Introduction
Ang hindi pagkakasundo ng magkakapatid ay nangyayari sa totoong buhay kaya nagagamit din bilang isang paksa ng ilang pelikula at maging ng mga telenobela o seryeng pantelebisyon. Isang halimbawa nito ay ang seryeng Doble Kara ng ABS-CBN kung saan ang mga pangunahing tauhang kabal na may magkaibang- magkaibang personalidad na sina Kara at Sara na kapwa ginampanan ni Julia Montes ay nasuong sa maraming pangyayaring nagdadala ng sigalot o gulo hindi lamang sa kanilang magkapatid kundi sa mga taong nakapaligid sa kanila.
Sa seryeng ito, si Kara ang mas simple, mas mahiyain, mas tahimik at mas matiisin. Matalino siya at mahusay sa arts. Si Sara naman ang mas agresibo, biba, mahilig sumali sa mga beauty contest lalona kung alam niyang kikita nang malaki, at handang gawin ang lahat para yumaman.
Noong una'y maayos ang samahan ng mag-anak kahit pa sila'y mahirap hanggang sa kinakailangang ibigay si Kara sa tunay nilang ama upang maipagamot siya sa kaniyang sakit na leukemia. Pagkalipas ng labing-apat na taon ay muling nagkita ang kambal. Naging maayos ang mga unang bahagi ng pagkikita hanggang sa malaman ni Sara ang totoo. Dito nagsimula ang pagkasuklam niya sa kambal dahil sa pananaw niyang pinagkait sa kaniya ang ginhawang nakamtan ni Kara sa Piling ng tunay na ama samantalang siya'y dumanas ng mahirap na buhay sa Piling ng tunay nilang ina at kinikilalang ama.
Panoorin ang maikli at piling bahagi ng teleserye na may kaugnayan sa akdang tinalakay na piling kabanata ng Ibong Adarna.
Task
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang nakapagpapahayag ng damdamin at saloobin sa pamamagitan ng paglalahad nito sa padlet.
https://padlet.com/kcedigo/malaya-ka-sabihin-mo-na-9n7hp3kcua2ecxdk
Process
Buod ng Ibong Adarna
Halika at samahan mo akong ipagpatuloy na tumghayan ang pakikipagsapalaran ng tatlong prinsipe sa paghahanap at paghuli sa Ibong Adarna na siyang makagagamot sa sakit ng kanilang mahal na amang si Haring Fernando.
Kabanata 9 : Ang Pagtataksil kay Don Juan
Nagsilakad na ang tatlo katuwaay nag-ibayo; ngunit itong si Don Pedro may masama palang plano. Nagpahuli kay Don Juan kay Don Diego'y umagapay, ito'y kaniyang binulungan ng balak na kataksilan. " Kaya ngayon ang magaling na si Don Juan ay patayin; kung patay na'y iwanan natin, ang Adarna nama'y dalhin." Inumog na si Don Juan na di naman lumalaban; suntok, tadyak sa katawan kung dumapo'y walang patlang. Sa palasyo nang dumating ang magkapatid na taksil sa ama'y agad na nagturing; "Ang Adarna'y dala namin!"
"Ito baga ang Adarna?" naitanong sa dalawa. "Kung ito nga'y ano baga't pagkapangit pala niya!"
Ibo'y ayaw ring kumanta pagkat dinaramdam niyang yaong may-ari sa kaniya sa palasyo ay wala pa. Samantalang sa palasyo pangyayari ay ganito, si Don Jua'y lugong-lugo gagapang-gapang sa damo.
Kabanata 10: Hinagpis ni Don Juan
" O Birheng Inang marilag, tanggukan ng nasa hirap, kahabagan di man dapat ang aliping kapuspalad. "Di ko maubos- isiping kapatid ko ay nagtaksil, kung sa ibon po ang dahil kanila na't di na akin."
Para sa pagpapatuloy ng aralin panuorin at suriin ang serye mula sa "Doble Kara: Galit at Pagpaparaya".
Evaluation
Pangkatang Gawain
MULING BALIKAN, ANG AKING NAKARAAN!
Panuto: Bumuo ng isang concept map ang bawat pangkat sa isang cartolina, gamit ang mga larawan ng inyong pamilya, kaibigan o kapatid na sama-samang namamasyal. Lagyan ito ng talatang nagsasalaysay ng inyong naging karanasan sa pamamasyal ito at kung paano nakatulong ang pamamasyal na ito sa inyong samahan. Gamiting ang pamantayan sa ibaba sa paglikha ng gawain. Mayroon lamang kayong 10 minuto para sa gawaing ito.
PAMANTAYAN |
|
Nilalaman 10
|
|
Kaangkupan ng Konsepto 5
|
|
Presentasyon 10
|
|
Pagkamalikhain 5
|
|
Kabuuang Puntos 30 |
Credits
Sanggunian:
https://youtu.be/ugv6xJxuYjw?si=0gMY2D7bGQIoHYfn
https://youtu.be/u5j4xwK-uEg?si=i-ZCQJOaRcN9nsWN
https://youtu.be/ginZYkujIxU?si=ApyTiwNodC7x8VzR
https://youtu.be/NohpTdCGh70?si=lGEIyMN8IIEgaCby
https://www.youtube.com/watch?v=z8O5f_AnT5o
https://padlet.com/kcedigo/malaya-ka-sabihin-mo-na-9n7hp3kcua2ecxdk