HEOGRAPIYA:LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYA

Introduction

Gawain 1

Sa pamamagitan ng link na nasa ibaba, sagutin ang tanong na "Para sa'yo, ano ang heograpiya?".

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSdUHJE0VY-SSxA7DKsQR6Q4ewh4cZHh8soxVNivF2ju2Y83AA/viewform?usp=pp_url

 

Panggrupong Gawain 1

Araling mabuti ang mga larawang nasa ibaba. Mula sa mga larawang ito, magbigay ng labing-limang (25) salita o pariralang tutugma sa mga larawan. Gamitin ang Google Jamboard upang maibigay ang inyong mga kasagutan. Kung ikaw ay gumagamit ng cellphone ay maari mag-install ng Google Jamboard sa Playstore. Buksan ang link na ito para sa panggrupong gawain: https://jamboard.google.com/d/15rjJD2EjBPFDBZpwfpBi6K2jaf3Wd2rgBUPzG-uTiFw/edit?usp=sharing

How to Turn Off Location Services and Stop Your iPhone Apps From Tracking  You | PCMag Exploring The Banaue Rice Terraces, The Philippines | Rough Guides

Post-Work Migration and the End of America | The New Republic

Between Extremes: Health Effects of Heat and Cold | Environmental Health  Perspectives | Vol. 123, No. 11

Regions and Provinces of the Philippines - YouTube

 

Task

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

  1. Nabibigyang-kahulugan at nakikila ang heograpiya at ang limang tema ng heograpiya.
  2. Nakakapagbigay ng mainam na halimbawa ng limang tema ng heograpiya,
  3. Nakalilikha ng sariling halimbawa ng limang tema ng heograpiya sa pamamagitan ng Infographics. 
Process

Ano nga ba ang HEOGRAPIYA?

173,668 Geography Photos - Free & Royalty-Free Stock Photos from Dreamstime

Kahulugan ng Heograpiya

          Ang ang heograpiya ay ang pag-aaral sa mga pisikal na katangian ng daigdig, ang iba’t ibang lugar sa mundo at ang relasyon ng tao sa kanyang kapaligiran. Sinusuri din ng isang geographer kung paano nakaaapekto ang kultura ng tao sa kapaligiran, at kung paano nakaaapekto ang lokasyon at lugar sa pamumuhay ng mga tao.

         Ang salita ng heograpiya ay ginamit ng mga sinaunang tao upang bigyan ng tawag ang kanilang pag-aaral, pagsulat at paggawa ng mapa na nakakatulong sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman kaugnay ng kanilang mundong ginagalawan.

         Ang mga sinaunang Griyego ay mga masugid na tagalikha ng mga mapa. Sila ay nakalikha ng mga mapa ng iba’t ibang lugar sa Asya, Europa, at Africa. Sa kanilang paggawa ng mapa napansin nila ang iba’t ibang pagkakaiba ng mga lugar na kanilang pinupuntahan. Ang mga pagkakaiba sa klima pamumuhay ng tao sa iba’t ibang lugar ay naging isang malaking katanungan sa kanila. Hindi nagtagal ay nalamang ng mga sinaunang Griyego na bilog ang daigdig.

Ano ang Heograpiya? 2

Larawan 1. Daigdig ayon kay Anaximenes ng Miletus ika-anim na siglo BCE.

          Makalipas ang ilang daang taon pa ay nagsimula ang Ginintuang panahon ng mga Muslim ng Arabian Peninsula at Hilagang Africa. Ang mga iskolar ng Islam ay ang lumikha ng unang rektangolong mapa na may mga grid at coordinate na masasabing kahawagin ng kasalukuyang sistema ng longhitude at latitude. Ang mga mapa na ito ay naging malaking tulong sa paglalakbay at paglalayag.

Ano ang Heograpiya? 3

Larawan 2. Tabula Rogeriana, iginuhit ni Muhammad al-Idrisi, 1154 CE

         Kasabay ng mga tagumpay ng mga Arabong Muslim sa Middle East ay nagkaroon din ng malaking kontribusyon ang mga Tsino sa heograpiya. Sa pagitan ng 1500 BCE  at 1000 BCE, pinatunayan ng mga Tsino ang husay nila sa Astronomiya at nilkha din nila ang unang compass para sa paglalayag.

Ano ang Heograpiya? 4

Larawan 3. Chinese Compass

          Sa pagpasok ng ika-15 at ika-17 siglo, nagsimula ang Panahon ng Pagtuklas. Ginamit ng mga Europeo ang mga natutunan nila mula sa mga Tsino upang maglayag sa iba’t ibang panig ng daigdig. Ang panahon na ito ay nagdala ng malaking interes sa heograpiya at naging masigla ang sangay ng pag-aaral na ito dahil na din sa pagka-imbento ng movable press. Nakatulong din ang pag-unlad ng mga teknolohiya sa paglalayag sa dagat at ang malaking bilang ng impormasyon na hawak na maaaring gamitin ng isang manlalayag.

 

Ano ang mga Saklaw ng Heograpiya?

           Saklaw ng pag-aaral ng heograpiya ay nahahati sa dalawang kategorya: Pisikal na Heograpiya (Physical Geography) at Heograpiyang Pantao (Human Geography).

 

Pisikal na Heograpiya

          Ito ay mas nakatuon sa pag-aaral ng iba’t ibang pisikal na katangian ng daigdig. Pinag-aaralan din dito ang mga pagbabago sa kapaligiran na dulot ng tao.

Ang ilan sa mga saklaw nito ay ang sumusunod:

  1. Anyong lupa at anyong tubig
  2. Klima at Panahon
  3. Likas na yaman
  4. Fauna(Animal life) at flora(plant life)

Heograpiyang Pantao

             Ito ay mas nakatuon sa pagsuri sa distribusyon at sa ugnayan ng mga tao at kultura sa daigdig. Pinag-aaralan dito mga epektong dulot ng tao sa kapaligiran kung saan siya nakatira. Pinag-aaralan din ng isang human geographer ang mga politikal, panlipunan at pang-ekonomiyang sistema ng iba’t ibang bahagi ng mundo. Kamasa kanilang inaaral ang relihiyon, uri ng gobyerno at mga kasunduang pangkalakalan sa pagitna ng mga bansa.

 

Upang lubos mo pang maunawaan, maari mong panuorin ang bidyo sa ibaba.

https://youtu.be/kCu2BGTVRaU

 

Limang Tema Ng Heograpiya

Panuorin ang bidyo sa ibaba at unawaing mabuti.

https://youtu.be/Zfo4ktnf2AI

1. Lokasyon 

         Ang lokasyon ay ukol sa mga kinaroroonan ng mga lugar sa Daigdig. May dalawang paraan para matukoy ang lokasyon:

               Lokasyong Tiyak Absolute – Ito ay isang paraan na nagagamit ang mga linyang latitude at longitude na bumubuo sa grid.

               Lokasyong Kaukulan Relatibo – Isang paraan na kung saan ang batayan ay ang mga lugar na nakapaligid nito.

2. Lugar

        Tumutukoy ito sa mga katangiang natatangi sa pook. Katulad ng lokasyon, may dalawang paraan para matukoy ang lugar:

               Katangiang Kinaroroonan – kabilang nito ang klima, anyong lupa, anyong tubig, at likas na yaman.

               Katangiang Naninirahan na mga Tao – kabilang nito ang wika, relihiyon, populasyon, kultura at sistemang politikal.

3. Rehiyon

         Bahagi ito ng Daigdig na pinagbubuklod ng mga magkakatulad na katangiang pisikal o kultural.

4. Interaksyon ng Tao sa Kapaligiran

         Ito ay ang kaugnayan ng tao sa pisikal na katangiang taglay ng kanyang kinaroroonan.

5. Paggalaw

          Tumutukoy ito sa paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar patungo sa iba pang lugar. May tatlong uri ng distansya ng isang lugar patungo sa ibang lugar:

               Distansya Layo – Kung gaano kalayo ang lugar.

               Oras Panahon – kung gaano katagal papunta sa lugar na iyon.

               Sikolohial – Kung paano tiningnan ang layo ng lugar.

Evaluation

Maikling Pagsusulit

Buksan ang link sa ibaba at sagutan ang maikling pagsusulit.

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSfOFZ0Wg1oInOvFD5RAzJPQ-MaO7me_kWaxWB-ipxBd4EHNrQ/viewform?usp=pp_url

 

Panggrupong Gawain 2

Sa pamamagitan ng Infographics and bawat grupo ay gagawa ng sariling mga halimbawa na ipinakikita ang Limang Tema ng Heograpiya. Kailangang makapagbigay ng limang mga halimbawa sa nakatokang tema. 

Pangkat 1-Lokasyon

Pangkat 2-Lugar

Pangkat 3-Rehiyon

Pangkat 4-Interaksyon ng Tao sa Kapaligiran

Pangkat 5-Paggalaw

Pagkatapos magawa ang gawain, magkakaroon ng maikling presentasyon ng grupo sa Google Meet.

 

Credits

Aralipunan Writers. (2020). Ano ang Heograpiya? Retrieved from https://aralipunan.com/heograpiya/

Rey. (2020). Limang Tema Ng Heograpiya – Ang Mga Tema At Kahulugan. Retrieved from https://philnews.ph/2020/02/18/limang-tema-ng-heograpiya-ang-mga-tema-at-kahulugan/

Teacher Page

This Webquest material was prepared for Geography 1 Students of CSTC, Sariaya Quezon by Prof. John Jernon F. Salazar.