Jose Rizal. Buhay, Gawa at Sinulat - Marie Carpizo

Introduction

"Ang kabataan ang pag-asa ng bayan" - Jose Rizal

Image result for jose rizal

Ito ang pinakatanyag na linya ni Rizal na pumukaw sa puso't isipan ng bawat Pilipino. Iyon ang paglalarawan ng kanyang buhay, mga nagawa at mga tagumpay noong panahon ng mga Kastila. Ang taong may pagkahilig sa paglingkod sa kanyang bayan, ang may matalino na nagbigay inspirasyon sa kanyang kapwa at may pagkamakabayang uliran at may mga prinsipyong palayain ang mga isipan ng ating ninuno kung saan ihahanda sila sa daan ng kanilang kalayaan.

Si Jose Rizal, ang ating pambansang bayani, ay isa sa dahilan kung bakit dapat tayong mga Pilipino ay maging proud. Ito ay hindi lamang dahil sa kanyang pagiging henyo pero ito ay dahil sa kanyang pagkamakabayan na dapat ipakita sa buong mundo sa gitna ng paniil at pang-aabuso. Si Rizal ang pinakamagandang halimbawa sa bawat kabataang Pilipino.

Sa oras na ito, alamin natin ang ilan pa tungkol sa ating bayani at kilalanin ang kanyang talambuhay at mga nagawa niya sa mga oras na buhay pa siya. Mas maganda kung may sapat na kaalaman na tayo tungkol kay Jose Rizal maliban lang sa pagdiriwang ng Rizal Day tuwing ika-30 ng Disyembre na taon-taon nating pinagdiriwang.

Task

  • Magsaliksik tungkol sa talambuhay at mga nagawa ni Rizal. Dapat isama ang pamilya, edukasyon, pagpunta sa ibang bansa, pagkabilanggo, pagkamatay at kung ano-ano pang may kaugnayan kay Rizal. Ito ay mas lalong nakakapanabik kung daragdagan ninyo ng trivia o kung anumang kahanga-hangang tungkol kay Rizal.
  • Pangkatang gawain. Sa bawat pangkat tig-5, ang mga nasaliksik ay dapat humantong sa pagdodokyument at pagsasama-samahin upang gawing video presentation.

MGA PATNUBAY:

1. Ang bawat video presentation ay kailangang hindi bababa sa 10 minuto at hindi tataas sa 15 minuto.

2. Malaya kayong makapipili kung ano ang kaayusan at/o setting sa inyong video presentation.

3. Maaari nyo ding ayusin ang mga detalye sa inyong video presentation.

4. Maaari ding isama sa video presentation ang mga karagdagan ng inyong mga kagrupo, kaklase at kung sinuman na konektado sa presentation.

5. Huwag mangopya ng mga videos na tapos nang ipinakita. Siguraduhing lahat ng video ninyo ay ORIHINAL NA GINAWA NG INYONG GRUPO.

6. Pagkatapos ipresenta, ilalagay ito sa CD.

  • Ang importante ay humatong sa pagdodokyument kung saan ito ay tulong-aral at ganoon na rin na dapat bihagin ang mga puso't isipan ng mga madla. Ang dokyumentasyon ay hindi ibig sabihin na dapat pumunta sa lugar kung saan siya namatay, nabilanggo o sinilang.
  • Ang pinakapunto ay dapat humantong sa presentasyon na tuturuan ang murang pag-iisip at magbigay insperasyon sa kanila na kanilang tutularan sa paggawi at pagkilos ni Jose Rizal. Sa ganitong paraan, magbibigay inspirasyon ito sa kanila.

 

Process

  • Magtatrabaho o gagawa sa gawaing ito bilang isang grupo na may 5 miyembro. Pipili ng pinuno. Sa napiling pinuno, hahatiin ang mga gampanin ng bawat miyembro, ang 3 ay magiging mananaliksik, ang 2 ay magiging editor at multimedia duo. 
  • Sa oras na nakuha nyo na ang inyong mga gampanin, siguraduhing bisitahin ang ating silid-aklatan para sa pangkalahatang ideya tungkol kay Rizal.
  • May 3 araw kayo upang tapusin ang gawaing ito.
  • Pagkatapos gawin ang pananaliksik ng talambuhay ay agad na isumiti sa mga Editors para tapusin ang video presentation. 
  • Pagkatapos ibuod ang mga papel, ipresenta ito sa mga kagrupo para sa paglilinaw at pagbabago.

Pagnatapos ninyo ito sa isang pagkikita, matatapos rin ng maaga.

  • Kung napagdesisyonan nyo na ang nilalaman, ipresenta ito sa multimedia duo kung saan sila ay dalubhasa na sa video editing o taping.
  • Kapag gagawin ang video taping bisitahin ang site na ito upang magkaroon ng tips. Kumpletuhin ang mga hakbang sa susunod na 3 araw kasama ang pag-eedit at iba pa.

http://www.videomaker.com/learn/post-production/video-editing/.

  • Repasuhin ang inyong ginawa, tayahin ang inyong sanaysay tungkol sa inyong pangkatang gawain.
  • Ang takdang petsa ay sa susunod na linggo, unang araw. Ang mga video at ipepresenta sa susunod na araw.

Evaluation

Katumbas na marka:

2pt Mahina

3pts Mainam

4pts Mahusay

5pts Napakahusay

Pagsasaayos

2. Mahina - hindi naiintindihan ng madla ang presentasyon dahil walang maayos na pagkakasunud-sunod ang mga impormasyon.

3. Mainam - nahihirapan ang mga madla na sundan ang presentasyon dahil ang mga mag-aaral ay lumulukso.

4. Mahusay - ang mga mag-aaral ay may lohikal na pagbibigay ng impormasyon kung saan ang mga mag-aaral ay nakakasunod.

5. Napakahusay - ang mga mag-aaral ay may tamang pangangatwiran at may interesadong pagkakasunod-sunod kung saan ang madla ay nakakasunod at naiingganyo.

Kaalaman sa Paksa

2. Mahina - ang mga mag-aaral ay walang mahigpit na impormasyon, ang dokyumentaryo ay walang impormasyon. Ang mga mag-aaral ay hindi makasagot sa kasunod na katanungan tungkol sa paksa.

3. Mainam - ang mga  mag-aaral ay hindi komportable sa kanilang impormasyon at kayang lamang sagutin ang mga tanong sa pasimula. Ang dokyumentaryo lamang ang kinukuhanan ng sagot sa simula.

4. Mahusay - ang mga mag-aaral ay may kaginhawaan sa pagsagot sa lahat ng katanungan pero nahihirapang liwanagin. Ang dokyumentaryo ang nagbibigay ng lahat ng inaasahang impormasyon. May kaunting mga katanungan base sa nawawalang nilalaman.

5. Napakahusay - ang mga mag-aaral ay nagpakita ng saganang kaalaman sa pagsagot sa lahat ng katanungan, sinagot itong may pagpapaliwanag at nililinaw.

Content (Dokyumentaryo)

2. Mahina - nagbigay lamang ng 2 o mababa pang patunay

3. Mainam - 3 patunay pero ang patunay ay hindi nagbigay na anumang pangangatwiran

4. Mahusay - 3 patunay at ang patunay ay nilapatan ng pangangatwiran na may kaugnayan sa mahahalagang katanungan

5. Napakahusay - 3 o higit pang patunay. Ang mga patunay na nilapatan ng pangangatwiran tungo sa mahahalagang katanungan at nagbigay ng mga patunay sa kanilang pahayag.

Conclusion

                                             Related image

Napakahusay dahil may tamang pangangatwiran at may interesadong pagkakasunod-sunod ang ginawa ninyong video presentatiom kung saan ang madla ay nakakasunod at naiingganyo, nagpakita ng saganang kaalaman sa pagsagot sa lahat ng katanungan, sinagot itong may pagpapaliwanag at nililinaw at  ang mga patunay na nilapatan ng pangangatwiran tungo sa mahahalagang katanungan at nagbigay ng mga patunay sa kanilang pahayag.

Credits