  •  Maikling pagtatapos

Arkitekto

2

Lilikom ng mga impormasyon tugkol sa mga integrasyon ng Maranao at Iliganon sa kanilang arkitekto

 

Susulat ng isang artikulo o sanaysay tungkol sa impormasyong nakalap. Ang artikulo ay kinakailangang binubuo ng:

  • Maikli ngunit kaaya-ayang panimula
  • Paglalarawan ng 2 bahay o gusali na may integrasyon ng kulturang  Maranao at Iliganon
  • Maikling pagtatapos

Artist

2

Lilikom ng mga impormasyon tugkol sa mga integrasyon ng Maranao at Iliganon sa kanilang sining

 

Susulat ng isang artikulo o sanaysay tungkol sa impormasyong  nakalap. Ang artikulo ay kinakailangang binubuo ng:

  • Maikli ngunit kaaya-ayang panimula
  • Paglalarawan ng 2 sining ng mga Maranao at Iliganon
  • Maikling pagtatapos

Graphic Designer

2

Kukuha ng mga larawanna may kaugnayan sa nilalaman ng artikulo tungkol sa pagkain, arkitektura, at sining na nagpapakita ng integrasyon ng kultura ng Maranao at Iliganon

 

Susulat ng caption para sa bawat larawan

 

Gagawa ng disenyo ng pabalat ng magasin

Editor-in-chief

1

Susulat ng isang editorial (4-5) talata ng magasin. Ang editorial ay isang paglalagom ng nilalaman ng magasin. Dito rin ipapaliwanag ang kabuuang tema ng magasin.

 

Mangangasiwa sa pagbubuo ng magasin at magsisilbi bilang lider ng pangkat

 

b. Pansinin ninyo na hindi mabubuo ang magasin kung hindi gagawa ang bawat miyembro. Kinakailangan paghatian ninyo ang mga Gawain. Tiyaking tugma ang tungkuling gagampanan sa kakayahan at interes ng bawat miyembro.

 

c. Ang pagpili ng tungkulin ng bawat miyembro ay dapat gawin sa iang pulong ng pangkat. Gagawin ito sa loob ng silid-aralan sa araw ng pagpapaliwanag sa webquest at pagbubuo ng mga pangkat ng inyong guro.

 

 

 

Ikalawang Hakbang – Pananaliksik/Pangangalap ng Impormasyon

 

a. Simulan  na ang background research o pagbabasa ng mga website, aklat at iba pang nakasulat na batis ng impormasyon tungkol sa integrasyon ng kultura ng mga Maranao at Iliganon. Nakasulat sa Sanggunian ang ilang websites na maaari ninyong basahin.

 

b. Tapusin ang background research sa loob ng isang linggo.

 

c. Gawin ang field research kung saan magmamasid  at kakapanayamin ninyo ang ilang Maranao at Iliganon upang makakuha ng espesipikong  impormasyong kailangang isama sa mga artikulo.

 

d. Tapusin ang field research sa loob ng isang linggo.

 

 

 

Pangatlong Hakbang – Paghahanda ng Ulat

 

a. Pagkatapos ng inyong field research, isulat ang inyong artikulo. Ang mga magkapares ay kinakailangang magtulungan sa pagsulat ng artikulo. Gamiting gabay sa pagsusulat ang rubric para sa pagmamarka ng inyong Gawain na matatagpuan sa Ebalwasyon.

 

b. Gawin ng mga graphic designer  ang pagsasaayos ng mga litrato para sa ibang artikulo at gawan ng mga caption ito. Gagawin na rin nila ang desinyo ng pabalat.

 

c. Tapusin ito sa loob ng isang lingo.

 

d. Magpulong kayo upang pag-usapan ang mga burador (draft) ng mga artikulo at buuin ang magasin. Marahil magtatakda ang inyong guto ng isang araw para gawin ang hakbang na ito kasama ang iba pang pangkat. Ang pulong na ito ay matatapos sa loob ng 3 oras

 

e. Pagkatapos ng talakayan ay ayusin ng mga kinauukulan ang kanilang burador. Aayusin din ng mga graphic designer ang kanilang ginawa ayon sa suhestiyon  ng kagrupo. Ang pag-aayos na ito ay matatapos sa loob ng 2 oras.

 

f. Pagkatapos ay buuin ninyo ang magasin ng grupo. Gawan ito ng talaan ng nilalaman, isulat ang mga pangalan ninyo, at pagkabitkabitin sa pamamagitan ng stapler o fastener ang iba’t ibang pahina. MAtapos ninyo ito sa loob ng 1 oras.

 

 

 

Ikaapat na Hakbang - Pagtatasa

 

a. Isumite sa inyong guro ang inyong magasin sa huling dako ng araw ng paggawa.

 

b. Sagutin ang self-assessment at peer evaluation forms (bawat miyembro ang gagawa nito) bilang gawaing pambahay (homework) at isumite ang mga ito sa inyong guro sa takdang araw.

 

 

Sanggunian

 

ü  Maranao

http://en.wikipedia.org/wiki/Maranao_people

http://www.maranao.com/index.php?option=com_content&view=article&id=20&Itemid=65

            http://www.everyculture.com/East-Southeast-Asia/Maranao.html

            http://savemaranaoculture.blogspot.com/

            http://www.thingsasian.com/stories-photos/40488

            http://www.joshuaproject.net/people-profile.php?peo3=13531&rog3=RP

            http://www.ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/e-books/e-book.php?id=79&t=2

 

ü  Iliganon

http://www.iligan.ph/tourism-events/kasadya-streetdancing-and-merrymaking-2009/

http://www.pinaytravelista.com/2011/06/i-heart-iligan-city.html

http://www.iligan.gov.ph/index.php?option=com_content&task=view&id=2296&Itemid=738

http://202.91.162.22/web/migueldiyandi/

 

Evaluation

Ebalwasyon

 

Makikita sa rubric sa ibaba na ang bawat bahagi ng inyong magasin ay bibigyan ng karampatang iskor o marka.

 

5 = higit sa inaasahan                    3 = katamtaman                                1 = wala/hindi

4 = mahusay                                     2 = nagsisimula pa lamang 

 

Editorial

___  Nagbibigay ng paglalagom ng nilalaman ng magasin

___  Maayos at lohikal ang organisasyon ng mga ideya

___  May wastong baybay, wastong bantas, at wastong gramatika

___  Nahihikayat ang mambabasa na basahin ang nilalaman ng magasin

 

 

Ulat Tungkol sa Integrasyon  sa Wika

___  May glosari ng higit sa 10 na salitang hiram ng Maranao at Iliganon

___  Maayos ang paglalahad ng glosari at madaling basahin/ganitin

___  Nahihikayat ng panimula ang mambabasa na tunghayan ang glosari

___  Maikli ngunit kawili-wili at epektibo ang pagtatapos

___  Gumanit ng wastong baybay, wastong bantas, at wastong gramatika

___  Angkop ang teksto at kawili-wili ang artwork na kasama ng glosari

 

 

Sanaysay tungkol sa impluwensiya sa pagkain

___  May 2-3 recipe ng mga local na putahe na may integrasyon  ng kulturang Maranao at Iliganon

___  Napapatunayan sa mga mambabasa na may impluwensiyang Maranao o Iliganon ang mga putahe na nabanggit

___  Ang maikling panimula ay nakakatawag pansin sa mga resipeng inilalahad

___  Angkop at epektibo ang pagtatapos ng ginamit

___  Gumamit ng wastong baybay, wastong bantas, at wastong gramatika

___  Malinaw at kakikitaan ng angkop na detalye ang larawan ng putahe

 

 

Sanaysay na naglalarawan ng integrasyon sa arkitektura

___ Dalawang bahay o gusali ang inilalarawan

___ Pinatutunayan ang integrasyon ng kulturang Maranao at Iliganon na makikita sa mga istrukturang inilalarawan sa pamamagitan ng pagtalakay ng ilang element o disenyo

___  Gumagamit ng konkreto  at angkop na mga salita sa paglalarawan

___  Maayos at lohikal ang organisasyon ng mga ideya

 

 

 

 

Sanaysay na naglalarawan ng integrasyon ng sining

 

___  Buo ang pagtatalakay sa sining na napili

___  Gumamit ng konkreto at angkop na mga salita sa pagtatalakay sa sining na napili

___  Maayos at lohikal ang organisasyon ng mga ideya

___  May wastong baybay, wastong bantas at wastong bantas, at wastong gramatika

___  Malinaw at kakikitaan ng angkop na detalye ang larawan ng sining na tinalakay

 

 

Disenyo ng pabalat

___  Angkop ang disenyong napili sa tema ng magasin sa kabuuan

___  Angkop ang gamit ng kulay

___  Angkop ang napiling font size at style para sa pangalan  ng magasin at iba pang teksto sa pabalat

___  Kaaya-ayang tingnan ang pabalat

 

Ang grado ng bawat mag-aaral ay kukunin sa marka para sa magasin ng buong pangkat (70%), grado sa pagtatasa sa sarili (15%), at grado sa pagtatasa ng mga kagrupo (15%).

 

Conclusion

Pagtatapos

 

Napakagandang tingnan sa integrasyon ng mayamang kultura sa pagitan ng mga Maranao at Iliganon. Nakikita natin na sa kabila ng maraming pagbabago sa kasalukuyan nanatili parin ang lokal na kultura dito sa atin at patuloy na umaangkop. Ito ang matatawag nating sariling atin na dapat nating maipagmalaki.