Introduction
Gamit ang Mentimeter, sagutin kung ano iyong ideya sa salitang "NEGOSYO"
Task
LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin, bilang isang mag-aaral ikaw ay inaasahang nakakapaglahad at nasusuri ang tungkulin ng ibat-ibang uri ng organisasyon sa negosyo, nasukat ang nalalaman patungkol sa ibat ibang uri ng organisasyon sa negosyo at napapahalagahan ang uri ng organisasyon ng negosyo sa lipunan.
Process
AKTIBITI
Panoorin natin ang video na nakahanda.
Aktibiti 1
Bawat grupo ay may naka atas na uri ng organisasyon ng negosyo na ipapaliwanag. Ipepresenta ang nakahandang sagot sa mga tanong sa ibaba.
Unang Grupo - Sole Propertorship
Pangalawang Grupo - Partnership
Pangatlong Grupo - Cooperation
Pang-apat na Grupo - Cooperative
Ito ang mga sumusunod na tanong:
1. Ipaliwanag ang uri ng organisasyon ng negosyo naka atas sa inyo?
2. Ano ang kahina at kalakasan nito bilang isang uri ng organisasyon ng negosyo?
| Pamantayan | 4 | 3 | 2 | 1 |
| Pagtalakay sa Paksa |
|
|
|
Paulit ulit ang punto ng nagsasalita. Walang pagkakaisa ang mga punto na ginagamit. |
| Estilo ng Pagatatalakay |
|
|
|
|
| Kaangkupan ng Ideyang ginamit. |
|
|
|
Ang inihandang mga impormasyon ay hindi sapat kulang para sa pagka-unawa ng mga nakikinig |
| Ginamit na Biswal |
|
|
|
Walang kahandaan at hindi akma ang Biswal na ginamit. |
| Legend: 4.00- 95 |
2.00- 85 |
|
3.00- 90 |
1.00 - 80% |
Evaluation
AKTIBITI
Aktibiti 1: "SOCRATES YARN "
Gamit ang Wheel of Names, pipili ang website na ito ng magtatanong at sasagot na mag-aaral kung anong uri ng organisasyon ang nakapahayag sa kolumn.
| Katangian |
| 1. Isang organisasyon na binubuo ng dalawa o higit pang indibidwal na sumasang-ayon na paghahatian ang mga kita at pagkalugi ng negosyo. |
| 2. Layunin nito na makapagbigay ng mga produkto at serbisyo sa mga kasapi sa pinakamababang halaga. |
| 3. Pag-aari at pinamamahalaan ng iisang tao. |
| 4.Bahagi ng tubo ng organisasyong ito ay ipinamamahagi sa mga stockholder. |
| 5. Binubuo ng hindi bababa sa 15 tao at pinagtitipon-tipon ang kanilang pondo upang makapagsimula ng negosyo. |
Aktibiti 2: ESSAY
Sagutan ang mga sumusunod na tanong ng 5-10 na pangngusap. Ilagay sa Microsof Word/ WPS ang iyong mga kasagutan.
1. Mahalaga ba sa ekonomiya ng isang lipunan ang ibat ibang uri ng organisasyon sa negosyo?
2. Kung ikaw ay magnenegosyo, saan gusto mong makabilang na uri ng organisasyon sa negosyo? Paano mo ito mapapahalagahan?
Aktibiti 3: TAKDANG ARALIN
Gumawa ng Business Plan. Gamitin ang kolumn bilang gabay sa mangalap ng tugon o impormasyon.
| Mga Nakapaloob sa Business Plan | Tugon/Impormasyon |
| 1. Hangarin o misyon ng negosyo. | |
| 2. Ang pagkakaiba ng iyong negosyo sa ibang negosyo. | |
| 3. Magiging kliyente (Target MArket) | |
| 4. MAgiging mga karibal o kakompitasyon | |
| 5. Uri ng produkto o serbisyo na ibenebenta. | |
| 6. Mga pamamaraan o estratehiyang gagamitin sa pagbebenta. | |
| 7. Panggagalingan ng puhunan at papaano ito gagamitin. | |
| 8. Inaasahang kikitain sa loob ng 1 hanggang 3 taon. |
Conclusion
Ang negosyo ay tumutukoy sa anumang gawaing pang-ekonomiya na may layuning kumita o tumubo. May apat na pangkalahatang uri ng organisasyon ng negosyo. Ang mga ito ay ang sole propertorship, partnership, corporation at cooperative na lubos na nakakatulong sa mamamayan at ekonomiya ng isang lipunan.
Dagdag na kaalaman patungkol sa aralin:
Lazaro L.(2015). Mga Organisasyon ng Negosyo. Ekonomiks. Retrieved from https://apekonomiks.wordpress.com/2015/03/11/mga-organisasyon-sa-negosyo/
Credits
MGA SANGGUNIAN
Dr. Jose Camacho et.al (2015). Mga organisasyon ng negosyo. Ekonomiks, 87-90.
Ervin J. (2015). Rubriks sa Pasalitang Pag-uulat. Scribd. Retrieved from https://www.slideshare.net/JohnErvin4/rubriks-sa-pasalitang-paguulat
Lazaro L.(2015). Mga Organisasyon ng Negosyo. Ekonomiks. Retrieved from https://apekonomiks.wordpress.com/2015/03/11/mga-organisasyon-sa-negosyo/
Tech Tech (2020). Mga Organisasyon ng Negosyo. Youtube. Retrieved from https://www.youtube.com/watch?v=L2yz8C3IxA0
Teacher Page
Ang webquest na ito ay nilika ni Lean May Herrera Rocha, mag-aaral sa College of Sciences Technology and Communication Inc, (CSTC) Sariaya Quezon, para sa asignaturang Technology for Teaching and Learning 2.