Introduction
Ang mga karapatang pantao ay tumutukoy sa "payak na mga karapatan at mga kalayaang nararapat na matanggap ng lahat ng mga tao.“ Kabilang sa mga halimbawa ng mga karapatan at mga kalayaan, na karaniwang iniisip bilang mga karapatang pantao, ang mga karapatang sibil at pampulitika, tulad ng karapatang mamuhay at kalayaan, kalayaan sa pagsasalita, at ang pagkakapantay-pantay sa harap ng batas; at mga panlipunan, pangkalinangan at pangkabuhayang karapatan, kasama ang mga karapatang makilahok sa kalinangan, karapatan sa pagkain, karapatang makapaghanapbuhay, at karapatan sa edukasyon (Lee,2016).
Nawawala ang pakakapantay-pantay ng lahat ng ta kapag nasusupil, ipinagkakait o nilalabag ang kanilang mga karapatan. Hindi nakabubuti para sa tao ang mawalan ng karapatan, sapagkat ang pagkakaroon ng karapatan ay likas sa kaniyang pagiging tao. Kung mawawalan ang tao ng likas sana niyang taglay tulad ng karapatan, ang pagkawala nito dahil sa paglabag ay magdudulot ng masamang epekto. Sa harap ng sari-saring batas na nangangalaga sa Karapatang Pantao tulad ng Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao at ang kalipunan ng mga Karapatang Pantao sa Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ng 1987, ngunit nakakalungkot na malaman na mayroon pa ring mga paglabag sa Karapatang Pantao ang nagaganap sa pamayanan, bansa at sa daigdig.
Dito ay malawakan na ting tatalakayin ang paglabag sa Karapatang Pantao, ang epekto nito at ang mga halimbawa ng paglabag sa Karapatang Pantao sa pamayanan, bansa, at daigdig.
Task
Ating siyasatin ang iyong naunang kaalaman tungkol sa mga Karapatang Pantao, e-click ang link na na nakapaloob sa portion na ito at sagutan bago magpatuloy sa PROCESS.
https://create.kahoot.it/share/mga-karapatang-pantao/41a8b9ec-0ad9-46fd…
Process
Gayong natapos mo na ang pagsusulit, atin ng talakayin ang mga isyu sa Karapatang Pantao. Sagutan ang nga katanungang makikita sa ibaba, basahin at unawain ang nga impormasyong mababasa sa link.
Ang mga link na ito ay syang magiging gabay sa iyong pagsagot sa mga katanungan.
1. Ano-ano ang mga anyo ng paglabag sa Karapatang Pantao?
2. Ano ang sanhi ng paglabag sa karapatang Pantao?
3. Ano ang epekto ng paglabag sa Karapatang Pantao?
https://www.studocu.com/ph/document/university-of-saint-louis/high-scho…
4. Ano-ano ang mga halimbawa ng paglabag sa karapatang pantao?
https://ourhappyschool.com/halimbawa-ng-paglabag-sa-karapatang-pantao&n…;
5. Ano ang sitwasyon ng Karapatang Pantao sa Pilipinas taong 2016-2019?
6. Ano-anong mga paglabag sa Karapatang Pantao ang nangyari sa taong 2016 hanggang 2019 sa Pilipinas?
https://drive.google.com/file/d/1e6BYIhNyUNxSDjTb1CYvdDqfMNSLZBxI/view?…;
Evaluation
Ilarawan sa pamamagitan ng concept map ang mga paglabag sa Karapatang Pantao na nagaganap o naganap sa inyung komunidad. Ibahagi kung anong anyo ng paglabag ito, ang epekto nito sa komunidad at sa mga tao at anong aksyon ang ginawa ng inyung barangay upang maiwasan ang ganitong paglabag sa Karapatang Pantao.
Upang magiyahan sa paggawa ng concept map ay basahin ang rubrics na nakapaloob sa link na nasa baba ng pangungusap na ito.
https://drive.google.com/file/d/1eLnmA7iIhS82NM-O3sRwQvRXlHaFMJ8K/view?…
Conclusion
Bawat isa sa atin ay may karapatan, karapatan na walang sinuman ang maaaring kumuha at yumapak. Nararapat lamang na alam natin kung ano ang ating mga karapatan ng malaman natin kung saan tayo lulugar at kung ano ang maaari nating gawin kung nilabag nag sinuman ang isa sa ating nga karapatan.
Credits
Teacher Page
Teacher: Anna Rose Saga Abao
Email: annaroseabao0401@gmail.com
Sa mga kasagutan, maaari kayong magpadala ng mensahe sa email na nakatalaga sa itaas ng pangungusap na ito