Mga Uri ng Paggawa

Introduction

Ang ating mundo ay binubuo ng mga tao. Ang mga tao ang bumubuo sa mundo. Ang mga tao ay may ibat ibang uri na pinapasok na trabaho upang maipangbuhay sa kanilang pamilya at maiangat ang ekonomiya ng mundo

Task

  • Makikilala ang uri ng paggawa.
  • Malalaman ang mga trabaho na kasali sa uri ng paggawa.

Process

Ano nga ba ang ibig sabihin ng paggawa? Ang paggawa ay ang paggamit ng lakas, kakayahan, at talino ng tao sa produksyon. Laging kaakibat o kasama ng paggawa ang manggawa. Ano nga ba manggagawa? Ang manggagawa ay mahalaga sa pagunlad ng bansa. Sila ay may mahalagang parte na ginagampanan sa ekonomiya. Ayon kay Karl Marx ang mga mangagawa ay ang tunay na prodyuser ng bansa.

2 uri ng Paggawa

Ang mga uri ng paggawa ay mayroon dalawang klasipikasyon. 

Ito ay ang mangagawang pisikal at manggawang mental. Ang mga manggawang pisikal ay nauuri sa skilled, unskilled, at semi skilled. Ito ay nabibilang sa blue-collar job. 

Blue-collar job o manggawang pisikal ay tumutukoy sa gawain ng mga manggagawa na ginagamit ang kanilang pisikal at enerhiya sa paglikha ng produkto at serbisyo.

Ang mga welder, plumber, janitor tsuper ay ilan sa kabilang sa blue-collar job

White-collar job o manggagawang mental ay tumutukoy sa gawain ng mga manggagawa na ginagamit ang mental na kapasidad at isipan.

Ang mga superbisor, manedyer, doktor,nars at guro ay  ilan sa kabilang sa white-collar job

 

Credits

Imperial C, & Antonio E et.al (2017)

Pinakahusay na edisyon ng KAYAMANAN ekonomiks (Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan)