DULA

Introduction

Kaligiran Pangkasaysayan ng Dula

                Dula ito ay hango sa salitang griyego na "drama" na nangangahulugang gawin o kilos. Ang layunin ng dula ay makapagbigay ng aliw sa manunuod. Sinasabi rin na ang dula ay isang uri sining na may layuning magbigay ng makabuluhang mensahe sa manonod. Ito ay nahahati sa limang panahon Panahonng Katutubo, Panahon ng Kastila, Panahon ng Amerikano, Panahon Hapon at Kasalukuyang Panahon 

Task

Layunin

Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1.Naitatambal ang nabuong salita na sangkap ng dula sa kahulugan nito

2. Nakapagbibigay ng halimbawa at naiuuganay ang sangkap ng dula sa mga napanood na pelikula

3. Nakasusuri ng mabuti ng dula upang maiugnay ayon sa Sangkap ng Dula 

Process

             Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood.Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan. Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na tinatawag na iskrip.

Ang dula ay mayroon ding sangkap. Ito ay simula, gitna, at wakas.

SANGKAP NG DULA

Simula - mamamalas dito ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin. Gitna - matatagpuan ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan. Wakas - matatagpuan naman dito ang kakalasan at ang kalutasan.

Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa dula

Tauhan – ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula

Sulyap sa suliranin – bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin; mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na isang suliranin ang isang dula

Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasan

Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian ang isang dula

Kasukdulan – climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o kaya’y sa pinakakasukdulan ang tunggalian

Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian

Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga manonood

Narito ang halimbawa ng Dula

https://youtu.be/cCcXA0oqd30

Evaluation

One minute essay Essay:Editoryal Kartoon

Suriin mabuti ang editoray. Pagakatapos ay ipaliwanag nito sa loob ng isang minute.

EDITORYAL NA CARTOON – BALITA NGAYON      Handwriting Paper: Printable Lined Paper

Conclusion

Ang dula sa ating bansa ay kasintanda ng kasaysayan ng Pilipinas. Bahagi na ito ng ating tradisyon. Mga tradisyong nagbibigay identidad sa mga Pilipino. Sa paglipas ng mga taon, nagbabago ang anyo ng mga dulang Pilipino. Ngunit isa ang layunin ng mga mandudula: ang mag bigay aliw sa mga mamamayang Pilipino, at higit sa lahat, ang bigyang buhay ang mga pangyayari sa buhay Pilipino.

Credits