KAKAPUSAN AT KAKULANGAN (Inquiry-Based Learning Approach)

Introduction

ANO ANG KAKAPUSAN? 

Ang kakapusan ay hindi kasapatan ng pinagkukunang-yaman upang mapunan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao.

ANO ANG KAKULANGAN?

Ang kakulangan (shortage) ay kaganapan kung saan hindi kayang mapunan ng dami ng malilikhang produkto ang dami ng planong pagkonsumo ng tao.

ANO ANG SENYALES NG KAKULANGAN?

Bumababa ang suplay ng mga produkto sa mga pamilihan o merkado.

Kapag hindi mapigilan ang pagtaas ng demand.

ANO ANG MGA PALATANDAAN NG KAKAPUSAN?

Kapag ang mga produkto ay may mataas na halaga o presyo gayundin naman ang iba pang mga pangunahing mga pangangailangan.  Mayroong pera ngunit wala nang mabili.

Kapag marami na ang nagkakasakit dahil sa gutom.

ANO ANG HOARDING?

Ito ay kung saan itinatago ng mga negosyante upang hintayin ang pagtaas ng presyo kung saan sila ay lubos na makikinabang. Nagiging sanhi ito ng artispisyal na kakulangan sa mga pamilihan. Ang madalas na ilegal na itinatago ay bigas na siya namang pangunahing pagkain ng mga tao. Kung mapapansin sa mga pamilihan, ang mga mamimili ay hindi maiwasang magkagulo at mag-panic.

ANO ANG KARTEL?

Ito ay ang pangkat ng mga malalaking negosyante na nagmamanipula at kumokontrol ng distribusyon, pagpe-presyo ng mga produkto at gayundin ang pagbili.

https://youtu.be/NsO_vJRfoL0

Basahin: Ano ang kakulangan at kakapusan mula sa https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-kakapusan-at-kakulangan/ ni Brian Carlo (2018)

Task

https://youtu.be/0Y_17eYe3nI

Gawain 1. Ngayon naman upang mas maunawaan ninyo ang ibig sabihin ng kakulangan at kakapusan, ihahambing natin itong dalawa sa pamamagitan ng "Venn Diagram" sa link na ito https://www.canva.com/graphs/venn-diagrams/. Hahatiin ko ang klase sa tatlong (3) grupo at bibigyan ko lamang kayo ng sampung (10) minuto upang magtulungan at tapusin ito. Matapos nito ay ipapaliwanag ng grupong napili sa pamamagitan ng "random picker" sa https://www.flippity.net/.

 

Tutoryal sa paggawa ng "Venn Diagram" gamit ang canva.

https://youtu.be/LO4xSr6V2os

 

 

Evaluation

Gawain 2. Pagpapaunlad ng kaisipan.

Upang mapaunlad ang kaisipan, sagutan ang mga katanungan sa link na ito:

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSd9u934Uc251sJoF2OBCghj8OHtFwCAPwNucSb0bOI762XxHw/viewform?usp=sf_link

 

Gawain 3. Matalinong pangangatwiran

Ipaliwanag ang mga sumusunod ng may matalinong pangangatwiran.

1. Bilang isang konsyumer, bakit mahalagang maunawaan ng husto ang aspeto ng kakulangan at kakapusan?

2. Magbigay ng isang halimbawa ng kakulangan at kakapusan na naranasan mo sa iyong buhay at kung paano mo ito maiiwasan sa iyong hinaharap.

3. Anong paraan ang maaari mong maitulong upang maiwasan ang kakulangan at kakapusan?

 

Narito ang krayterya na pagbabatayan ng iyong mga kasagutan. 

KRAYTERYA

 

       

         Napakahusay

                   4

 

        Mahusay

               3

           Nalilinang

                 2

Nangangailangan ng Gabay

                     1

Paglalahad ng Paksa

Napakahusay at wasto ang paglalahad ng paksa sa pamamagitan ng maikhaing pagsulat

Mahusay nailalahad ang paksa sa pamamagitan ng mapamaraang pagsulat.

Nalilinang ang pagsulat sa pamamagitan ng mapamaraang pagsulat.

Nangangailangang paunlarin ang kasanayan sa pagsulat.

Nilalaman

 Naisulat lahat ang mga kinakailangang laman at ideya ng paksa base sa mga suportang ginamit.

Naisulat ang nilalaman na paksa ng may suportang kinakailangan.

Nalilinang ang pagsulat ng mga nilalaman base sa mga suportang ginamit sa paksa.

Nangangailangan ng gabay mapaunlad ang pagsulat ng mga kinakailangang laman ng paksa.

Organisasyon

Organisado, malinaw, simple at may tamang pagkakasunod-sunod ang mga ideya. Organisado ang daloy ng paglalahad ng kaisipan.

Maayos at malinaw ang mga ideyang ginamit sa presentasyon ng ideya.

Maayos at malinaw ang mga ideyang ginamit sa presentasyon ng ideya. May bahaging hindi kumpleto ang paglalahad ng ideya.

May kakulangan sa mga ideyang inilahad. Hindi organisado at nangangailangan ng sapat na gabay sa paglalahad ng mga ideya.

Konklusyon

Mahusay ang paglalahad ng konkusyon at nagpapakita ng pangkahatang ideya sa paksa batay sa mga sa ginamit na katibayan at mga katwiran.

Niapapakita ang pangkahatang ideya sa paksa batay sa mga ginamit na katwiran at palagay.

Lohikal ang pagkakalathala ng mga talatang ginamit sa konklusyon subalit ang mga ideya ay hindi lubos naipakita.

May kakulangan at walang pokus ang konkulsyon.

Credits

                                                                                      Sanggunian

Arcenio B. (2020).  Ang kakapusan. Paano nagkaiba ang kakapusan sa kakulangan. Retrieved from  https://bit.ly/3Ck2lwc

Ariola E. (2020). Kakapusan at Kakulangan. Retrieved from. https://bit.ly/399rCg8

Carlo B. (2018). Ano ang kakapusan at kakulangan. Retrieved from  https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-kakapusan-at-kakulangan/

Hale C. (2016). Kakapusan at kakulangan. Retrieved from  https://bit.ly/3z

Sahagun- Tadeo R. (2015). Masusing banghay-aralin sa pagtuturo ng Araling Panlipunan (Ekonomiks). Retrieved from https://bit.ly/3kbltq1

Steward A. (2020) Venn diagram in canva. Retrieved from https://bit.ly/2VL8Us6

 

Teacher Page

Ang webquest na ito ay nilikha ni Jope D. Marinay na kasalukuyang nag-aaral sa ilalim ng programang Bacherlor of Secondary Education major in Social Studies. Kasalukuyang estudyante sa College of Sciences, Technology and Communications Inc. Sariaya, Quezon.